Kabanata 11

73 13 4
                                    

Ako at pahinga

•••

Linggo, nagising na lamang ako sa ingay mula sa kabilang kwarto. Napakapa tuloy ako sa higaan para sa aking cellphone upang tignan ang oras.

Wala pa naman tanghalian...nasa alas diyes pa lang naman ng umaga.

"Aga aga ingay ingay potek," pansariling dalamhati ko habang nakadapa't ibinabaon ang aking mukha sa unan.

"Bakit po kaya ang kaunti lang ng mabilis maka recover pero madami 'yong matagal maka get over sa love? Gano'n ho kasi ako, te!" rinig kong sambit ng isang babaeng hindi pamilyar ang boses.

Sino naman kaya bisita namin ngayon? Parang wala naman nasabi si mama kagabi sa akin na may bibisitang kamag-anak, o baka nalimutan niya sabihin dahil hindi rin naman ako nagtanong.

"Puro ka yata kasi love-life, dapat iniisip mo rin kasi 'yong self-life mo!" boses ni ate.

"Ayan, jheda, makinig ka kay ate! Well experienced 'yan!" boses ni leila.

Napabaligtad ako ng pwesto. Nakatitig na sa kisame at tahimik na nakikinig sa usapan mula sa kabilang kwarto. Tutal, hindi ko naman kasalanan na marinig ang girls talk nila, kusa ko lang narinig iyon dahil may tainga ako at manipis lang ang ding ding namin dahil gawang plywood lang naman.

"Real talk lang beh, ha?" ani ni ate sa kausap nila. "Kadalasan kasi 'yong heartbreak na lang lagi natin naiisip. Iyong sakit at hirap. I'm not trying to downplay that emotion ha, totoo naman na mahirap talaga iyon pero bakit may mga mabilis maka recover? kasi 'yong mga tao na 'yon kalaunan titigil din sila sa kakaisip tungkol sa love-life nila at magsisimulang magpokus sa kanilang self-life." dagdag pa niya.

Totoo naman. Self-life, ito 'yong sarili mo naman ang paglalaanan mo ng atensyon. Sarili mo naman paglalaanan mo ng pagmamahal. Ika nga, treat yourself like someone you love.

"Hindi ba nga, hindi mo hahayaang umiyak 'yong taong mahal mo? Sabi mo sa akin," rinig kong sabi naman ni leila sa kausap nila. "Hindi mo rin siya hahayaan maging malungkot, 'di ba? Pero jheda, instead na sa ibang tao mo madalas gawin 'yon kasi mahal mo 'yong taong 'yon, bakit hindi mo naman gawin 'yon sa sarili mo?" dugtong pa nito.

"True beh," ani ni ate.

Totoo, redirecting the love that will potentially be wasted if given to the person who eventually gave you all the signs that they don't want the love you are so willing to give. So, instead na masayang, ibigay mo na lang sa sarili mo 'yon. Gano'n dapat. Self-love and self-life. Hindi naman pagiging makasarili ang minsan pag-una sa sarili, eh.

Napabalikwas na ako sa aking pagkakahiga. Nag-inat muli kasabay ang malakas na hikab. Kinuha ko ulit ang aking cellphone na sinet ko kagabi sa do not disturb dahil linggo kinabukasan, dapat wala akong gagawin. Hindi dapat ako tumatanggap ng trabaho. Araw ng pahinga ang linggo. Ang natatanging araw na pwede akong maging isang tamad na tao at walang puwedeng maging sagabal doon.

Rinig pa rin ang mga halikhik mula sa katabing kwarto. Kumatok ako ng dalawang beses sa pader upang malaman nila na gising na ako at naririnig ko sila. Lalo na't pinag-uusapan na nila ay tungkol sa kanilang mga dibdib at kung anong bra cup size nila. Nakakailang marinig.

Bumaba ako sa kusina habang kinakamot ng isa kong kamay ang aking tiyan. Wala si mama rito, marahil nasa labas at nakikipag-usap sa mga amiga niya. Si papa ay baka dala ang motor ko at pinaayos na ito. Medyo matagal kasi ito mag start kaya kailangan na rin patignan kung anong problema.

Inalog ko muna ang takore kung may laman pa at dinagdagan ang laman nito atsaka nag-init ng tubig. Inihanda ko na ang aking paboritong tasa na may tatak na Starbucks na nabili lang naman sa bangketa. Nagtimpla ako ng kape at kumuha ako ng pandesal na nakabalot pa sa paper bag nito. Tres na yata isa nito ngayon.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon