Bakit Kailangang Patayin ang mga Drug Suspect

78 4 0
                                    

Guys, sa maniwala man kayo o hindi, naisip ko na kung bakit justifiable ang pagpatay sa mga drug suspect, kahit pa 'yung tipong mapapatanong ka, "Pa'no nanlaban 'yun, e Grade 11 palang 'yun?"

Hindi n'yo ba napapansin, sa tuwing may report ng mga pinapa--este, napapatay na drug suspect, ang tanging dahilan ng mga pulis ay nanlaban ang mga ito? At laging may baril ang mga iyon, at kasama ang dalawang sachet ng shabu (dapat dalawa lang, baka hindi kaya ng budget ang tatlo). Isa lang ang ibig-sabihin n'on: frame up lang ang mga nangyayaring paglaban ng mga iyon. Oo, hindi sila nanlaban. At hindi totoong konektado sa droga ang mga di-umaano'y drug suspect. Madali lang makita iyon, 'di ba? Open your eyes, guys. Pinapatay sila ng mga pulis hindi dahil sa drugs o sa nanlaban sila...pinapatay sila dahil sila ay mga super villains.

At ang mga magigiting nating pulis ay tinatago lang sa dalawang pakete ng shabu ang katotohanang mga kriminal na may super powers ang mga pinapatay nila, despite ng mga backlashes na matatanggap nila. Bakit? Malamang, dahil ayaw nilang matakot ang buong bayan sa threat na dala ng mga naglipanang super villain. Mas pinipili nilang galit at awa ang mangibabaw sa puso ng mga Pilipino, imbes na mabuhay tayo sa takot.

As evidence, isipin mo na lang 'yung latest na big news ngayon, 'yung tungkol kay Kian. How can a Grade 11 student be a threat to our police force forcing them to kill this young man? Kung hinala mong trip lang ng mga pulis matakot sa kanya, nagkakamali ka. Threat siya, dahil isa siyang super villain. Justified, right? His very presence should still be considered a threat, kahit pa ang ginagawa lang naman niya ay nag-aaral siya at nangangarap na maging pulis.

Super villain siya, sampu ng iba pang mga nakakapagtakang pinatay ng mga pulis. Super villains sila. Dapat. Dahil kung hindi, masyado nang malabo kung sino ba ang mga tunay na kriminal--silang walang damit o silang unipormado? At kung hindi, nawa'y hindi matapos sa pagiging big news lang ang kwento ni Kian. Pero, 'wag na tayong mangamba, dahil super villains sila...'yung mga drug suspect.

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon