5

849 37 4
                                    

“Go, Loren!”

The crowd's chanting her name after she finally enter the game. Ako lang yata ang tahimik at kinakabahan...hindi pa rin makapaniwala. She's playing soccer along with the boys. Imbes na magmukhang ewan sa field ay mas naging matingkad lang ang aura niya kumpara sa iba pa niyang mga kasamahan.

Hindi ko na nabigyan pang pansin si Chem na naglalaro rin at pursigidong maka-score. Nasa halfway na ang laban at ang tanging masasabi ko ay magaling si Loren sa pagmamani-obra ng bola. Her ponytail hair is swinging as she ran across the area.

Halos lahat ng nanonood ay siya ang chinicheer. I tried to concentrate and watch Archemedes instead, nagtagumpay naman ako sa huli. Nga lang ay hindi ko maiwasang maawa lalo pa't wala pang puntos ang grupo nila samantalang sa amin ay tatlo na. Kaya naman nang maka-goal siya ay napatayo ako at pumalakpak.

Then I realize nasa kumpol pala ako ng kalaban nila. I even saw how Loren glance on my direction and watch me clapping my hand for their opponent. Tumigil ako sa pagpalakpak at dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo. She's still watching me as if I'm a puzzle to solve.

Tumikhim ako at napalunok, para akong estatwa na nakaupo roon kahit pa hindi na nakatingin rito si Ren. Inayos ko ang salamin ko at umaktong parang walang nangyari. Hinayaan lang rin naman ako ng mga kasama ko, alam naman siguro nila kung bakit ako nag-cheer hindi ba?

“Nasa'n si Gretchen at Yorice?” tawag pansin ng isa sa mga kaklase namin na sa tingin ko ay kararating lang.

“Bakit?” sagot ni Yor na nasa tabi ko lang.

“Tawag kayo ni Miss De Vega.”

Tumayo naman ang kaibigan ko, tumingala ako para makita siyang nakikipag-usap.

“Para saan daw?”

“Ewan, isama mo raw si Gretchen. Mukhang tungkol sa pageant, nasa room niya yung ibang candidate, e.”

“Oh, narinig mo 'yon?” baling ng kaibigan ko sa kay Greta na nanonood pa rin.

“What?! No. Pwedeng mamaya na? Magta-time out naman na, asikasuhin ko pa si Loren.”

“Ibigay mo na lang muna kay Sani 'yang tubig at towel, babalik rin tayo agad!”

“No. Kaunti na lang yung oras, oh! Saglit na lang.”

“Gusto mong manalo, ‘di ba? Tumayo ka jan, baka mamaya i-disqualify pa tayo kapag hindi tayo pumunta.”

Akala ko ay magpoprotesta pa siya ngunit padabog siyang tumayo at lumapit sa'kin para iabot ang hawak niyang bote ng tubig at tuwalya.

I was too stunned to speak, kusang inabot ng kamay ko ang mga iyon. Bakit sa'kin? Bakit ako? Pwede namang iba na lang! I was about to say a word but I never had the chance, umalis na sila nang hindi ako sinabihan ng kung ano pa man.

Ngayon ay kabado na ako habang nanonood, panay ang sulyap ko sa timer at nakitang ilang segundo na lang ay magtatapos na ang laro.

When the horn beeped, tila lalabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang kalabog nito.

What should I do? I don't know!

Nang makalapit ang grupo ay pawang pawisan at pagod sa laro ngunit lahat sila ay magaan ang aura at mukhang ini-enjoy ang laro.

“See? Sabi ko sainyo, e. Kahit biglaan, hindi pa rin kayo matatalo!” our classmates cheered.

“Magaling kasi 'tong si President kaya lalamang talaga tayo!” wika ng isa sa mga naglaro sabay akbay sa kay Loren.

I flinched when her eyes suddenly met my gaze. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko, I don't know but I saw her smile a bit before looking away. Ilang sandali pa ay lumapit siya sa kinaroroonan ko kaya alerto akong tumayo at binigay sa kaniya ang tubig.

“U-Uhh, umalis lang saglit sina Gretchen kaya ako ang pinahawak niya ng tubig at towel mo. Pero huwag kang mag-alala babalik rin sila kaagad!” agap ko.

Wala siyang sinabi, nilagok niya lang ang tubig na ibinigay ko. Pinanood ko siyang uminom at dahil matangkad siya sa akin ay kita ko ang pawisan niyang mukha at leeg. She still look fresh, I can smell her good scent. Nang matapos siya sa pag-inom ay tinapon niya ang walang laman na bote sa kung saan, akala ko pa naman ay ibabalik niya pa sa akin.

Binigay ko sa kaniya ang tuwalya na pampunas niya sa pawis ngunit hindi niya iyon inabot. Bagkos ay yumuko siya at bahagyang nilebel ang kaniyang mukha sapat lang para maabot ko.

She just looked at me using her hooded eyes. Kahit wala siyang sabihin ay alam kong ako ang dapat na magpunas sa kaniya.

“Double time!” Rinig kong wika ng coach sa kung saan.

I forgot that we're in the middle of this crowded place. Nang matauhan ay nilapat ko ang towel sa kaniyang mukha at magaang pinunasan ang kaniyang pawis. Hindi na ako nag iisip pa kaya maging leeg niya ay pinunasan ko. She's watching me intently, I can feel her fixated eyes staring while I almost lost my sanity because of unfamiliar feeling that crept inside my stomach.

“Bakit kalaban ang chini-cheer mo?”

I lightly gasped when she talked. Her cool mint breath touch my face.

Napalunok ako at tila nawalan ng utak para makapag-isip ng maisasagot.

“Salvador is your boyfriend?” she concluded.

My eyes narrowed a bit. Sinalubong ko ang malalalim at namumungay niyang mga mata. Seryoso pa rin siya at tila binabasa ang nasa isip ko.

“H-Hindi, magkaibigan lang kami.” Kabado kong sagot.

She licked her lips, reason why it reddened.

“Kaya ka ba nasa field kahapon?” namamaos niyang tanong muli.

It sent shivers down my spine. My knees wobble and my throat went dry. Yes, she saw me but...is it necessary to mention it now? I mean...

Tumango na lang ako. Hindi na kaya pang magsalita.

Oo nasa field ako kahapon pero hindi ako nanonood ng practice nina Chem dahil hinihintay kitang bumalik kasama si Anne!

I want to tell those but I chose not to. Bukod sa magmumukha akong engot ay wala ring punto iyon. Ano naman ngayon kung magkasama sila ni Anne sa kung saan man jan? Baka magalit pa siya sa akin. Pinagsabihan niya na ako ngunit heto pa rin ako at nagmamasid...kahit ako ay hindi ko maintindihan ang mga pinaggagagawa ko. Naguguluhan rin ako.

Sobra-sobra ang kaba ko lalo pa't ilang dangkal lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Namumula rin ang pisngi ko at hindi malabong mapansin niya iyon.

Pumito si coach, senyales na tinatawag niya ang pansin ng kaniyang mga manlalaro. Loren immediately shifted her weight and tower over me again, doon lang yata ako nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at nanghihinang napaupo sa dating pwesto.

What's wrong with me? We just talked!

Baka naman gusto mo siya.

No way!

IMPOSIBLE.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon