Nagpaalam ako sa parents at grandparents ko nang makababa sa sala.
Nakapagpalit na rin ako ng damit. Halos isang oras yata akong naghalungkat sa closet ko ng maayos at desenteng damit bago ko napiling suotin ang white tank top at jeans, hindi na ako nakapaghanap pa ng babagay na blazer sa suot ko kaya hindi na ako nag-abala pang maghanap, wala na ring oras…
"Ito bang si Sani ay may boyfriend na…" Narinig kong wika ni Lola bago ako nakalabas ng pinto.
Hindi na ako nakinig dahil kanina pa rin naman kaming nag-uusap-usap. Ni hindi na nga ako nakaidlip dahil pagkatapos kong umakyat sa kwarto ay naghanap na ako ng maisusuot para sa pa-victory party raw ni Gretchen.
"Saan ka?" tanong ni Ate Mina, kapatid ko na asawa ni Kuya Jeff, nang makita akong lumabas ng gate.
Sakto namang kalalabas lang ng kanilang kotse mula sa garahe. Kumaway ako kay Kuya Jeff habang ipinaparke niya ang SUV sa tapat ng bahay namin.
“Hello!” he greeted cheerfully.
“Hi, Kuya!” Nilipat ko ang tingin kay Ate na abala sa kaniyang cellphone, nakakunot ang noo…mukhang wala sa mood, “School. Kayo?”
“May aasikasuhin sa trabaho…sumama ka na sa'min ng Kuya mo.”
“Talaga? Hindi ba ako makakaabala?”
She shook her head without looking at me. Hindi na rin naman ako nagpakipot pa, sumakay ako sa backseat at hinintay na lang si Ate na makapasok bago kami tumulak papuntang school. Hindi madadaanan ang school namin sa highway na daan patungo sa opisina ni Ate kaya kailangan pa naming lumiko para lang maihatid ako. They assured me naman na hindi ako nakakaabala kaya naging komportable ako sa byahe.
“Thank you po. Ingat kayo, Ate, Kuya!”
“Wala ka ba talagang dalang jacket?” Tanong ni Ate nang sumilip sa nakabukas na bintana.
Bumaba ang tingin ko sa sarili at bumalik rin kaagad sa kaniya. “Wala? Hindi ba bagay, Ate?”
“Bagay, syempre. Kaso baka kabagin ka naman niyan!” She teased.
Ngumuso naman ako. Natawa rin si Kuya Jeff at inawat si Ate sa pang-aasar sa akin. They bid their goodbye, kumaway naman ako at hindi na hinintay pang makalayo sila. Sakto namang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag mula kay Yor.
“Uy, Teh. Ikaw na lang ang hinihintay. Bilisan mo na.”
Wow. Wala man lang hello? Sermon agad?
“Oo na. Oo na. Nasa gate na ako ng school.”
“Anong gate ng school? Nasa resto na kami, hindi mo ba nabasa ang text ko?”
Napatigil ako sa paglalakad. Hindi tuluyang nakapasok sa gate ng school. Marami pa rin ang tao sa loob ngunit wala naman pala roon ang mga kasama ko!
“H-Ha? Hindi, e. Hindi ko napansin…”
“Ano ba 'yan. Paano na 'yan?”
Kinapa ko ang loob ng shoulder bag ko at hinanap ang wallet, “Magko-commute na lang ako-”
I heard voices and noise from the background. Probably they're complaining of my absence…rinig kong binanggit nila ang pangalan ko.
“Huwag ka na mag-commute. Ipapasundo ka na lang namin, d'yan ka lang muna.”
I bit my lower lip and nodded as if she's in front of me, “Okay? Kung gusto niyong mag-umpisa, okay lang naman sa'kin.”
“Nako, huwag ka nga jan! Tumulong ka sa'min ni Gretchen sa practice kaya hindi pwedeng mag-umpisa nang wala ka…Hindi ba, guys?”
BINABASA MO ANG
LOVE BOUNDLESS [COMPLETED] | UNEDITED
RomanceSani Tuazon is an average student and an outcast who has always appreciated the freedom that comes with being unnoticed. But when she unexpectedly develops feelings for Loren Co, the talented and popular girl at school - who seems to embody everythi...