❃❃❃
BEJAY POV
"Lolo alis na po kami! Salamat po ulit!" Sabi ko at kumaway sa bintana ng kotse. "Mag-iingat po kayo palagi ha" sabi ko pa habang nakangiti.
"Kayo rin" sabi niya saka tumango saamen habang kumakaway.
"Bye po, thank you"
Sabi naman nilang tatlo bago umandar yung sasakyan. Ala singko na ng hapon at naisipan ko ng ayain na silang umuwi dahil baka nakakaabala na kami dito kay lolo.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Sanshin kaya tumango naman ako.
Imbis na matulog habang nasa byahe hiniram ko kay Efren ang cellphone niya at ako na nag edit nung ibang video na ginawa namen. Yung dalawa nakatulog kaagad sa likod.
"I can do that once we got home" sabi niya saaken kaya napatingin ako sakanya.
"Hindi na, imbis na magpapahinga ka na lang pag-uwi eto pa gagawin mo, kaya ako na dito tsaka para hindi ka naman matambakan. Na upload mo na ba yung una?" Sabi ko.
"Yup" sagot niya kaya napatango na lang ako. "Do you want to eat something?" Tanong niya.
"May chichirya ka ba jan?" Tanong ko.
"Sabi ng lolo mo hindi ka pwedeng pakainin ng pakainin ng chichirya baka UTI na naman daw abutiin mo so no junk foods" sabi niya.
Ehh?
"Pake mo ba? Ako naman yung magkakasakit hindi ka naman" sabi ko.
Kelan pa siya nakaroon ng pakialam saaken? Tch
"That what's your grandfather tell me at sinusunod ko lang yung ibinilin niya saaken ang tigas ng ulo mo!" Naiinis niyang sabi at bigla na lang itinabi yung sasakyan sa gilid.
Bigla naman akong natigilan at napatingin sakanya bago kumurapkurap. Natakot bigla ako sa boses niya kaya nanahimik na lang ako at itinuon ang atensyon sa cellphone.
"Andito na ba tayo?" Rinig kong tanong ni Sanshin.
"Hoy anong nangyare sainyong dalawa at ang tahimik niyo?" Tanong naman ni Kian
"May nangyare ba habang tulog kame?" Naguguluhan niyang tanong.Hindi naman namen sila sinagot at nagmaneho na lang ulit si Efren, ako naman pinagpatuloy yung ginagawa ko. Natapos ko naman yung tatlong video simula doon sa pinalasahan niya saaken yung kare-kare hanggang doon sa cookies at milk na pinainom at pinakain ko sakanya at sakto namang tumawag si kuya.
"Kuya" sagot ko bago ko inabot kay Kian yung cellphone ni Efren.
"Pauwi na daw kayo?" Tanong niya.
"Hmm bakit?" Tanong ko.
"May nangyare ba? Bakit ganyan ka magsalita?" Nag-aalala niyang tanong kaya napangiti ako.
"Wala pagod lang 'to kuya, susunduin niyo ba ako?"
"Oo naman nasaan na ba kayo?" Tanong niya.
"Nasa may tulay na kuya" sabi ko saka tumingin ba sa bintana.
"Sige maghihintay na kami doon–" naputol naman ang sasabihin ni kuya nang magsalita bigla si Efren.
"Idederetso na kita sa bahay niyo" sabi niya kaya nilingon ko siya at tinignan ng matagal bago ako nagsalita ulit.
"Kuya 'wag ka ng pumunta doon, diretso niya na daw ako jan sa bahay" sabi ko kay kuya.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Enemy
RomanceA probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/stremer and also her childood enemy named Efren. What if they meet each other again? Pag-ibig na nga ba...