❃❃❃
BEJAY POV
"Happy birthday, Bejay" sigaw nila nang makalabas ako sa maliit na garden namen.
Nandito silang lahat. Si Sanshin, Samson at yung mga ugok kong kaibigan tsaka sina mama at papa.
"Salamat" sabi ko saka humalik kay mama at papa. "Magpapalit muna ako ng damit" nakangiting paalam ko at dali-daling pumasok sa kwarto ko at nagpalit.
Nang matapos lumabas ulit ako, naka pajama at tshirt lang ako at tinali ko yung buhok ko.
"Tara kain na tayo" yaya ko matapos nameng magdasal at naunang kumuha ng pagkain.
Paniguradong luto ni papa etong adobong manok, chiken curry, pansit at etong bicol express. May dala rin yung mga kaibigan ko at talagang sakto na 'to saamen.
Tsaka may nakita rin akong wine na dala si Sanshin mukhang dinukot na naman doon sa restaurant nila hahahahaha.
"Gurang ka na Bejay!" biglang sabi ni Sanshin kaya tumawa naman sila.
"Gurang ka jan, hindi naman halatang twenty na ako 'no" depensa ko. "Ikaw nga jan mag bebente uno na ehh kaya ikaw ang gurang" dagdag ko.
"Kumakain lang kayo" sita ni kuya kaya tumingin naman ako sakanya at inirapan lang siya.
KJ as always, pero hayaan na nga.
"Ayy Jay! May ipapakita kami sa 'yo mamaya" biglang sabi ni Albert.
Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na mukha pero ngumiti lang siya at sumenyas na mamaya kaya bumalik na ako sa pagkain.
Habang kumakain nagkekwentuhan kami ng kung ano-ano, nagtatawanan, asaran at nagkakapikunan pa nga pero naayos din hahahahaha.
This is the life I want, simple lang at masaya kaming magkakasama kesa yung may bahay ka ngang malaki hindi naman kayo nagkakasama kahit sa loob lang ng isang oras. Na me-maintain namen yung bonding sa isa't isa kaya halos lahat-lahat ng problema nasasabi ko kiba mama at sa dalawang kapatid ko.
"Jay, lika dali" excited na sabi ni Albert kaya lumapit ako sakanilang apat, kasama niya sila Jeremy, Kobi at Angelo.
"Bakit ano ba 'yon?" tanong ko at kinuha yung isang boteng san miguel at ininom 'yon.
Apple flavor 'to kaya hindi naman ako malalasing neto.
"Eto panoorin mo hahahahahaha" natatawang sabi ni Kobi at pinahawakan yung phone niya saaken at nag-play ang isang video.
Rinig ko naman ang bungis-ngis nilang apat pero hindi ko na sila pinansin, habang iniinom yung nasa bote tutok na tutok ako sa cellphone. Bagal naman.
"Happy birthday, Bejay"
Nanlaki naman ang mata ko at naibuga ko pac mismo sa cellphone yung iniinom ko at napalayo naman yung apat saaken habang tumataw.
"Pft hahahahahahahahaha" tawa nila.
Tinigil ko muna yung video at tumingin sakanila. "Ano 'to!?" gulat kong sabi at tumingin ulit sa screen at saka pinunasan yung screen gamit ang damit ko.
"Birthday greetings?" natatawa at kibit balikat na sabi ni Jeremy.
"Alam ko! Bakit may ganito? I mean paano niyo– errrr sino may pakana neto?" nanlilisik na mata at naiinis kong sabi ko sakanila.
"Anong meron?" tanong ni mama at lumapit saaken.
"Pfttt hahahahahaha bakit? Ayaw mo non binati ka ng isang Efren Lleva na sikat na sikat na vlogger" sabi ni Angelo.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Enemy
RomanceA probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/stremer and also her childood enemy named Efren. What if they meet each other again? Pag-ibig na nga ba...