Tila nakalutang ako sa ulap habang nakaupo at tahimik na nakatulala. I'm not watching the game anymore...I'm only watching Loren who's doing her expert moves on maneuvering the ball away from the opponents.
I can't believe she's like this...almost unreal to believe. I mean, she knows how to play archery, basketball, badminton, chess and then soccer now? She's even the President of our class at simula pa lang noong first year ay talagang nag-eexcell na siya sa klase—rason para makilala ko siya kahit na hindi naman kami magkaklase noon. At ngayong magkaklase na kami ay marami pa yata akong hindi nalalaman tungkol sa kaniya.
She's a mystery to me. A puzzle who needs to be solve. She's hiding so many things under her sleeves...and that's making me curious about her, which is not good for me.
Kailan pa ba ako nagkainteres sa buhay ng ibang tao? I'm good at minding my own life yet here I am, being curious about this tall and so good to be true woman? Come on.
Natapos na't lahat-lahat ang laro ngunit lutang pa rin ako dahil sa iniisip. Our class and even the whole crowd cheer after our section's team.
Yes. We won!
Halos mabingi ako nang maghiyawan ang mga tao sa paligid. Napatakip ako ng tenga at natawa na lang dahil halos sugurin nila ang papalapit sa team.
“Loren!”
They're busy congratulating them while I'm just standing at the corner. Avoiding the stampede in front. I want to congratulate them too pero hindi ko naman isusugal ang sarili ko para lang makipagsiksikan.
Saka ko lang naalala si Chem kaya nilingon ko kung nasaan ang grupo nila. They're still happy and greeting each other ngunit kung ikukumpara sa side namin ay mas marami ang tao rito samantalang sa kanila ay kakaunti lang. Kaya naman umalis ako sa pwesto ko para lumapit sa kanila.
“Chem!”
Medyo napalakas ang sigaw ko kaya naging agaw pansin iyon sa mga kalapit ko na nakaupo sa benches. He immediately found me and widely smile.
“Congrats!” I said.
Napakamot siya sa kaniyang batok, nakangiti ngunit bakas ang hiya.
“Talo nga, e. Nanood ka pala? Akala ko umalis ka na.”
“Hindi. Pasensya na, hindi ko na nasabi sa'yo. Nagkasalubong kasi kami nina Yor kaya sinama nila ako sa grupo namin,” I said and motioned the direction where the crowded group are.
“Ahh, oo nga pala. Buti na lang sumama ka sa magagaling, hindi ka mapapahiya dito sa'min.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “H-Huy! Hindi, ah! Magaling kaya kayo.”
“Talaga?”
Tumango ako at ngumiti. “Nanood nga ako, ‘di ba? Malamang sigurado ako sa sinasabi ko.”
Umiling siya at natawa sa sinabi ko. “Mas magaling ang mga players niyo. Biruin mo 'yon halos tatlo sa pinakamagagaling na members ng association namin, nasa sa inyo. Sinamahan pa ni Loren na magaling rin. Samantalang sa'min ako lang yata ang nagbuhat.”
Alam niyang naglalaro rin si Loren ng soccer? Wow. So ako lang ang walang alam? Alam kong magaling at sikat itong si Archemedes dahil sa paglalaro ng soccer pero nagawa niya pa ring purihin ang team namin at maging si Loren. Although the 'mayabang' side of him is still visible, I can sense that he's sincere.
“Magaling pa rin naman. At least you did your best!" I said enthusiastically, just to lighten the mood.
Ngumuso siya, tila natatawa na naman sa pinaggagagawa ko.
“Labas tayo?” tanong niya nang matahimik ako.
“Huh?”
His shoulders moved up and down, he half-raised his hands as if proving a point,“Well, I guess I deserve a treat from you?”
BINABASA MO ANG
LOVE BOUNDLESS [COMPLETED] | UNEDITED
RomanceSani Tuazon is an average student and an outcast who has always appreciated the freedom that comes with being unnoticed. But when she unexpectedly develops feelings for Loren Co, the talented and popular girl at school - who seems to embody everythi...