I remained silent after that incident. Kung kanina ay kaya ko pang umakto nang normal at hindi isipin si Loren, ngayon naman ay halos sumabog na ang utak ko sa kakatakbo niya sa isipan ko.
Ako lang ang nahihirapan sa tuwing sinusubukan kong kalimutan ang nakita. The idea of them, kissing...is killing me. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan.
Of course it's normal for them to kiss. It's way too possible lalo pa't halata namang meron ngang sila.
This isn't my story after all. This is the story wherein I'm the antagonist. The third person who's going to destroy the relationship of the protagonists...I'm the traitor.
Traydor ako dahil nagawa kong umibig sa taong may mahal nang iba. Kahit na hindi ko sabihin sa iba ang nararamdaman ko ay alam kong masama ang ginagawa ko. And I'm fully aware of that. Kaya nga iniiwasan ko nang mas lalo lang mahulog ang loob kay Loren dahil alam kong mali.
It's not my intention to develop this kind of feeling...itinago ko naman 'to nang matagal, ah? Sobrang tagal. Na kahit sarili ko ay niloloko ko na lang para lang hindi maamin sa sarili na may gusto ako sa isang babae...na kailanman ay hindi ko maaabot.
Then now that I confirmed tht I liked her, tsaka naman naging mas komplikado ang sitwasyon. Ang bobo ko!
Umuwi kami ni Yor ng gabing iyon. We never saw Loren and Gretchen again. Probably they're spending their time alone. The time after I saw them in the bathroom is excruciatingly ticking. Kada segundo, pakiramdam ko ay nadudurog ako. It's like I'm being tortured, and I deserved it. I deserve to be in vain for liking someone who's clearly in love with someone else.
Kahit sino ay magagalit kapag nalaman nilang may gusto ako kay Loren.
Tsaka ko lang pinakawalan ang nga luhang naipon sa likod ng mga mata ko nang tuluyang mahiga sa kama matapos ang mahabang oras na ginugol sa loob ng banyo. I tried to ease the pain by letting the cold waters to soothe my body but in the end it caused nothing.
Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak at pagkuwestyon sa sarili. Kahit ano yatang gawin ko ay hindi ko magawang limutin ang nangyari. They're gone for almost an hour and then I saw them in the bathroom, kissing. Ako na lang yata ang bulag na hindi makakakita ng katotohanan kaya isinampal na iyon sa akin nang harap-harapan.
Mabilis na lumipas ang mga araw, ni hindi ko namalayang ilang araw na rin akong wala sa sarili. Hindi na ako kailanman umiyak ngunit naroon pa rin ang sakit.
It's almost a week after that night and I can tell that I'm kinda okay. Medyo nakalimutan ko na rin ang nangyari at mas pinili ko na lang na umiwas. This is for the better. Hindi rin naman ako nahirapan dahil ilang araw ring naging busy si Loren kung kaya't hindi ko siya gaanong nakikita sa isang araw, kapag nasa paligid naman siya ay inaabala ko ang sarili sa ibang bagay para lang hindi siya masulyapan man lang.
Isang maulan na umaga ang bumungad sa akin sa ikalawang linggo. Ang malamig na ihip ng hangin ay lumulusot sa siwang ng bintana ng aking kwarto, nababasa rin nang kaunti ang sahig dahil sa kaunting tubig-ulan na sumasabay sa hangin.
I coughed and started to do my morning routine. Medyo mabigat ang pakiramdam ko ngunit mas pinili ko pa rin mag-asikaso para makapasok sa school. It's our second day of taking the first quarter exam kaya kailangan ko talagang pumasok. Siguro ay nakulangan lang ako sa tulog dahil noong isang araw pa ako nagrereview, late na rin akong natutulog.
The rain fell hard when the tricycle finally stopped in front of our school. Binuksan ko ang payong at nilusong ang malakas na buhos ng ulan. Nang makarating sa corridor ng school ay basang basa na ang laylayan ng palda ko at maging ang sapatos ko. Kahit ang blouse ko ay medyo basa na rin dahil sa tilamsik ng ulan.
BINABASA MO ANG
LOVE BOUNDLESS [COMPLETED] | UNEDITED
RomanceSani Tuazon is an average student and an outcast who has always appreciated the freedom that comes with being unnoticed. But when she unexpectedly develops feelings for Loren Co, the talented and popular girl at school - who seems to embody everythi...