Past, Present, Future

116 5 3
                                    

Kabubukas ko lang ulit ng Wattpad ko kasi nag-post ako tungkol sa sinusulat kong kwento ngayon (available na in one month, exclusive only in Wattpad). Pero, dahil nagulat akong iba na ang interface ng app na 'to, napag-isipan kong i-explore muna 'to gaya ng ginagawa ng lahat sa mga bagong lugar na napupuntahan nila. Una tinignan ko muna yung notif ko, at kinilig ako kasi may nagla-like--este, bumoboto pa sa mga gawa ko. Nagsusulat lang naman ako as my passion, kaya salamat sa pagtanggap sa mabahong resulta ng passion ko.

Ang sinunod ko namang pinuntahan ay yung library ko. Ang dami ko nang hindi nababasa! Nakaka-frustrate lang kasi... sandali lang. Bakit ako nagkukwento? Ano 'to, diary?!
Anyway, dahil sa "bumalik" ako dito sa Wattpad, naalala ko bigla yung napag-usapan naming magbabarkada noon isang beses pagkatapos ng klase: Ano ba pagkakaiba ng past (nakaraan), present (regalo (joke lang)), at future (hinaharap)? At gusto kong i-share dito ang napagdiskusyunan namin.
*ehem*

Una: Ang buhay ng tao ay nadidiktahan ng dalawang bagay: yaong kaya niyang pakialaman, at yaong kaya niya lang masdan. Ang kaya niyang pakialaman ay ang kanyang regalo at hinaharap, mga panahon sa buhay ng tao na may kaya pa siyang baguhin. Habang ang nakaraan naman ay kaya niya lang pagmasdan. What's done is done, ika nga ni Weaver. Bakit? Lohikal naman ang sa nakaraan, kasi paano mo ibabalik sa loob ng lalagyan ang sumobra mong napisang toothpaste? Nakaka-badtrip 'yun, 'no? Pero ganoon talaga. What's done is done, ika nga ni Weaver. Pero, good news, hindi kasi tulad ng nakaraan, ang hinaharap at regalo mo ay pwede mo pang pakialaman! Kumbaga lamang ka ng 2/3 sa buhay! Paano? Well, logical naman. Nasa sa'yo kung pipisain mo nang banayad ang lagayan ng toothpaste o hindi ka na lang magtu-toothbrush (walang huhusga sa'yo, promise). Ang resulta, hindi ka badtrip.

Ikalawa: Ang buhay ng tao ay nailalatag sa dalawang hanay naman: yaong kaya niyang makita, at yaong malabo o madilim pa. Ang regalo at nakaraan mo ay hubad na nakalahad sa'yo. Itong dalawa lang ang mahahatakan mo ng aral, kasi ito pa lang ang nararanasan mo. Experience is the best teacher, ika nga. Samantalang ang hinaharap ay madilim na kweba na siguradong matitisod ka kung lalakaran mo.
Base sa dalawang nauna, ito ang konklusyon:
A. Past is when you learn without doing;
B. Future is when you work without learning; and lastly,
C. Present is when you learn if you do, or you can't if you don't.

Pero, ano ba ang past, present, at future? In differentiating them, it is imperative for us to know what they are. Kaso nga lang, kung pag-iisipang mabuti, mahihirapan kang malaman ang tatlong 'to. For example, ang kahapon ay nakaraan na, walang duda. Ang kanina, nakaraan na rin, walang duda. Pero, ang isang segundo bang lumipas, nakaraan na? Ang huli mong pagkurap, walang dudang lumipas na, pero nakaraan na ba? Ang huli mong paghigop ng hininga, walang dudang lumipas na, pero nakaraan na ba? Kung gayon, hindi ba't parang wala tayong namamalayan kundi ang nakaraan lang? Ang nakaraan lang ba ang tanging katotohanan?

Sa hinaharap naman, ang kinabukasan ay sa hinaharap pa, walang duda. Ang mamaya, sa hinaharap pa rin, walang duda. Pero ang susunod na isang segundo, o ang susunod mong pagdilat, o ang susunod mong pagbuga ng hininga, walang dudang hindi pa dumarating, pero nasa hinaharap pa ba? Kung gayon, hindi ba't parang hindi na darating ang hinaharap? Ang hinaharap ba ay kathang isip lamang? Masakit na ba ang ulo mo? Paano kung iisipin mo pa kung ano ang regalo! Base sa description natin sa past at future, wala na tayong present! Hala ka! Pero, 'wag kang matakot. Dahil sa komplikadong katayuan ng regalo, may mahahanap tayong common ground ng tatlo.

Existing ang present, don't worry, kaya masasabi nating mali ang basehan natin ng description sa past at future. Hindi sila base sa oras o sa pangyayari. Base ito sa kakayahan nating gumawa, at ito ang common ground ng tatlo. Ganito 'yon: kung wala ka nang magawa, past na iyon. Kung wala ka pang magawa, future iyon. Kung may magagawa ka pa o magagawa na, kasama pa o na sa regalo iyon. Simple lang, 'di ba? Komplikado pa rin, actually. Biruin mo, nasa sa mga kamay mo lang kung ano ang nakaraan, regalo, at hinaharap mo. Kung ayaw mo na, past iyon. Kung gusto mo na, future iyon. Kung gusto mo pa, present iyon.

Teka...

Hindi ba't ganoon naman talaga? Hindi ba't nasa mga kamay talaga natin ang past, present, at future natin? Hindi ba't nasa mga kamay natin kung anong gagawin natin sa buhay natin?

O, ano pang ginagawa mo? Kumilos ka na! Hawak mo ang regalo mo at iyon ay ang iyong kasalukuyan, at ngayon ka may magagawa na at magagawa pa!

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon