Chapter 38

122 7 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"Oh suot mo 'to, doon ka sa loob ng kotse mo magpalit" abot ko nung bota, tsaka long sleeve na damit kay Efren, gaya ng mga kadalasang sinusuot ng mga magsasaka yung binigay ko sakanya.

Medyo mainit ngayon ang panahon base sa sinabi ni lolo kanina kasi palagi 'yan nanoood ng balita. Kaya kaelangan niya 'yon para hindi siya umitim at mangati mamaya sa mga dadaanan namen.

"Sure, daba ko" sabi niya kaya napatalikod na lang ako bigla at pinigilan ang ngumiti.

Gago! Kanina pa 'yan, inaasar na ata ako ng isang yan sa kaka 'daba ko' jusme!! Mamatay ako sa kilig dito ohh.

"Lolo si Bejay lagi talagang handa hahahahaha kita mo at mukhang handa ng lumusong sa bukid haha" sabi ni Sanshin.

"Ehh kesa naman sa 'yong naka pang tulog pa rin hahahaha" sabi ko din.

"Atleast hindi na ako magdadagdag ng lalabhan diba? Hahahahahaha tipid paheram nga nung bota" sabi niya kaya inabot ko yung bota sakanya.

Saktong four thirty na nung dumating yung aakyat ng niyog dahil nasa hospital pala yung anak, kaya ang sabi namen ni lolo papauwiin namen siya ng maaga mamaya at siguro bibigyan na din ni lolo ng pangpagamot yung anak niya.

Ang hirap ng may nagkakasakit kaya hanggat kaya nameng tumulong gagawin namen.

"Ohh tara na ayan si Efren" sabi ni Sanshin kaya nilingon ko naman si Ren Ren.

Hindi ko pa masyadong nakikita ang itsura niya dahil medyo madilim pa din kaya hindi ko makikita kung bagay ba o hindi sakanya ang ganong damit. Napagdisesyonan na din namen na mag-v-vlog kami ngayon kasi sabi ko para naman kapag bumalik siya ng Manila may remembrance siya.

"Dahan-dahan lang kayo sa paglalakad ha, masyadong madahon at baka natisod kayo, dahan-dahan lang malapit lang naman ang lalakarin naten" paalala ni lolo.

"Opo" sagot namen.

"Damara, halika dito sa tabi ko" aya ko sa labing anim na taong gulang na si Damara.

Magaling dumiskarte ang batang 'to at bukod sa mabait, magaling 'to sa lahat ng trabaho. Gusto ko na ngang ampunin ehh kaso ayaw niya hahahaha.

"Ohh Bejay game na" sabi ni Kian habang hawak yung camera ko.

May mga lampara naman kaming dala at sapat na 'yon para makita kami sa camera.

"Wala ng intro-intro 'to, arat na mga lods. Bibisitahain naten ngayon ang bundok ng lolo ko, bukod sa farm may bundok siya oo hahahaha. At kita niyo naman medyo madilim pa, alas kwatro trenta y tres na ng madaling araw at–"

"At nakikita niyo ba si Lola Bejay?" Dagdag ni Ren Ren sa sasabihin ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi po!!!" Sabay-sabay na sagot ni lolo, Kian, Sanshin at Damara.

"Aba't lolo naman ihh nakisali ka pa, nakakasama ka ng loob" nakabusangot kong sabi.

"Hoy Bejay, Lola Bejay 'wag mo kaming aartehan sanay ka sa mga asar na ganyan 'no" sabi ni Sanshin kaya tumawa ako.

"Naman! As if naman mapaiyak niyo ako" sabi ko. "So 'yon na nga, 'wag ka kasing sasabat nagsasalita ang maganda ehh" sabi ko kay Ren Ren.

"Ayy wow!!" Sabay-sabay ulit nilang sabi kaya umiling-iling na lang ako.

"'Yon na nga mga lods, hindi niyo pa ako makikita sa ngayon dahil kasalukuyan akong nagko-camouflage hahahaha charot! Hoy kita naman ako ehh diba? Napaka ano ninyo." Sabi ko kaya tumawa naman sila. "So handa na kayong makita ang bundok? Tara" sabi ko saka itinakip ko ang kamay ko sa camera.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon