Kabanata 18

61 9 8
                                    

Reyalidad

•••

Pinilit kong isipin na sana'y hindi ako multuhin ng konsensya ko sa ginawa ko kay sayah. Ginawa ko lang ang nararapat. Sinabi ang mga salitang magpapagising sa kaniyang namumuong pantasya't ideya tungkol sa pagmamahal na dapat ay paghanga lamang. Na dapat hanggang doon lang at huwag na humigit pa.

Gusto ko man bawiin ang aking mga sinabi na iyon ay hindi ko rin naman kaya. Para saan pa't sinabi ko iyon kung babawiin ko lang din? Sana hindi ko na lang sinabi sa umpisa pa lang kung gano'n nga ang gusto kong gawin.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo, pre? Parang may balak kang solusyonan mga problema sa pinas, ah?" sambit ni lance na nagsisindi ng kaniyang yosi. "Pati ba naman trabaho ng presidente gusto mo rin kunin? Grabe ka naman!"

Napangisi na lamang ako at sabay hithit sa nakaipit na yosi sa aking dalawang daliri.

"Gagu." tangi kong nasabi sa kaniya.

Cigarette break kami ngayon tapos maya-maya ay magkakaayaan ng umuwi dahil anong oras na...alas onse na.

"Ano iniisip mo, lucas? May problema ka ba?" tanong ni jaq, na hinahampas hampas sa palad nito ang kaniyang cellphone. Marahil nag aabang ng reply o tawag mula kay xowie.

"Wala," sambit ko sabay taktak ng abo ng yosi sa ashtray na nasa aking gilid. "Mag fa-finals na kasi bukas mga bata ko...ang bilis ng araw."

"Wala raw pero meron 'yan!" ani niccolo na hawak hawak ang kaniyang vape, katabi nito si lance sa sopa.

"Ako nga maraming problema, eh! Gusto mo hati tayo?" ani lance sa akin.

"Pfft, makita nga lang kita nadadagdagan na agad problema ko."

"Tangina, baka crush mo ko kaya gano'n? Hahahaha!"

"Kadiri, kung ikaw lang," sabay tingin ko sa kaniya mula ulo hanggang sa talampakan niyang natatago ng itim na medyas. "Hard pass kung ikaw nga, wala akong patutunguhan sa'yo. Maghihirap lang ako lalo. Mukha ka pa namang adik." dagdag kong biro.

"Luh, adik ka pala lance, eh! Sabagay, tanginang pagmumukha kasi 'yan!" sabat ni niccolo at tinuturo pa ang mukha ni lance.

Nagfake laugh naman si lance.

"Tignan mo nga 'tong mukhang 'to?" wika ni lance habang tinuturo ang kaniyang mukha. "Chixx magnet 'yan! Lahat ng nililigawan ko sinasagot ako! Eh ikaw?" pahiwatig niya sa katabi niya.

"Hoy! Hoy! Walang personalan! Kitang sensitive riyan si niccolo sa ganiyang topic, eh." ani jaq na hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o nagbibiro.

"Sinasagot nga, hindi rin naman tumatagal! Iyang babae mo ngayon? Aysus! Iiwanan mo rin 'yan! Hobby mo 'yon, eh! Kapag problemado ka na bumibitaw agad ang naknampotsa! " sabi ni niccolo.

Bakas sa mukha ni lance ang denial. Hindi siya makapaniwala na gano'n nga siya. Humanap pa siya ng kakampi niya sa aming dalawa ni jaq...pareho kaming hindi kumibo.

"Hoy," malambing na sabi ni lance na halatang peke. "Hindi ako gano'n, ah? Marunong akong lumaban. Isa akong katipunero sa past life ko, front liner ako ni Bonifacio dati sa mga laban niya! Pinaglalaban ko lahat ng minamahal ko! Iyong iba sadyang gano'n talaga kinakalabasan at hindi ko na kasalanan iyon. Seryoso ako sa mga relasyon ko...parang pinamumukha ninyong hindi, ah?!"

"Oh, chill ka lang. Galit ka na agad, eh." sambit ko. "Katuwaan lang."

"Katuwaan daw...e di sana tumatawa 'ko!"

"Ayan hirap din sa'yo lance, eh. Pikunin ka. Kapag ikaw nang aasar, okay lang sa'yo. Kapag ikaw na inaasar, galit ka kaagad." sumbat ko.

"Oo nga! Ang kapal ng mukha talaga nito...tsss!" ani niccolo na may masamang pagtingin pa sa katabi niya. "Grow up, lance! Hindi ka na bata pa! Gurang ka na ngang hayup ka! bonjing bonjing!"

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon