Chapter 15

245 16 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"Nandito na tayo!!" Sabi ko saka bumaba sa sasakyan habang hawak yung phone holder at naka video ulit. "Lolo!" Masayang bati ko kay lolo.

"Ohh apo, halina kayo dito, magandang hapon pala sainyo" bati niya sa mga kasama ko.

"Hi lolo! Kyaaa I miss you po!" Sabi ni Sanshin bago yumakap kay lolo.

"Siya si Lolo Delberto, ang tatay ni mama at siya ang may ari ng farm dito, lolo kaway naman jan" sabi ko at kumaway naman siya sa harap ng camera.

Bago kami makarating dito tinawagan ko muna si lolo at sinabi ko na din na magkunware siyang kilala etong dalawang lalakeng kasama namen.

"Efren?" Gulat na gulat na sabi ni lolo kaya ngumiti ako. Galing umarte ahh. "Ikaw na ba 'yan iho? Ang laki at ang gwapo mo na lalo ahh! Kumusta naman? Ang tagal na nateng hindi nagkikita ahh. Ayy nako nakwento ka nga saaken ni Bejay nung isang araw nung pumunta sila dito, mabuti naman at nadalaw ka dito" mahabang sabi ni lolo sakanya.

Naks ang galing talagang umarte ni lolo, nadamay hahahaha.

"Opo. Ehh maayos naman po ako lolo, hahaha oo nga po ehh masyadong naging abala sa maynila kaya ngayon lang ulit nakaluwas" sagot naman ni Efren.

"Ehh lolo pwede ko ba silang igala dito bukas?" Tanong ko naman kay lolo.

"Ayy aba'y syempre naman, kahit ngayon pa ehh" nakangiting sagot ni lolo.

"Hahaha ehh tulog na po yung ibang alaga mo dito ehh, mas maganda sana kapag gising silang lahat, kaya bukas na lang po" sabi ko.

"Ohh sige" sabi niya at naptingin siya kay Sanshin at nagulat. "Jusmiyo marimar ka naman na bata ka oo, ginugulat mo ako" sabi ni lolo at napahawak pa sa dibdib niya.

"Eto naman si lolo. Mukha ho bang nakakagulat ang ganitong ganda? Sabagay ikaw ba naman hindi magulat saaken sa ganda kong 'to hahahahaha" sabi ni Sanshin kaya tumawa kami at hinampas siya sa baliakat.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo ehh 'no? Hahahahaha abnormal ka" natatawa kong sabi.

"Bejay, tumawa lang ha 'wag nang hahampas at baka ikaw hahambalusin ko" sabi niya sabay layo saaken at ikinawit ang braso sa braso ni lolo kaya tumabi naman ako sa kabila. "So lolo what's the menu for today's video?" Tanong niya.

"Kare-kare at prinitong isda" nakangiting sabi ni lolo at tinaas baba pa yung kilay.

"Yeheyy!"

"Yown! Paborito ko 'yan!"

"Excited na akong matikman 'yan!"

"Let's go!"

Sabay-sabay nameng sabi.

"Oops pero bago ang lahat kailangan na muna nameng magpaalam at ipagpapatuloy namen eto bukas! Oo bukas! So ngayon..." Sabi ko at ipinasa na kay Efren yung sunod kong sasabihin habang ako ang may hawak ng phone holder.

"Goodbye for now, have a nice day, afternoon or evening to you mga lods. Don't forget to like, share at kung bago ka lang dito sa channel ko, don't forget to subscribe and tap the bell bottom for more updates." Sabi niya at may pakindat pa kaya nabatukan ko siya.

"Hahaha abno and also mga lods his-"

"Our facebook account BeRen Ph" putol niya sa sasabihin ko kaya napakunot ang noo ko ng lingunin ko siya.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon