❃❃❃
BEJAY POV
"Meron" sagot niya bago ngumiti saaken. "Bakit? Sasaluhin mo ba ang problema ko?" Biro niya kaya nginiwian ko siya.
"Ehh pwede mo namang sabihin, hindi yung sinosolo mo" sagot ko din habang nilalantakan na yung mani. "Aygho! Upo muna tayo dito" sabi ko sabay turo sa bench sa gilid.
Medyo nandito na kami sa masyadong walang tao at malapit na din sa dagat kaya medyo mapresko na kahit mainit ang panahon.
"Ilan ba kayong magkakapatid?" Tanong ko sakanya.
"Apat, tatlo kaming lalake" sagot niya. "I have a stepsister pero kasama siya ng nanay niya" sabi niya ulit na ikinatitig ko ng matagal sakanya. "Hahahaha why?" Natatawang tanong niya saaken.
"Totoo?" Gulat kong sabi.
"Yup. But yeah, tanggap namen sila and so do my mom." Sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Hindi ka ba nagalit sa tatay mo?" Nagtataka kong tanong ko.
"Noong una oo, but we all know na lahat tayo ay nagkakamali and dapat matuto din tayong magpatawad. Mahirap tanggapin sa una syemre, pero napamahal na saaken yung kapatid kong 'yon kaya tinanggap ko na lang din yung nangyare. Nangyare na ehh hindi na ako pwedeng magreklamo at hindi ko rin naman masisisi si daddy" mahaba niyang sabi kaya napatango na lang ako.
"Napaka understanding mo ano?"
"Ikaw din kaya–"
"Hoy kelan pa ako naging understanding ha!?" Biglang angal ko sakanya.
"Hahahaha pinuri ka na nga ayaw mo pa" natatawa niyang sabi.
"Ehh sa hindi ko makita kung saang banda ako naging understanding" sarkastiko kong sabi. "'Yon lang ang problema mo?" Balik sa seryo kong tanong.
"Hahahaha ang lakas mong magpatawa kanina tapos ngayon seryoso naman" sabi niya.
"Bakit? May sinabi ba akong tumawa ka ha?" Tanong ko. "Diba wala? Abnormal ka kasi, o baka naman ako na talaga ang nagpapasaya sa 'yo yieee hahahaha joke lang" sabi ko ulit na ikinatawa niya lalo.
"Baliw ka"
"Since birth" natatawang sagot ko.
Natahimik kami ng ilang segundo at mayamaya lang bigla kong naramdaman ang pagpatak ng ulan sa balikat ko kaya napatingala ako.
"Uulan" mahinang sabi ko.
"Oo nga kaya tara na bumalik na tayo, mag sasabi ka pa jan na uulan, hindi ka pa tumayo hahaha" sabi niya.
"'Wag, dito muna tayo" sabi ko at kita kong nagsisitakbuhan na ang mga tao sa paligid namen at ang iba dali-dali namang inililigpit ang mga paninda nila.
"Huh? Hoy baliw ka na nga talaga! Tara na ohh" sabi niya at hinila pa ako patayo pero nakatayo lang ako at dinama yung pagpatak ng ulan.
"Bakit? Ayaw mo maligo sa ulan? Hahahaha hoy masaya 'to!" Masaya kong sabi.
"Bejay! Hindi ka na bata jusme naman tara na dali–"
"Hahahaha bahala ka jan, sige uwi na!" Sabi ko saka tumakbo palayo sakanya.
"Yah! Madulas ka ano ba!" Sigaw niya.
Mas lumakas pa ang ulan pero nanjan pa rin ang araw. Pupunta ako doon sa may dagat hahaha ang sarap kayang maligo sa ulan.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Enemy
RomansA probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/stremer and also her childood enemy named Efren. What if they meet each other again? Pag-ibig na nga ba...