❃❃❃
BEJAY POV
Pagpasok ko kanina agad kong hinanap si Jovit, pero wala siya at hindi rin pala pumasok. Makikibalita sana ako kung anong nangyare doon sa nasuntok ko kahapon.
Tanghalian na din at eto palakad-lakad lang ako sa hallway, wala akong ganang kumain dahil siguro naparami yung kain ko kagabi.
Naisipan ko namang tumaas sa rooftop para doon magpahangin, dito rin ako madalas tumambay kapag pinapakalma ko ang sarili ko tuwing napipikon ako sa mga dinadala ko sa guidance. Pagbukas ko nung pintuan sinarado ko naman ulit at dumungaw sa baba at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ay pusang gala!" Sigaw ko dahil sa gulat at bigla akong kinabahan dahil kamuntik na akong tumambling pababa kaya napalayo ako sa dulo netong rooftop.
Hinawakan ko naman yung dibdib ko at dahan-dahang humarap doon sa gumulat saaken. Si Jovit lang pala, ano pa nga bang aasahan ko sa lalakeng 'to. Lulubog at lilitaw din 'to.
"Alam mo badtrip ka! Kamuntik na akong atakihin sa puso ng dahil sa 'yo" singhal ko sakanya.
"Kasalanan ko bang magugulatin ka, tsaka normal lang na atakihin ka sa puso ng dahil saaken" Walang emosyon niyang sabi kaya inirapan ko lang siya at naglakad na papuntang pintuan tutal naman nasira na niya yung pagrerelax ko ehh. "Bakit aalis ka na?" Tanong niya kaya nabwisit naman agad ako at hinarap ulit siya.
"Wala kang pake" sagot ko at dire-dirersong bumaba. Kainis.
Pagbaba ko naman sa third floor, may mga babaeng nagkukumpulan sa dadaanan ko kaya tinanaw ko naman kung anong meron.
Napairap ako ng makitang nagbabasa sila ng love letter ata 'yon ng isa sakanila tch tch tch.
"Excuse me" medyo may kalakasan kong sabi kaya sabay-sabay silang napalingon saaken kaya ngumiti ako. "Makikiraan pwede po?" Tanong ko.
Mga first year pala ang mga 'to.
"Ayy hala sorry sorry, sige po" sabi nung isa at nagsigilidan naman sila.
"Salamat, ipagpatuloy niyo lang 'yan" nakangiting sabi ko at ngumiti naman sila saaken pabalik kaya bumaba naman ako.
"Bejay!" Napalingon naman ako bigla ng may tumawag saaken at nakita ko naman si Sanshin na may dalang dalawang milktea na grabe kalaki.
"Saan ka galing?" Tanong ko at inabot niya naman saaken yung isa kaya kinuha ko naman.
"Pinapabigay 'yan ng kuya mo, inabot lang saaken kanina nakasalubong ko sa labasan" sabi niya at sinipsip na yung 'kanya.
"Sino kasama?" Tanong ko.
"Wala, siya lang. Hilig din mag-isa non 'no? Wala ba 'yon jowa?" Tanong niya naman.
"Wala, sayang lang daw oras 'yon" kibit balikat kong sabi.
"Oo nga naman, parang ikaw lang" sabi niya kaya inirapan ko naman siya na ikinatawa niya "Tara may pupuntahan tayo" dagdag niya at hinila ako.
"Saan?" Tanong ko at kamuntik ko ng mabitawan yung hawak ko. "Teka matapon 'to" sabi ko kaya binitawan niya naman kamay ko.
"May bagong bukas na shop jan sa mapalit, tignan naten" sabi niya.
"Talaga? Sigurado kang malapit lang ahh" sabi ko at nagmadali kaming lumabas at pinuntahan nga yung shop na sinasabi niya.
Pagdating doon nagwindow shopping naman kami hahahahaha hindi naman kami bibili ehh makikichismis lang kung anong bago dito, pero kapag may nagustuhan ako kukunin ko talaga.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Enemy
RomanceA probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/stremer and also her childood enemy named Efren. What if they meet each other again? Pag-ibig na nga ba...