Chapter 46

114 7 0
                                    

❃❃❃

LILET POV

"Hi daddy, long time no see" bati ko sa matanda kong tatay.

"Lilet" galit niyang bati saaken habang nandito kami sa sala ng bahay niya.

"Wala pa rin nagbago sa bahay na 'to, nakaka asiwa pa rin gaya ng dati" sabi ko bago tumawa.

"Bakit nandito ka? Ano na naman ba ang binabalak mo ha?" Malumanay niyang tanong.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko at nginisihan siya. "Para patayin ka" madiin kong sabi.

"Hindi ka pa rin ba talaga napapagod anak–"

"'Wag mo akong tawaging anak dahil wala akong tatay na walang puso at hindi kayang suportahan ang gusto ko!" Putol ko sa sasabihin niya. "Noong mga panahon na pinakilala ko sa 'yo ang nobyo ko na siyang asawa na ngayon ng kapatid ko! Sinabi mong hiwalayan ko siya dahil lang magkalaban kayo ng mga magulang niya!" Sabi ko.

"Dahil 'yon ang nakakabuti sa 'yo–"

"Hindi! Hindi nakabuti 'yon saaken alam niyo ba 'yon? Yung taong mahal ko parang pinamigay ko lang siya at hinayaang mapunta sa piling ng kapatid ko na dapat na saaken. Ang sakit sakit nun! Sobrang sakit!" puno ng hinanakit kong sabi.

"Ginawa ko 'yon para mapabuti ka Lilet! Nung mga panahong 'yon... Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan tuwing nakikita kitang umiiyak? Ginawa ko 'yon para maging mapayapa ang buhay mo Lilet! Sa tingin mo ba hindi ko nababalitaan na madalas kang api-apihin ng mga taong kakampi ng mga magulang niya ha? Na halos malumpo kayong dalawa dahil pilit din nila kayong pinaglalayo ha?" Umiiyak niyang sabi. "At sa tingin mo ba ginusto ko na paghiwalayin ko kayong dalawa?" Sabi niya pa at bigla na lang humawak sa dibdib niya.

"Sana... Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko sa 'yo alam kong masyado akong naging mahigpit sa 'yo noon pero... Ginawa ko 'yon dahil mahal kita anak ko, dahil gusto ko na mapunta sa maayos... At tahimik na kalagayan ang buhay mo." Nahihirapan niyang sabi at patuloy din ang pagpatak ng aking luha habang umiiling. "At sa oras na mawala ako, sana ay mapatawad mo na rin ang kapatid mo at si Bejay. Oo kamukha siya ng nanay niya pero hindi mo dapat isisi sakanya lahat dahil wala siyang kasalanan, nagdudusa ang batang iyon hanggang ngayon dahil sa kagagawan mo... Kaya hihiling ko na itigil mo na eto. Patawarin mo ako anak ko" umiiyak niyang sabi at tuluyan na siyang napaluhod sa harapan ko habang hawak-hawak ang dibdib niya hanggang sa hindi niya na nakayanan at natumba na siya sa sahig.

Inilabas ko naman sa bulsa ko ang gamot na iniinom niya bago tinignan ang katawan niyang nakahandusay sa harapan ko.

"Hindi naging masaya ang buhay ko kaya dapat ganon din sila" mapait kong sabi bago ako tumalikod at nilisan ang lugar na 'yon.

BEJAY POV

Nakarating kami sa hospital at agad kaming dumiretso sa harap ng ER at nakita kong nakaupo si mama at papa doon.

"Ma" tawag ko sakanya at niyakap siya.

"Ma si lolo? Anong nangyare?" Nag-aalalang tanong ni Rainer kay mama.

"Inatake siya sa puso at hindi agad nakainom ng gamot. Pero... Pero ang sabi ng mga tauhan doon... May dumating na isang babae... At siya ang dahilan kung bakit... Bakit nandito si papa ngayon." Umiiyak na sabi ni mama.

"Sino siya ma? Pa?" Naguguluhang tanong ni kuya.

"Ang... Ang Tita Lilet ninyo" sagot ni papa kaya nagulat naman ako at bigla naman umugong ang tenga ko kaya napahawak ako sa dalawang tenga ko.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon