Chapter 27

178 10 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Kinabukasan, nagising naman ako dahil sa ingay mula sa baba kaya nagpaikot-ikot ako sa higaan dahil inaantok pa ako. Nakarinig naman ako ng yabag na naglalakad dito sa loob ng kwarto ko pero hinayaan ko lang, pero biglang binuksan ang kurtina ng bitana ko kaya tumama ang sinag ng araw sa mukha ko kaya napamulat ako.

"Bejay bagon na jan, ang taas-taas na ng araw ohh. Gising na at sasakit ang ulo mo niyan" sabi ni kuya at niyugyog pa ako kaya nainis ako at sinipa ko siya.

"Kuya naman ihh!! Alis na nga!" Inaantok kong sabi.

"Bahala ka jan, may nagpapabigay pa naman ng bulaklak sa 'yo kanina." Sabi niya kaya tuluyan ko nang iminulat ang mata ko saka ko siya kinunutan ng noo.

"Sino?" Nagtataka kong tanong saka naupo.

"Bumangon ka na jan nang malaman mo" sabi niya at tinawanan ako bago lumabas ng kwarto ko kaya agad naman akong tumayo sako ko inayos ang higaan ko at patakbong bumaba papunta sa sala.

"Asan ba kuya?" Tanong ko bago ko iginala ang mata ko sa sala at nakita ko nga ang isang bouquet ng bulalak sa lamesa kaya lumapit ako doon saka nakangiting dinampot 'yon.

Inamoy ko naman 'yon bago tinignan at nakita ko namang may nakalagay na letter doon kaya binasa ko 'yon.

'Ohh 'wag ka munang masyadong kiligin, hindi para sa 'yo 'yan para kay tita 'yan Lola Bejay, pakibigay na lang'

–Efren

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa inis at lumaki pa ang butas ng ilong ko ng mabasa 'yon kaya pabagsak kong ibinaba yung bulaklak bago ko ginulo ang buhok ko sabay padabog na naglakad papuntang pintuan.

"Hoy saan ka pupunta!?" Tawag saaken ni kuya.

"May tuturuan lang ako ng lekyon kung paano maging matino" naiinis kong sabi saka sinuklay pataas ang hindi ko pa nasusuklay na buhok.

"Hoy Bejay! Hindi ka pa naghihilamos hoy– hay bahala ka nga jan" sabi ni kuya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad habang nililinisan ang gilid ng mata ko.

Baka may muta ehh.

"Lagot ka saaken Efren" pabulong kong sabi.

Nang malapit na ako sa may shop namen, agad naman akong patakbong tumawid ng kalsada saka pumasok ng hotel namen.

"Good morning ma'am–"

"Morning" putol ko sa sasabihin ng empleyado namen.

Badtrip na lalakeng 'yon, akala ko para saaken!? Akala ko ba mangliligaw siya ha!? Bakit para kay mama lang yung bulaklak? Nasaan yung para saaken!?

Naiinis ko naman pinindot yung button sa elevator para bumukas 'yon bago ako pumasok at padabog na pinidot yung number ng floor kung saan naka stay ang bwisit na Efren Lleva.

*Ting*

Pag-tigil ng elevator, agad akong lumabas at naglakad papunta sa room ni Efren, at pagtapat na pagtapat ko aa may pintuan agad kong pinindot yung doorbell ng nakakunot ang noo.

EFREN POV

Three...

Two...

One...

*Ding Dong*

Right on time hahahahaha. Naglakad naman ako papunta sa may pintuan at sumilip ako sa peephole at natawa ako ng mahina ng makita ang nakakunot noong mukha ni Bejay habang sinusuklay pa ang buhok niya pataas at halatang naiinis.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon