Kabanata 29

54 10 12
                                    

Sandali

•••

Kahit no'ng magtatanghalian kami ay hindi kami nagkikibuan ni ate. Pilit naman nagtatanong si papa kung anong nangyari sa amin pero sinasabi na lang namin na wala.

Kahit no'ng paalis na ako para magsimba...dumaan pa ako sa harapan niya no'ng nanonood siya sa may sala, hindi niya ako pinansin, hindi ko rin siya kinibo. Nagpatuloy tuloy lang ako hanggang makaalis sa bahay upang tahakin ang simbahan sa bayan.

Pinarada ko muli ang aking motor sa may parking. Hinanap ko ang mag-ina sa loob ng simbahan at nandoon pa rin sila sa nakaraang pwesto nila kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin sila.

Binati ko si margarita, gano'n din si marisol na tuwang tuwa na naman na makita ako. Hindi dahil sa presensya ko...baka dahil sa after mass ay magja-jollibee.

Gitna namin si marisol, sa dulo ako naupo...sa bungad. Tahimik ang lahat, may time na kinukulit ako ni marisol at dinadaldal na akin namang pinapansin. Ngunit ang nasa isip ko talaga ay iyong pag-aaway namin ni ate. Hindi ito normal na away namin...madalas mga maliliit na bagay lang naman ang pinag-aawayan namin...madalas sa ugali niya pero hindi ko naman ginagawang big deal iyon. Ngayon lang talaga.

"Hold my kamay po!" sambit ni marisol na nagpawala sa iniisip ko.

Oras na pala para sa ama namin kaya hinawakan ko na ang kaniyang kamay at tahimik na umawit. Rinig ko ang pagkabulol ni marisol sa ibang mga salita pero kailangan kong pilitin na hindi matawa dahil seryoso ang mga tao...kahit si margarita.

"Tara?" pag-aya ni margarita para pumila sa pagkuha ng ostiya.

Sumunod naman ako.

Pinapanood ko na naman ang likod niya na parang paborito kong kdrama o anime. Kahit wala akong maintindihan ay nakatutok pa rin ako.

Bihira ko lang siya nakitang nakalugay ng buo ang buhok. No'ng umaga, naka pusod ito. Ngayon naman ay naka half ponytail siya...gano'n palagi. Tali niya ay simpleng sanrio lamang. Kapareho ng kay marisol, ngunit iyong bata ay colorful ang sanrio dahil sa tali niyang hindi ko alam ang tawag...ponytail na madaming sanrio...

Habang umaabante ang pila ay siya naman pagpansin ko sa maliit na dumi sa buhok ni margarita. Parang himulmol na sumabit lamang at ayaw matanggal. Dahan-dahan kong inalis iyon sa buhok niya ngunit naramdaman pa rin niya ang ginawa ko.

"Bakit?" tanong niya paglingon sa akin.

Mata niya'y bahagyang lumaki.

"May dumi sa buhok mo. Tinanggal ko."

"Ahhh," sabay dahan dahan na paghaplos niya sa kaniyang buhok. "Wala na?"

"Wala na."

"Salamat po."

Ang cute, parang si marisol no'ng magpasalamat. Manang mana sa anak.

Ginaya ko ulit kung paano niya tanggapin iyong ostiya. Bumalik kami sa aming pwesto, inaya ni margarita ang anak niya na lumuhod at magdasal. Ginaya ko naman ang mag-ina. Nagdasal na ako ng may damdamin ngayon, hindi kagaya no'ng nakaraan na parang napipilitan lang dahil sa kasama ko. Nagdasal ako ng taimtim.

Sana maging maayos ang lahat pagkauwi ko. Ayoko ng drama. Ayoko makaramdam ng pagod na naman lalo na sa bahay.

"Amen." pabulong kong bigkas.

Taimtim na akong nakinig sa sermon ng pari. Tingin ko'y nasa harap lamang ngunit paminsan minsan ay hinahagilap ang mag-ina. Nakakatuwa makita kapag nag-uusap sila ng pabulong. Si marisol magtatanong ng kung ano-ano ta's sasagutin ni margarita ng seryoso. Nakakatuwa talaga sila panoorin. Napapa-isip tuloy ako...what if makita sila no'ng lalaki? Makita ang 'gaya ng nakikita ko? Dahil kung ako siya mapapa-isip ako kung bakit ako lumayo at iniwan siya kung ganito kaganda ang kalalabasan.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon