17

681 23 2
                                    

When awareness surfaced in my system, my eyes slowly open. For several seconds I didn't react, I remained silent and let myself absorb and get back my sanity before finally stood up and leave my bed.


Ilang araw akong nanatili sa bahay at hindi pumasok, mag-iisang linggo akong absent dahil naging pabalik-balik ang lagnat ko sa mga nagdaang araw. Kaya ngayon ay medyo naninibago ako.


I'm going to school again. I have no any idea if what happened for the past week, nasa kwarto lang ako at naging madalang lang ang paglabas dahil sa sakit. My skin became paler than before, tingin ko ay pumayat rin ako o baka pakiramdam ko lang iyon.


Nang matapos sa pagligo at pagbibihis ay saglit akong nanatili sa tapat ng body mirror na nasa tabi lang ng cabinet ko. I look awful, I became more skinny and pale. I combed my hair before I put my glasses. Hinatid ako ni Papa sa school, nag-aalala pa rin sila sa akin and I understand it. I just assured them that I'm okay, buti na lang at hindi nila pinagdududahan ang sinasabi ko.


“I'll pick you up this afternoon?”


Umiling ako at ngumiti, “No need, Pa. Kaya ko na pong umuwi mag-isa, don't worry.”


He eyed me with his worry look, sa huli ay marahan siyang tumango. Nagpaalam siya sa akin at gayon rin ako sa kaniya, kumaway ako hanggang sa makalayo ang sasakyan.


Mahigpit akong napakapit sa strap ng bag ko bago pumihit patalikod para pumasok na sa campus. Wala namang nagbago, sadyang ako lang talaga ang naninibago. The happy faces of the students scattered in the hall, walang nagbago kahit sa paligid ngunit pakiramdam ko ay sobrang dami ng nangyari sa loob ng isang linggong hindi ko pagpasok.


Alright, I'll admit it. Naninibago ako dahil nilalamon ang sistema ko ng kaba na dati naman ay wala at hindi ko nararamdaman. Ngayon lang ako pumasok nang ganito ang nararamdaman...dahil alam kong magkikita na kami ni Loren.


After that night she called, hindi na ulit kami nag-usap. She just left a last text message saying ‘Get well soon.’


At ngayong sigurado akong magkikita kami ay naroroon pa rin ang taranta at kaba sa aking sistema.


Hindi pa man ako nakakarating sa pintuan ng classroom ay natanaw ko na si Yor na patakbong tinungo ang direksyon ko.


“Sani! I missed you!” she screamed at the top of her lungs and hugged me.


Halos hindi ako makahinga dahil sa higpit ng yakap niya. Natawa na lang rin ako at yumakap sa kaniya pabalik.


“Namiss rin kita!”


Kumalas siya sa pagkakayakap at sinapo ang pisngi ko gamit ang kaniyang mga kamay, she squeezed my cheeks but her smile fades away when she noticed something on my face.


Kahit ako ay nagtaka. Hinawakan ko tuloya ang mukha ko nang alisin niya roon ang kaniyang mga kamay.


“What's wrong?”


Tinuro niya ang mukha ko at nag umpisang umatras na para bang natatakot siya sa akin. I started to feel fear and confusion.


“T-There's...”


“What?”


“There's a spider on your head!”


I flinched and scream. Nawala ako sa komposisyon at nag-umpisang maging malikot habang inaalis ang kung anong nasa ulo ko. Tsaka lang ako natauhan nang marinig ko ang kaibigan na tumatawa at pinipigilan ako sa ginagawa.


LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon