Kabanata 12

73 11 5
                                    

Christmas Party

•••

Araw ng biyernes, inabutan pa ako ng rush hour. Five-thirty na ako nakapag out sa office dahil kailangan ko pang tapusin ang mga gawain doon bago umalis. Kahit anong pilit na singit ko ay inaabutan pa rin ng pulang ilaw na lalong nagpapatagal sa akin patungo sa paroroonan ko. Hindi ko tuloy alam kung may maaabutan pa ba akong christmas party pagdating ko sa school.

Minuminuto rin ang pagshow ng notification ko sa screen ng cellphone ko na nakalagay sa cp holder ng motor ko. Puro karamihan ay aking estudyante sa 1A at sila Sayah na nagtatanong kung nasaan na nga ba ako.

Malalim na buntong hininga na lamang ang aking nagawa habang nakatitig sa stoplight na nakatigil pa rin sa pula.

"Sana kahit spag lang makakain ako," mahina kong dalamhati.

Nagugutom na rin kasi ako.

Iyong secret santa namin mga teacher sa faculty, si niccolo pa hiningian ko ng favor para umorder at ipadeliver sa school. Ipaabot sa guard tutal madaraanan niya rin naman 'yong school bago siya pumasok. Siya lang din naman ang hindi nakakahiyang utangan at may alam sa mga gusto ng babae. Sana lang talaga ay maganda iyong binigay niya kay ingrid...sinabi ko lang kasi na babae ang nabunot ko. Sa huli, ang regalo na nabili ko para sa kaniya ay wrist watch na casio. Analog steel date 25mm stainless steal band, na nabili ko pa sa watch republic. Sana lang ay magustuhan niya at magamit niya ng matagal.

Pagkarating ko sa school, pinarada ko ng maayos ang aking motor sa parking spot. Kinuha ko ang aking regalo sa luggage box at medyo inayos ang aking sarili sa tapat ng maliit na salamin ng aking sasakyan.

"Hindi pa rin pala ako nagpapagupit..." dalamhati ko pa habang hinahawi ang aking buhok.

Binati ako ni kuya jerry pagkapasok ko ng gate. Sinabi pa nga nito na late na nga raw ako sa celebration habang naglo-log-in ako. Madami na rin ang pagkain nakabalot sa kaniyang mesa.

Inuna kong pinuntahan ang faculty 'tsaka nilapag ang regalo ko sa isang table na kung saan nagkumpulan ang iba pang regalo.

"Oh, saan ka pupunta sir pagal?" ani ni anna no'ng masagi ko siya dahil sa pagmamadali.

"Sa klase ko, may celebration din kasi...christmas party. Late na nga 'ko, eh."

Pinakita ko pa nga ang bitbit kong isa pang regalo na para kay Josepp. Hindi ko naman alam ang hilig ni josepp kaya t-shirt na lamang ang niregalo ko sa kaniya...dalawang baybayin na customized pa at ako nagdesign. Two hundred pesos lang naman ang halaga ng exchange gift nila.

"Ahh, gano'n ba? Balik ka na lang po later." sambit niya na tinanguan ko na lamang.

Nagmadali akong tinungo ang nasabing classroom ng mga estudyante ko. Pagkarating ko roon ay may ingay pang maririnig ngunit halos lahat sila ay nakaupo na lamang at nagseselpon.

"Pasensya na ngayon lang ako, Sorry talaga!" bungad ko pagkapasok.

Lahat sila ay napabalikwas sa pagkakaupo. Si Vonn ay agad na lumapit sa akin upang kuhanin ang aking regalo at isasama sa mga nakakumpulan na regalo sa isang gilid ng mga nakahilerang upuan.

"Kumain na kayo?" tanong ko.

"Yes sir, nagpa-games na rin po kami kanina. Binalutan ka na lang po namin pala," wika ni marner at agad kinuha ang isang may kaliitang paper bag.

"Ayan po sir, binalutan ka na namin kasi anong oras na rin po." dugtong pa nito.

"Nako, salamat pero sana hindi na kayo nag abala pa! Ta's pinagpatuloy niyo na lang 'yong party kahit wala ako."

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon