14

698 35 6
                                    

There are thoughts inside of your head that other people can't handle. Some of it were hidden behind those unnoticed actions…some of it were kept as a secret.

May mga sitwasyon talaga na kailangan nating itago ang isang bagay at maraming dahilan para itago iyon, na dapat ikaw lang ang may alam. Pwedeng itinatago mo iyon dahil nahihiya ka ngunit mas lamang ang rasong may pinoprotektahan tayo kaya hindi natin nasasabi ang bagay na iyon sa iba.

“Why are you avoiding me?”

Reality snapped when Loren asked again. Umawang ang bibig ko at walang maapuhap na sagot sa magulo kong isip. I really don't know what to answer.

Should I tell her the truth? Na kaya ko siya iniiwasan dahil nagselos ako? Of course I won't!

“Hindi kita iniiwasan.”

I simply stepped backwards, yung hindi niya mahahalata. Medyo nandilim ang paningin ko dahil sa dumaang sakit sa aking ulo. Mas dumoble lang yata ang init ng hininga ko kumpara sa kanina. I'm still soak with water at nilalagnat pa rin ako, but I can't also help to feel my own heartbeat. Mabilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa bigat ng nararamdaman ngunit dahil sa ideyang malapit ulit kami ni Loren sa isa't isa.

Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala ang lockers kaya napasandal ako roon. Mas naramdaman ko ang lamig dahil lumapat sa likod ko ang basang damit at malamig na bakal.

“Really? You're obviously avoiding me, Sani.”

Napapansin? Napapansin niya ba ang ginagawa ko? Hindi naman kami sobrang close noon kaya normal na ito sa amin—na huwag magpansinan. Pero bakit naman parang big deal sa kaniya ito?

She even mentioned my name. It's like as of she's casting a spell on me and I have no choice but to be under that spell.

“O-Oo na. Iniiwasan nga kita. Pero hindi rin naman 'yon big deal at saka...ayokong isipin niyo ni Gretchen na nakikiusyoso ako sa relasyon niyo,” ani ko nang tuluyang makaiwas ng tingin.





Lumapit si Loren hanggang sa nasa harap ko na siya. The height difference is very visible, abot balikat niya lang ang line of vision ko. She's freaking tall o sadyang kinapos lang ako sa height kaya ganito siya katangkad para sa akin.

“We have no relationship.”

Mabilis na lumapat ang mga mata ko sa kaniya nang sabihin niya iyon. Im a bit shocked.

“Huh? Then what? Naghalikan kayo no'n dahil wala lang?”

Nagsisi agad ako sa sinabi. Naging masama ang tono ng boses ko, para akong girlfriend na nagseselos matapos makita ang karelasyon ko na may kasamang iba.

She put her left arm on my right side. Diniin niya iyon sa sinasandalan ko at bahagyang yumuko para magkatagpo ang mga mata namin. Halos bumaon ako sa locker dahil panay pa rin ang diin ko sa sarili para lang malayo sa kaniya kahit sobrang imposible no'n.

Napalunok ako at diniretso ang tingin sa likod para lang hindi niya makita ang kaba sa mga mata ko. I'm scared that she might saw that I'm hiding something. I don't want her to find out the truth. Everything about what I feel towards her deserves to be hidden forever.

Sumulyap ako sa kaniya at nakitang mataman niya akong tinitingnan. Tila binabasa ang kung ano mang nasa isip ko sa pamamagitan ng pagtitig sa akin. I kinda felt conscious. I am sick. My face and hair are in mess, probably. I looked away again.

“It's not what you're thinking. She initiated the kiss...we're not a thing, though. Gretchen is a friend.”

That caught me off guard. It's not what I'm thinking? Then what? At bakit siya nagpapaliwanag?

“Hindi mo kailangang magpaliwanag.”

“I have to because it's making you upset!”

“How did you know that I'm upset? Ano naman sa'yo kung masama ang loob ko?”

“Because I care...I care for you! I hate seeing you like this. I don't want you upset.”

Halos nabingi ako nang sabihin niya iyon. Napako ang mga mata ko sa kaniya, nahawakan ko ang sariling hininga at bumara iyon sa aking lalamunan nang ilang segundo bago dahan-dahang pinakwalan. My ribcage were almost destroyed by my racing heart beats.

I laughed awkwardly, “Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan,” kabadong kabado na ako at hindi ko na makita pa kung saan patungo ang usapang ito.

She darted her deep set eyes to me. Parang sinisisid niya ang nasa isip ko sa pamamagitan lang ng pagtitig sa mga mata ko. I remained tough and brave, sinalubong ko ang kaniyang mga mata at hindi nagpakita ng anumang senyales na apektado ako sa mga sinasabi niya. Sana lang ay epektibo, lalo pa't hindi ko maikakailang kinakabahan pa rin ako at natatakot na baka makahanap siya ng dahilan para kumpirmahin ang paratang.

“I like you.”

Natigilan ako.

Tama ba ang narinig ko? Namanhid ako saglit at parang nawalan ako ng kaluluwa sa maikling panahon. Nang bumalik lahat ng pakiramdam ko ay tila alon na humampas sa aking sistema ang lahat ng reyalisasyon. Nagpantig ang tenga ko. My knees wobbled and almost made me fall on the ground. Naghuhuramentado ang puso ko at may magugulong gamo-gamo sa loob ng aking tiyan.

I'm almost at the urge to slap myself just to confirm that I'm not dreaming. Did she just confessed? Tama ba ang narinig ko o baka nabingi lang ako at namali ng dinig? Hindi kaya dahil sa lagnat kaya ako nagdedelusyon ng mga bagay-bagay?

Umiling ako. I don't know what to say. Pakiramdam ko ay napipi ako, nanunuyo ang lalamunan ko at walang boses na gustong isatinig ang iniisip ko.

Why me? This is too impossible! Yes, I like her but never did I imagined that this day will come. I never expected this to happen. Matagal ko nang tinanggap na walang pag-asa na magustuhan niya rin ako. Simula pa man noon ay alam kong hindi pwede, na sobrang imposible. Ang lawak ng aming agwat, there's no possibility that she'll like me even a bit...but now. She just confessed that she likes me.

Loren likes me!

“That night...I followed you.”

That night? The night after the pageant? How? Hindi ba magkasama sila ni Greta no'n? Halos isang oras rin silang nawala kaya paanong sinundan niya ako?

“I don't know what I am thinking that time but I'd decided to tell you the truth... about what I feel. But Gretchen ran after me and that happened.”

What? Naguguluhan pa rin ako. I want to shot a question but I chose to remain silent.

“I know this will make you confused but it's true. I'm not fond of admitting how I feel but I will do it for you.”

I gulped. Butterflies came into my stomach and started rustling around.

“No, you like Gretchen. Everyone knows that. You also rejected Anne because of her.”

Nanatili siyang malapit. Halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

She licked her lips reason why my eyes drifted to it. Kulang na lang ay himatayin ako nang hawakan niya ang baba ko para agawin ng mga mata niya ang atensyon ko.

“I'm afraid to tell you these but I rejected both of them because of you. It's you that I like, Sani.”

LOVE BOUNDLESS [COMPLETED]  | UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon