2

1.2K 48 0
                                    

Nakatulala lang ako habang abala si Yor at Gretchen sa pagrampa sa stage, mas naging doble ang sikap ng kaibigan kong maturuan ang kaklase namin dahil papalapit nang papalapit ang araw ng pageant. Lunes na ngayon at ilang araw na lang ang pagitan bago ang pinaghahandaan naming patimpalak.

May mga kasama rin kaming iba rito sa gym na kagaya namin ay abala rin sa pag-eensayo, hindi sa pageant pero sa iba't ibang sports tulad ng volleyball at basketball. In-open kasi ang gym para rito. Walang klase ngayon dahil inilaan talaga ang buong linggong ito para sa School Intrams. Marami ang nagkalat na estudyante sa loob o sa labas man ng mga silid, kanina nga ay maraming nasa field at kani-kaniya ng ginagawa ang mga kapwa ko estudyante.

“Hi, Sani!” bati ng lumapit at tumabi sa akin.

Nabalik ako sa katinuan at kumurap bago nilingon ang naupo sa tabi ko.

“Oh, Chem. Naparito ka? Akala ko ba nagpapractice kayo?”

Inalis niya ang bag sa likod at nilagay iyon sa katabi niya pang upuan. He's widely smiling at me, his dimple on his right cheek appeared.

“Sophomores na ang naka-schedule ngayon sa field kaya wala muna kaming practice.”

I nodded. Archemedes...he's a soccer player, he's a well-known student here since magaling siyang maglaro at may itsura. Naging kaibigan ko siya dahil dati ko siyang kaklase at hanggang ngayon ay naging magkalapit na kami kahit pa hindi na kami magkaklase. Well, I'm glad to have a friend like him...sinong hindi, 'di ba? Aside from being popular, he's also kind and humble.

“Ikaw? Wala ka bang sasalihan?” tanong niya.

Nagtaas ang dalawang kilay ko. Saglit akong nag-isip bago umiling. Bakit pa ba ako mag-iisip, eh, hindi naman ako mahilig sa sports at wala akong talent pagdating sa ganitong aspeto. I'm playing table tennis pero hindi naman ako magaling, past time lang...lagi pang natatalo.

“Hindi ako mahilig sa sports, e. Wala akong alam na laruin.” simple kong tugon. Binalik ko ang tingin sa unahan at pinanood ang mga nag-eensayo.

“So, wala kang gagawin?”

“Ah, meron. Tumutulong ako kay Yor, pero sa Friday pa naman yung pageant.”

Nagkamot siya sa batok, tila may gustong sabihin. “Free ka ba bukas?”

“Uhm, siguro? Hindi na muna yata ako pupunta dito...Bakit?”

Bukas ay pahinga namin, magsusukat lang ng mga gagamiting attire si Gretchen kaya wala kaming meeting bukas para mag-practice. She's doing great also kaya kontento na si Yor doon.

“Gusto sana kitang imbitahan na manood ng laro bukas. Kung gusto mo lang naman.”

Saglit akong natahimik, pinanood siyang umiwas ng tingin.

“Huh? May laro kaagad kayo bukas? Wow. Sure! Manonood ako.”

“Talaga?”

Tumango ako at ngumiti. Hindi pa ako kailanman nanood ng laro sa soccer dahil noong mga nakaraang Intrams ay hindi talaga ako pumapasok. Wala naman kasi akong sasalihan at pagkakaabalahan...ngayong tumutulong ako kay Yor para sa pageant ay may rason ako para pumasok ngayong linggo. Hindi naman yata masama kung manonood ako ng laro ni Chem bukas? Wala rin naman akong gagawin.

“Anong oras?”

Lumiwanag ang itsura niya at agad na sinabi ang schedule at oras ng laro niya bukas.

“Sani?” Tawag ni Yor mula sa hindi kalayuan.

Agad akong lumingon, she signaled me to go there kaya nagpaalam ako kay Chem at nilapitan sila.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon