8

785 34 9
                                    

I woke up early despite of having a hard time before sleeping for the past nights. Maaga akong nag-asikaso habang ka-text si Yor na kanina pa yata gising.

I'm wearing formal beige long sleeves shirt and a black skinny jeans paired with a flat doll shoes. Sinukbit ko ang maliit na black shoulder bag bago lumabas ng kwarto at nagpaalam sa mga kasama sa bahay.

Yorice
+639045632982

Papunta na ako.

Sige. Nasa gate lang ako,
hintayin kita.                   

Agad akong pumara ng dumaang tricycle ar sumakay. Medyo malapit lang naman ang school sa amin kaya less hassle sa pagsakay. Pwede naman sana akong magpahatid kay Kuya Jeff, asawa ng Ate ko na kapitbahay lang namin, pero ayoko namang mang-abala pa.

Totoo ngang nasa gate na si Yor at abala sa pagmanipula ng kaniyang cellphone. Nang makita niya akong bumaba ay ibinulsa niya iyon at hinintay akong makalapit.

“Ang aga mo naman!” bati ko.

Bumeso siya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mga supot na dala niya.

“Ikaw lang ang nagdala ng lahat ng ito?”

“Obviously. Ito kasing si Gretchen, nag iinarte pa na kesyo bibili na lang raw siya ng props samantalang meron naman na nga ako. Ang arte-arte. Ako na nga nag nag-prisintang gumawa ng iba, nagawa pang magreklamo.”

“Oh, kalma ka lang. Bawal ang busangot ngayon, sige ka baka magtalo pa mamaya,” panunukso ko.

I helped her with her things.

“Dapat hinintay mo na lang ako na makalabas sa'min kanina para hindi ikaw ang nagbitbit nitong lahat.”

“Ang aga kasi ni Dad na umalis kaya inagahan ko rin para makasama na ako sa kotse.”

Tumango ako. We entered the campus, at dahil maaga pa naman ay wala pang masyadong tao sa hallway. Maya-maya ay dadami na naman ang tao rito.

“Mamayang hapon pa naman ang pageant hindi ba?” tanong ko nang makarating kami sa classroom.

“O...pero okay na rin na maaga tayo para hindi nila makita ang costume ng candidate natin.”

Naupo ako sa unahang row ng mga upuan. Kaming dalawa lang ang nandito kaya naman komportable akong maupo sa kung saan. Kahit naligo kanina ay hindi pa rin iyon naging sapat para mabawasan ang antok na nararamdaman ko pagkabangon pa lang.

“Sama ka?” tanong ni Yor na nasa may pintuan na.

“Saan?”

Tinuro niya ang kabilang banda ng field. “Manonood? Maaga ang match ngayon ng table tennis, e.”

Gusto ko sanang sumama ngunit mas nanaig ang antok sa sistema ko, kaya umiling ako para tanggihan ang anyaya niya.

“Sige, ikaw bahala. Bantayan mo 'yang mga props, ah?” aniya at tinuro ang dala namin kanina na nasa gilid ng room.

I nodded. I watch her disappear from my sight. Bumuntonghininga ako at pabagsak na sinandal ang ulo sa lamesa kaya napalakas iyon. Hinimas ko ang noo ko na nauntog bago muling nayuko at pinikit ang mga mata.

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon