We spent almost an hour and a half inside the restaurant. Bukod kasi sa pag-kain ay may nag-order rin ng inumin. Syempre yung mga nasa legal age lang ang uminom, karamihan ay lalaki. Ilan lang ang babae at kabilang na roon si Loren at Greta.
Yeah. I almost forgot they're both eighteen. I'm just a minor. But I'll turn eighteen in September.
“Sasama ka pa ba sa sine mamaya?” Yor asked when we decided to end this session.
Nagkibit-balikat ako. “Ewan, baka hindi na.”
She sipped from her mango float, she chose not to drink alcohol kahit pwede na rin naman siya, before she speak again.
“Sumama ka na. Nagpaalam ka naman kina Tita kaya sagarin mo na.”
Bumaling ako sa kung saan ko makikita ang labasan. I saw the lights from the vehicles, senyales na gabi na. I caught her arm and see if what time is it from her wristwatch.
It's six o'clock in the evening.
Sa huli ay pumayag na rin naman ako. Hindi niya kasi ako tinigilan hanggang sa pumayag ako. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na ako sasama pa. I can't stand being with them without looking to Loren. It feels so illegal yet satisfying whenever I saw her smiling or laughing with her group on the other table—of course with Greta beside her.
Bago pa man kami makaalis sa restaurant ay may iba nang nagpaalam dahil may mga tama na ng alak o kaya naman ay may importante pang aasikasuhin. Hindi ko alam kung ilan kami kanina ngunit matapos magsi-alisan ng iba ay nasa pito na lang kaming lahat, including Greta, Loren, Yor and me. Ang tatlo naman na sina Paul at Glenn (na mag-boyfriend) at Sofia ay may kani-kaniya rin daw na lakad kapag nakarating na kami sa mall.
Nilakad lang namin ang distansya mula sa restaurant hanggang sa mall. Hindi na rin nila nilipat ang kanilang mga sasakyang dala dahil halos magkatabi lang naman ang pinuntahan namin.
Sa huli ay kaming apat na lang ang magkakasama. I'm worrying about them, baka kasi lasing na silang dalawa at hindi na kayang makipagsabayan pa.
“Ano, kaya pa?” Natatawang tanong ni Yor sa kay Greta nang muntikan nang matumba.
“Of course! Hindi ako lasing, 'no? Hindi nga ako pinainom masyado ni Loren,” she rebated.
I'm busy looking at the different stalls around. Buti na lang at nabusog ako sa pag-kain kanina kaya kahit matempt ako sa mga pagkain ay hindi ako kaagad hihinto para makabili. I don't want to caught their attention, ayoko rin namang makaabala sa kanila.
Dumiretso naman kami kaagad sa cinema. Gretchen wants to go to play station but they never let her since she's kinda tipsy. Kahit naman ako ay ayokong may masamang mangyari sa kaniya o sa amin.
Napiling panoorin ni Yor at Greta ang isang patok ngayong romantic movie. Wala rin naman akong naging angal dahil bukod sa gusto ko rin ang napiling palabas ay libre pa iyon ni Greta. Masama kayang tumanggi sa grasya!
Ngayon ko lang napansin na buong oras ko yatang hindi man lang sinulyapan o pinansin ang presensya ni Loren. I sighed and continue what I'm doing...this is for the better, I guess. Naging epektibo naman dahil wala rin naman siyang imik at hindi ko siya makita lalo na nang makapasok kami sa madilim na sinehan.
I comfortably sitting on my seat. Malaking tulong ang layo ng mga upuan namin sa isa't isa, nasa tabi ko si Yor at ang dalawa naman ay nasa kanan niya, ang nasa kaliwa ko ay hindi ko na kilala.
Ibinigay ko na lang ang lahat ng atensyon ko sa pinanonood. I screamed with the crowd tuwing may nakakakilig na eksena. Halos hindi ko namalayan ang oras dahil sa tuwa ko at pagiging abala sa pinanood.
BINABASA MO ANG
LOVE BOUNDLESS [COMPLETED] | UNEDITED
RomanceSani Tuazon is an average student and an outcast who has always appreciated the freedom that comes with being unnoticed. But when she unexpectedly develops feelings for Loren Co, the talented and popular girl at school - who seems to embody everythi...