Kabanata 4

120 20 9
                                    

You're The Semi-colon To My Statements

•••

Sinimulan na muna namin ang pagbe-brain storming para sa kanilang project. Tungkol sa site at sa document. Gumawa kami sa ilang scratch na bond paper ng outlines at flow chart. Lahat naman sila may mga alam sa programing languages pero mas lamang daw si sayah. Magaling siya sa database at coding sa grupo nila...parang ako lang din.

Habang nagpa-plano sinusubukan ko rin naman sila makilala. Ang magulang ni sayah ay tindero't tindera ng gulay sa may palengke kaya madalas wala ang mga ito sa bahay nila. Ang ate naman niya ay isang call center agent na hapon na umuuwi. Isa rin siyang scholar ng CHED at ng barangay nila. Mine-maintain nito ang grado niyang hindi lalagpas sa dos upang makasama sa latin honors ng school. Si jane, ang papa niya ay isang security guard ng isang derma clinic sa may San Juan, Greenhills. Ang mama naman niya ay isang sari-sari store owner. Siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Kagaya ni sayah, isa rin siyang scholar ng CHED. Si Ande naman, ang mama niya ay isang domestic helper sa Saudi. Nakatira ito sa tita niya at iyon ang nag-aalaga sa kaniya simula noong highschool. 'yong papa niya ay patay na---heart attack. Hindi siya scholar ng kahit anong organisasyon kundi ng mama at tita niya lang.

Ito nakakatuwa sa pagkilala ng isang tao. Hindi mo alam kung ano ang buhay nila hangga't hindi mo tinatanong at hindi nila ito ikinukwento sa iyo. Malalalim na kwento na hindi mo pwedeng ikumpara sa sarili mong buhay dahil magkakaiba ang storya ng bawat isa.

"Ito ba talaga project niyo? Hindi ba't may defense sa capstone tuwing first sem para sa chapter 1 to 3?" tanong ko dahil nagtataka pa rin ako sa project nilang halos wala pang ganap.

"Pinalitan kasi namin sir." tugon ni ande.

"Ahh, kaya pala ganito...halos walang laman. Bakit niyo pinalitan?"

"May hardware kasi 'yong una, sir. Waste separation sana amin. Pumasa naman siya sa unang defense kaso madaming kailangan i-improvise. Ta's madami pang recommendations 'yong panel na halos hindi na rin namin afford kaya nakiusap kami kay sir na kung pwede kami mag software na lang para mas tipid...pumayag naman. Kaso ayon nga...kailangan namin ihanda 'yong sarili namin sa pagtusta." tugon naman ni sayah.

"Madaming butas ang website. Ayan ang pangit kapag software ang capstone project mo kaysa sa hardware." sambit ko.

"Sayang nga lang 'yong una na namin nagastos...mahigit sampung libo rin po 'yon, sir. Ta's bigla kaming bago ng project ngayon...sablay 'yong unang plano." wika niya na natatawa pa nga.

"Ayos lang 'yan. Gano'n talaga buhay. Maraming beses ka muna sasablay bago mo marating 'yong inaasam mong tagumpay. Malay niyo, maganda ang kalabasan ng gawa niyo tapos nagustuhan no'ng college pres, na-implement pa 'yong site niyo sa school."

"Pero tutulungan niyo naman po kami, hindi ba sir?"

Nandito na ako. Nakapagkakilanlan na ang lahat. Ano pa nga bang magagawa ko kundi tulungan ang mga ito tapusin ang kanilang bagong simula sa capstone.

"Oo naman. Tutulungan ko kayo hanggang matapos niyo 'tong capstone." Pagkasabi ko no'n, bakas sa mga mukha nila ang tuwa.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang tatlo. Hinati hati na ang gawain at nagsimula na silang gumawa.

Ito ang nakakatuwa sa mga estudyanteng babae, hindi sila nagsasayang ng oras at panahon. Seryoso palagi sila sa mga gawain nila. Kapag lalaki bihira lang ang gano'n, majority ay kikilos before due, uunahin ang importanteng gawain kagaya ng ml at kung ano mang laro. Alam ko dahil gano'n kami noon.

Pero nakakailang pa rin makasama ang tatlo. Nakakailang maging isang lalaki dito...hindi ako makagalaw ng malaya. Hay nako. Ano ba 'tong pinasok kong sitwasyon? Kakaurat.

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon