Kabanata 19

44 10 1
                                    

Huling Sandali

•••

Lumipas ang ilang araw, ilang linggo. Ramdam ko ang pag-iisa sa office lalo na't sa tuwing nakikita kong walang nakaupo sa katabing puwesto ko. Malinis pa rin ang dating area ni Bryan. Wala pa rin pumapalit at umu-okyupa sa pwesto niya, kung mayroon man ay hindi ko alam kung kakaibiganin ko ba agad? Parang out of respect kay bryan ay kailangan hindi muna.

Nadagdagan ang araw ng pahinga ko no'ng nagbakasyon na ang mga estudyante sa school. Sa kasalukuyan ay wala na akong part time job, pero balak ko ulit bumalik sa susunod na semestre. Natutuwa ako sa pagtuturo kahit sandali. Nararamdaman ko kahit papaano iyong paggalang, pagrespeto at paghanga mula sa mga estudyante para sa akin na bihira ko lang makuha sa ibang tao. Ang sarap nga sa pakiramdam na makatanggap ng unconditional love mula sa hindi mo inaasahang mga tao, lalo na't hindi mo hinahanap...kusa lang dumadating sa tamang timing.

No'ng akala ko'y pumapabor sa akin ang lahat...tsaka ako paglalaruan ng panahon.

Linggo ng gabi no'ng inaya kami ni symon sa kanila dahil birthday nga niya at ng inaanak namin sa kaniya. Lahat ng tropa ng highschool ay naroon, parang naging isang mini reunion ang tema. Katabi ko si merich, masaya naman ang lahat. Nagtatawanan at nagpi-picture-an pa nga. May biruan habang nag-iinuman at may mga sintunado na malakas ang loob na kumakanta.

"Pre! Take out? Hahahaha!" ani merich na isasama sa paper bag niya ang magandang plato nila symon.

"Gago 'wag! Yari ako sa asawa ko!"

Ta's sinenyasan ko si merich na nakatingin nga iyong asawa ni symon sa kaniya.

"Ayy sorry, sorry mare!" natatawang wika ni merich habang binabalik sa mesa ang plato.

Tinawanan lang namin siya at iyong iba ginaya ang ginawa niyang biro ngunit sa baso naman at kubyertos.

Ilang oras tumagal ang mini reunion. Hindi naman nalasing ang lahat, sober at walang malakas ang amats no'ng magkaayaan ng umuwi. Pamilyado na ang karamihan kaya gano'n siguro...napapatingin na sa mga orasan at syempre maaga pa ang pasok ng iba bukas.

"Dapat pala sinundo kita sa inyo para may kasama ako pag-uwi." sambit ni merich, nakadungaw sa bukas nitong car window sa bandang drivers seat. "Madadaanan ko pa naman kanto niyo."

"Dapat nagmotor ka na lang din kasi. Rider sana tayo, kasabay ka sana namin." sabay pagsulyap ko sa iba na nagpapaandar na rin ng makina ng kanilang motor.

"Mayabang ako, eh!" natatawa pa niyang pagsabi. "Kailangan ko na maipagyabang 'tong bago kong kotse baka hindi ko na maipagyabang sa mga susunod na araw, eh?"

"Bakit? Ibebenta mo agad?"

"Bibigay ko sa girlfriend ko hahahaha galit sa akin, eh!"

"Gagu," napangiwi pa ako sa katangahan niya. "Gawin mo 'kong kabit, akin na lang 'yan." pagbibiro ko.

Natawa lang siya at pilit akong inaabot upang masuntok o mahampas ngunit hindi niya maabot mula sa kaniyang kinauupuan dahil may kalayuan ang agwat namin.

"Post ko na lang sa fb 'yong mga pictures natin mga utol!" bulyaw ni symon no'ng paalis na kami.

No'ng makalabas na kami sa kanto nila symon, naghiwahiwalay na kami ng landas. Karamihan sa amin ay pakanan at tanging si merich lang ang pakaliwa ng direksyon dahil hindi makakaraan agad ang kotse niya sa shortcut na aming dadaanan. Nagbusinahan na lang kami sa kaniya bilang paalam at gano'n din ang ginawa niya.

Pagkauwi ay hindi rin naman ako nakatulog agad. Hirap ako makatulog agad. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko pagkatapos kong maglibang sa kung anong soc med mayroon ako. Napost na rin ni symon ang mga pics at nakatag iyon sa amin. Lahat nakangiti, lahat masaya. Napapangiti ako sa ala-ala ng kaganapan kanina...parang praning. Ganito ako palagi kapag may nangyaring maganda sa araw ko. Ang hirap kalimutan at sa isipan ko na lamang pwedeng balikan.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon