“Sani?”
I am still crying kaya naman nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay agad kong hinawi ang mga luha sa aking pisngi.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ulit ni Chem.
I don't know what he's doing here, ni hindi ko narinig na bumukas ang pinto kaya baka kanina pa siya rito at pinapanood lang ako buong oras. Ganunpaman ay nagpatuloy ako sa pagpunas ng sariling luha. Wala akong panyo kaya nagmukha akong sabog nang matapos sa pagpunas ng hindi pa rin tumitigil na mga luha. Nakayuko pa rin ako at umiiyak nang i-abot niya sa akin ang kaniyang panyo.
“Don't worry, hindi ko pa yan nagagamit.”
Tinanggap ko ang ibinigay niya at pinunas sa sarili. I felt him sat beside me, may distansya dahil hindi ko naman naramdaman ang kaniyang katawan o damit na tumama sa akin.
He waited for me to finally settle. Ilang saglit kaming natahimik nang matapos ako sa pag-iyak.
“Pasensya na...” namamaos kong wika.
“It's okay...what happened?”
I know, he'll ask. Of course, natural lang na magtanong siya dahil nakita niya akong umiiyak kanina. Umiling ako at tipid na ngumiti.
“Wala 'to.”
Wala lang nga ba talaga?
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng magustuhan ko ay si Loren pa? How ironic, I am questioning other girls like Anne and Greta about their reason why they like Loren yet I'm here denying that fact that I also like her...dapat yata ako sarili ko muna ang kinuwestyon ko sa kung bakit ko siya nagustuhan, hindi ba?
And there's so many reason. Sa dami ng rason ko sa kung bakit ko siya nagustuhan ay wala na akong mapiling mas tamang sagot.
“Are you feeling well?” he asked again.
Tumango ako. Salamat na lang dahil wala na akong luhang maiiyak pa. Sinuot ko na ang salamin ko.
Naalala ko ang sinabi sa akin kahapon ni Loren tungkol sa kay Chem. Na pinoprotektahan niya lang ako mula rito kaya siya nagtanong sa kung saan kami nanggaling. Nilingon ko tuloy ang kaibigan. He look worried but he let out a smile, trying to comfort me without touching.
We spent almost ten minutes in silence. Walang nagsalita sa amin. At mas gusto ko iyon. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya kung bakit ako umiiyak, I don't want to tell anyone about my feelings towards Loren. I don't have to.
Nanatili kaming nakaupo nang may distansya at hinayaang uminat ang katahimikan sa paligid. Tanging ang mayuming hangin lang ang naririnig. We stayed until we decided to go back downstairs.
Hinatid niya ako kung nasaan sina Yor. I told him but he insisted. Nang makarating ay tumigil muna siya para makausap ako saglit.
“Hindi ka ba papasok?” tanong ko.
Umiling siya, “Hindi na. May kailangan pa akong asikasuhin, e.”
“Okay...”
Humakbang siya palapit sa akin, halos mapaatras nga ako. Ginulo niya ang buhok ko bago siya tumalikod at naglakad paalis. Tinanaw ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko, pumasok naman na ako sa venue at nakitang halos wala ng tao. Agad kong nahanap ang grupo namin na nakaupo na ngayon sa mga bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
LOVE BOUNDLESS [COMPLETED] | UNEDITED
RomanceSani Tuazon is an average student and an outcast who has always appreciated the freedom that comes with being unnoticed. But when she unexpectedly develops feelings for Loren Co, the talented and popular girl at school - who seems to embody everythi...