19

629 24 0
                                    

The next day is the worst day of my life.


Pumasok pa rin ako sa school sa kabila ng masamang pakiramdam, hindi dahil sa lagnat o ano pa man kung hindi dahil sa nangyari kahapon. Halos hindi ako nakatulog sa kaiiyak habang iniisip kung ano bang nagawa kong mali.

Although I'm not at fault, a part of me is still guilty and thinking Gretchen's condition. Kapag may nangyaring masama sa kaniya ay kargo ko ang kasalanang iyon kahit pa sabihin kong pinrotektahan ko lang ang sarili ko.

The emotions dancing behind Loren's eyes yesterday...as if she's blaming me is repeatedly flashing inside my head last night. Kasalanan ko bang ipinagtanggol ko lang ang sarili ko mula sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa?

Masama ang loob ko dahil hindi niya ako pinakinggan, ngunit hindi rin naman masama ang desisiyon niyang unahing tulungan ang sugatan na si Gretchen. Hindi ko lang matanggap na tila ako ang sinisisi niya sa kung bakit gano'n ang nangyari.

Kahit may contact ako sa kaniya ay hindi ko ginawang idaan sa text o tawag ang pagsabi sa kaniya sa totoong nangyari. It will made me look like defensive, which might conclude that I'm guilty. Wala rin akong lakas ng loob na manguna. I waited for her call or text but it never came, which made me overthink a lot.

Sino ba naman ako para paniwalaan niya? Kahit pa sinabi niyang gusto niya ako, maniniwala pa rin siya sa matagal niya nang kakilala. Sino ba ako? Baka nga pinagtripan niya lang ako noong inamin niyang may gusto siya sa akin.

Kung sana'y hindi na lang siya umamin. Simula nang makumpirma ko sa sarili ko ang nararamdaman para sa kaniya ay purong kamalasan na lang ang nangyayari sa akin. Mas lumala nang umamin siya at malaman ng baliw niyang kaibigan.

Tahimik at nakikiramdam akong naglakad mag-isa sa hallway. I don't know but there's a big possibility that someone from the students scattering in the hallway might attack me. Maaaring may isang sugurin ako at pagbintangan tungkol sa nangyari kahapon.

Ngunit ni isang tingin gamit ang nanghuhusgang mga mata mula sa isa sa mga nadaanan kong mga kapwa estudyante ay wala akong natanggap, which is odd.

Sa estado ng pag-iisip ni Gretchen kahapon ay hindi malabong ikalat niya ang nangyari. She might spread it with false information and accused me right away. Hindi mahirap na paniwalaan ang isang bintang mula sa sikat at kilalang tao sa paaralang ito.

Pero ngayon ay iba ang nangyayari kumpara sa inaasahan ko. No one attacked me. Ni walang lumingon kagaya ng nangyayari sa normal na araw ko. Matiwasay at buong buo akong nakarating sa classroom. Nakahinga ako nang maluwag.

Ganunpaman ay hindi pa rin ako kampante. Tahimik akong nagtungo sa aking silya at naupo roon. Nasa tabi ko na si Yor na nakikipagtawanan sa isa pa naming kaklase, she greeted me with her usual enthusiastic energy.

Pilit akong ngumiti at umakto nang normal. Kahit anong loko ko sa sarili ko ay alam kong mapapansin niya pa rin ang pagbabago lalo pa't halatang halata ang pag-iyak sa aking mga mata.

Mabilis akong sumulyap sa upuang nasa harap, kung nasaan nakapwesto si Loren at Gretchen ngunit pareho silang wala roon. Napaisip tuloy ako kung papasok ba sila o hindi. Kung hindi ay mas lalawak lang ang konsensya na nakakubli sa likod ng mga rason ko na hindi ako ang may kasalanan.

Kahit pagbali-baliktarin pa ang nangyari ay may kasalanan pa rin ako.

Buti na lang at abala si Yor sa pakikipag-usap sa kaklase namin kaya hindi niya ako tinapunan ng tingin hanggang sa dumating na ang unang guro namin sa araw na iyon.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon