Kabanata 2

127 22 13
                                    

When he met she

•••

Araw ng sabado, nasa library ako at nagpo-photocopy ng module tungkol sa array na magiging topic namin sa klase mamaya.

"Ahm, sir, para sa inyo nga po pala..." isang dalagang nahihiya ang siyang nag-aabot sa akin ng isang bond paper.

Kinuha ko naman ito at tinignan ang isang drawing...isang lalaki na nakatayo sa tabi ng xerox machine marahil ako habang hinihintay ang mga pinapa-photocopy ko.

"Para sa akin ba 'to?" tanong ko na kaniya namang tinanguan.

Ngayon lang ako nakatanggap ng isang drawing at mula pa sa isang babae.

"Welcome gift ko sa inyo...may nakapag sabi sa akin na ikaw 'yong bagong part time prof atsaka nakasanayan ko na rin magbigay sa mga bago ng ganiyan. I'm Anna Guzman, college librarian dito." nakangiti niyang sabi.

Bahagyang nanlaki ang aking mata ng marinig na hindi siya estudyante rito kundi librarian...mas mukha itong estudyante.

May kaliitan ang mukha, maganda ang hulma ng kaniyang labi lalo na kapag nangiti. Cute siya kung ilalarawan lalo na sa hanggang balikat nitong buhok na mukhang malambot kung hahawakan. Simple ang pananamit...kumbaga walang bakas ng kaartehan ngunit mahinhin ang kilos. Para siyang bida sa isang teleserye na parating inaapi...ganoon ka-amo ang mukha niya.

"Salamat pala rito, Lucas Pagal...pangalan ko."

"Ahmm, If you need anything dito sa library just let me know and I'll assist you, sir."

"Noted, thanks."

Bumalik na siya sa kaniyang pwesto sa may librarian's desk. Tumunog na rin ang xerox machine, tanda na tapos na ang pagpo-photocopy. Ipinatong ko ang ibinigay ni anna na drawing sa mainit na mga bagong kopyang papel at tinaktak ito sa katabing mesa.

Nagragasa namang lumapit si ingrid sa xerox machine hawak hawak ang isang bond paper na may mga sulat at printed.

"Ako na," sambit ko tutal nandito na rin ako malapit sa pindutan.

Inabot naman niya ang bond paper sa akin at ako na nagset-up nito sa xerox machine...sinabi naman niya kung ilang kopya ang kailangan niya.

"Iwan ko na kayo rito, ikaw na lang bahala sa photocopy." sabi ko.

"Thank you, sir." sabi ni ingrid.

"Lucas na lang...hindi naman yata nagkakalayo edad natin."

"Turning twenty-six." aniya na medyo kinagulat ko dahil hindi bakas sa kaniya ang edad na twenty-six...sa batang itsura na parang kakatungtong lang sa new adult era...pero hindi ko na lang pinahalata ang aking pagkamangha.

"Bata ka pa, Ingrid. Hindi naman nagkakalayo edad natin, sakop pa rin ng kalendaryo. I'm turning twenty-five. Hope we could be good co-teachers."

Sinubukan kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay ang awkward kong ngumiti dahil hindi naman ako pala-ngiti...lalo na kung mag-isa at kaharap ay isang babae.

"I hope we will. And maybe we can get along sa faculty with the others..." sambit niya na may pagngiti na parang na-i-ilang din.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon