Kabanata 21

70 9 12
                                    

Ako at Siya

•••

Saktong kompleto na kami sa table ng maalala ko kung saan ko unang nakita si margarita, kaagad ko iyon sinabi sa mga kasama ko.

Schoolmate ko siya noong elementary. Grade six kami noon, nasa section one ako no'n ewan ko kung anong section siya. Huling araw ng practice sa graduation at iniwan kong nakasandal 'yong bike ko sa may school gate. Walang kadena dahil ilang practice na ang naganap ay wala namang kumuha no'n doon...except no'ng huling araw. Naabutan ko na lang ang isang babae na nakasakay sa bike ko. Sinigawan ko 'yon at lumingon lang siya kaya namukhaan ko pa siya at pati iyong nunal niya sa ilong bago pa siya kumaripas ng pedal palayo.

Hindi ko lang narinig iyong pangalan niya no'ng umakyat siya sa stage noong graduation day. Lagpas balikat iyong buhok niya no'ng araw na iyon, kinulot ang dulo at inayusan ang mukha pero namukhaan ko pa rin siya lalo na iyong palatandaan kong nunal sa may ilong. Maaliwalas ang mukha niya noong araw na iyon palaging nakangiti. Sinusundan ko siya palagi ng tingin. Iyong bike ko ng malaman ni papa na nawala ay pinagalitan ako kaya masama ang loob ko sa babaeng iyon noon. Pero hindi ko naman nagawang komprontahin siya...pinapangunahan ako ng kaba at hiya. Hindi ko naman kilala ang taong iyon. Kaya ang nagawa ko lang ay ang sundan siya ng masamang tingin na marahil hindi niya napapansin.

Pero hindi lang no'ng elementary ko siya nakikita...pati rin noong highschool. Magkaiba man kami ng school ngunit magkalapit naman ang daanan namin pauwi. Sa tuwing nakasakay ako sa tricycle papasok ay nakikita ko siyang naglalakad o nagbibisikleta papasok din. Iyong bike ko pa talaga na kaniyang ginagamit. Hindi ko man siya kilalang kilala pero base sa observation ko tuwing nakakasalubong ko siya ay simple lamang ito pero mapapalingon ka sa itsura niya. Style ng buhok niya'y paiba-iba...pusod, lugay, o braid depende siguro sa mood niya, pero kapag nakalugay ay hanggang lagpas balikat.

Pero matapos ng highschool ay hindi na nagkrus ang landas namin. Hindi ko na rin siya nakikita o nakakasalubong sa daan. Nakalimutan ko na nga siya at iyong kasalanan niya sa akin kung hindi ko lang talaga siya namukhaan ngayon. O marahil ay lumipas man ang mahabang panahon, pero nasa isipan ko pa rin siya.

Ikinagulat ko naman ang biglaang pagsali rin no'ng margarita sa table namin. Wala akong kamalay malay na malapit din pala siya kay Lance. Ngayon lang ako nakapunta sa coffee shop ni sining kahit matagal na kami inaaya ni Jaq dito. Bumilis ang tibok ng puso ko sa paglitaw ng presensya niya... pero siguro dahil ito sa kape?

Nanahimik na lamang ako at ininom ang kape. Masarap naman ito kahit hinulaan ko lang sa menu ang pipiliin ko. Sanay ako sa kopiko blanca.

"So, bakit mo ninakaw 'yong bike nitong tropapits ko?" ani lance habang nakaakbay sa akin. Katabi ko kasi siya.

Mahina kong isiniko sa tagiliran si lance pero natawa lang ito sa akin. Gago talaga.

"Humiling kasi ako kay lord na bigyan niya ako ng isang bike...kaso lumipas na ang ilang taon wala pa rin akong natatanggap. Hanggang sa marealize ko na siguro hindi gano'n gumagana ang mga bagay bagay sa mundo, kaya nagnakaw ako ng bike. Tapos nagdasal ako kay lord na sana bigyan niya ako ng kapatawaran." seryosong sabi ni margarita.

Hindi ko alam kung totoo ba iyon o hindi pero natawa ang iba pwera sa akin. Sinermonan ako ng papa ko hanggang sa pagtulog dahil sa bike na iyon kahit kinabukasan ay graduation ko. Grumaduate ako no'ng grade six na may sama ng loob dahil doon. Ta's...hays...ewan!

Napainom na lamang ako sa aking kape.

"Joke lang! Nagkaroon ng emergency noon, natatae na kasi ako during graduation practice tapos sakto nandoon 'yong bike mo...walang lock! Binalikan ko naman kaso wala ng estudyante no'n sa school tapos wala naman naghahanap o nagrereport ng missing bike kaya inuwi ko na lang. Napakinabangan ko naman hanggang mag highschool ako, eh. Salamat ha?" aniya sa akin habang malapad na nakangiti at itinataas-baba ang dalawang kilay nito.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon