Buksan ang Gripo

639 26 5
                                    

Kada may pagkakataon, may ginaganap na pageant sa school namin. Syempre, normal na ang mga modeling-modeling sa ganun, yung may mga rumarampa. Tapos syempre, hindi mawawala ang mga upbeat na tugtugin, para sumabay sa pagkalog ng katawan ng mga dalagang nahihirapan pang gumamit ng high heels o ng mga binatang bumalik sa pagiging sanggol dahil tinuruan ulit silang maglakad.

May kinalaman yung tugtugin na ginamit sa isa sa mga pageant na tulad nun sa title ng compilation na ito. Sabi sa kanta, "No one. Ugly. Allowed."

Nung narinig ko yun, nabulong ko sa sarili ko na napakakapal naman ng mukha nung kanta. Pero na-realize ko biglang ganoon naman talaga ang kalakaran ng mundo. Bawal ang pangit. Sa lahat ng bagay. Sa lahat ng pagkakataon. Nagkakaiba-iba lang sa kung ano ang kahingian para masabing maganda ang isang bagay.

Dito ko tatalakayin ang mga kahingian na iyon. Pero syempre, hindi ko hahawakan ang maselang tema ng pisikal na kagandahan ng tao. Wala akong alam doon. At kung isasama ko yun dito, bawal din pala ako dito.

Anyway, sapat na sa intro yan. Ah, dalawa lang pala ang dahilan ko sa pagsusulat nito: Una, wala akong magamit na laptop (pwera lang ngayon), pangawala, gusto kong patuloy na dumaloy yung pagsusulat ko kahit limitado ako sa phone. Sabi nga sa nabasa kong quote, "Open the faucet to keep the water falling..." or something like that.


Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon