"Nakita mo na ba yung latest blog ng school page?"
Maaga akong pumasok ngayong araw dahil kailangan ko pang tapusin ang project na ipapasa na mamaya. Hindi ko kasi natapos iyon kagabi dahil nakatulog ako nang hindi namamalayan.
Hindi ko nabigyang pansin ang sinabi ni Yor dahil sa pagmamadali. Hindi pwedeng maabutan pa 'to ng teacher namin sa first period dahil mapapagalitan ako
"Don't tell me hindi pa?" Dagdag pa nito.
Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ano ba 'yon? Pwedeng mamaya na? Tatapusin ko lang 'to."
Ngumuso siya at binaba ang hawak na phone, "Okay...sungit."
Umiling na lang ako. Ayokong magmukhang masungit pero mas kailangan kong matapos 'to bago pa man magpasahan. Mainit pa naman lagi ang dugo sa akin ni Miss Yee kaya maaarinh hindi niya na hintayin pa ang sa akin na matapos.
Mamayang hapon kasi ay wala na kaming pasok kaya lahat ng subject na naka-schedule sa hapon ay ginawang pang-umaga. Tig-kakalahating oras lang lahat ng subject ngayon.
Sa kabutihang palad ay natapos ko ang kaunting kulang sa portfolio ko bago pa man pumasok ang unang guro namin sa araw na ito.
The day went smoothly, ni hindi ko namalayang uwian na dahil sa lalim ng iniisip. Sa loob ng ilang araw na nagdaan ay wala akong inisip kundi ang pagbabalik ni Loren kahit pa tambak ang gawain ay nagagawa pa rin niyang sumingit sa isip ko.
"Tahimik mo na naman. Sabihin mo nga sakin, may problema ka ba?"
Napakurap ako at nilingon ang kasabay kong maglakad. Nakabusangot si Yor at tila kanina na nabuburyo sa akin.
"Wala naman. Bakit, bawal bang manahimik?" I chuckled.
She snorted and tucked her arm to mine, "Lagi ka na lang kasing ganiyan, noong isang araw ka pa. Palagi naman kayong nagkikita ni Ark, kaya bakit parang ang layo ng iniisip mo?"
I pursed my lips. Gano'n ba kahalata? Hindi ko naman sadyang maging malalim lagi ang iniisip. Simula nang maalala ko ang mga sinabi ni Gretchen sa akin ay hindi na ako mapakali lalo pa't malapit na ang pagkikita namin ni Loren.
I can't face her.
But surely, my feelings for her are still the same. Kahit pa inuuto ako ng kaibigan ko kay Archemedes ay hindi naging dahilan iyon para balewalain ko ang nararamdaman ko para kay Loren. I don't want to keep this feeling but my heart did.
Nang tanghali iyon ay napagdesisyunan naming lumabas, syempre kaming tatlo. Kasama si Chem na inaabangan na pala kami sa gate. Hindi rin naman ako tumanggi sa kagustuhan niyang sumama.
Nagkatinginan kami, isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa akin. My gaze shifted to Yorice who's very busy to talk about her whatnots. Ibinalik ko ang tingin koay Chem na nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako at sinuklian ng ngisi ang kaniyang tingin.
I motioned Yorice and teased him without her knowing. Kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Chem at napakamot na lang sa batok bago sumunod sa kaibigan kong nagsasalita pa rin kahit wala namang katabi, akala siguro ay nakasunod ako sa kaniya.
And yes. Hindi ako ang gusto ni Archemedes kundi ang kaibigan ko na hanggang ngayon yata ay walang ideya tungkol sa nararamdaman para sa kaniya ng lalaki. Hindi ko alam kung paano at kailan nag-umpisa pero malinaw na sinabi sa akin ni Chem na may gusto siya sa kay Yorice.
She keeps on teasing me to Chem but truth is umamin sa akin ang lalaki na si Yor ang gusto niya. Noong una ay nagulat ako dahil ang akala ko rin ay ako ang pinopormahan niya. I felt kinda embarrassed but at the same time happy for them. Tila nawalan ng pasan ang dibdib ko, sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin kung ako nga ang gusto ni Chem.
BINABASA MO ANG
LOVE BOUNDLESS [COMPLETED] | UNEDITED
RomanceSani Tuazon is an average student and an outcast who has always appreciated the freedom that comes with being unnoticed. But when she unexpectedly develops feelings for Loren Co, the talented and popular girl at school - who seems to embody everythi...