Kabanata 26

58 9 30
                                    

Saglit

•••

I never would've thought that I could be this excited for Mondays after work. Madilim na ang langit dahil bagsak na ang araw. Namumukod tangi na ang mga ilaw mula sa naglalakihang building at mga sasakyan dito sa Makati Ave. Nakakairita man ang madaming stoplight ay hindi ko ito pinansin masyado. Mapayapa ang aking utak ngunit ang puso ko ay tila ba sabik na parang sasabog na bulkan na ilang taon ng nananahimik.

At nandito muli ako sa tapat ng isang pamilyar na lugar. Sa may parking katapat ang coffee shop na pagmamay-ari ni sining. Nakasuot pa rin ako ng aking helmet, tilted ngunit kitang kita ko ang maliwanag na logo ng shop---Teabook. Kita sa pwesto ko ang mga tao sa loob mula sa glass window. Kitang kita ko siyang naghahatid ng inumin sa isang table. Nakapusod ang buhok na mayroon hairnet. Malinis ang pagkakaayos ng buhok...parang naglagay ng baby oil pa nga. Kahit malayo'y kita ang kinang ng kaniyang biluging mata at sa pagkurap niya'y pansin ang mahaba nitong pilikmata na natural lang. Impossible rin hindi mapansin ang kaniyang nunal sa gilid ng ilong...bandang kaliwa. Bawat mahatiran niya'y kaniyang nginingitian ng malapad. Maaliwalas ang kaniyang awra, nakakagaan ng loob. Nakakawala ng pagod kapag nakikita siya...parang tinataboy niya iyong masamang awra.

Lumapit din siya sa lalaking security guard at binigyan ito ng kape. Nag ngitian ang dalawa, nag-usap din. Wala naman akong pakealam sa ngitian at pag-uusap nila dahil alam kong walang nagtatangkang manligaw kay margarita ayon sa kaniya. Ngunit hindi maipagkakaila ang matalas kong tingin sa kanilang dalawa...lalo na sa lalaking 'yon na grabe ang bungisngis habang kausap siya. Buti na lang tilted itong suot kong helmet...walang makakakilala sa akin.

Hindi naman siya nagtagal sa pakikipagkwentuhan sa lalaking iyon at bumalik na sa kaniyang estasyon na ngayon ay nahaharangan nang ilang customer ang pananaw ko sa kaniya.

Parang ewan...I mean, I could only see her face for a split second, but wasn't she crazy beautiful? Iyong ngiti, iyong mata, iyong confidence habang naglalakad na may bitbit na kape. Parang ewan! Boang!

"Tsss, makaalis na nga." sambit ko sa aking sarili.

Habang nakikipag sapalaran sa kalsada patungo kala niccolo, iyong pakiramdam na iyon kanina ay tila hindi umaalis sa akin. Hindi ito kagaya ng dati, tila mabigat ang noon. Ngayon ay magaan lang, sumasabay sa agos ng umaayos kong buhay.

Gusto ko ang ganitong pakiramdam...parang hangin sa magandang byahe na maluwag ang kalsada at mabilis ang takbo. Hangin na nagpaparamdam sa akin na para akong lumilipad. Nakakasabik. At siguro nga'y may pagbugso ng damdamin na minsan ko lang maranasan, pero parang ayaw ko ngayong makawala sa ganitong pakiramdam. Nakakasabik.

At dahil iyon sa pagtingin ko kay margarita, noon at ngayon. Gano'n na gano'n halos hindi nagbago. Pagtingin na minsan ko lang masaksihan, pero kahit minsa'y hindi ko magawang makalimutan. Ang weird! Boang na yata ako?

•••

"Parang ang blooming mo ngayon, pre, ah?" wika ni lance sa akin.

Busy ako sa pagcocode. Hindi rin naman ako nakangiti. Sa sobrang seryoso ko yata sa aking trabaho ay sumasalubong na ang aking dalawang kilay kaya anong blooming ang pinagsasabi ng isang 'to?

"Kwento mo sa laptop mo." nasabi ko na lamang.

Wala pa akong lakas ng loob na magkwento sa kanila tungkol kay margarita o ang pag-amin ko sa kaniya. Una, kilala nila ang tao. Pangalawa, kilala ko sila. Aasarin at kukulitin ako ng mga 'to hanggang sa sabihin ko ang lahat ng nangyari. At ang masama pa ro'n ay aasarin ako kay margarita.

"Oo nga! Parang iba iyong aliwalas mo ngayon lucas!" sambit ni niccolo. Nakikisali.

"Mga boang."

Naririnig ko ang hagikhik ni jaq kaya mas lalo pa akong kinulit ng dalawa. Basta talaga may nag eenjoy sa trip nila hindi sila titigil.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon