Umaga

352 21 7
                                        

"Good morning."
"Anong good sa morning?"

Pamilyar ba ang diyalogong yan? Siguro na-perceive natin yan as a joke, dahil madalas naman talagang joke lang yan. Pero, dahil mukha akong ewan, hindi ko mapigilang isiping kung maganda nga ang umaga nila, bakit nila natanong kung anong maganda roon? At ano nga bang maganda sa umaga? Isipin mo, yun ang unang part ng araw mo. Syempre, wala ka pang mae-experience na kahit na ano--maganda man o nakakasira ng mood, 'di ba?

Hindi po. Pagkagising mo pa lang sa umaga,  marami ka nang mae-experience.

Una, ano ang iyong unang nakita? Kisameng maagiw? Kumot na wala na sa katawan mo? Maliwanag na bintana? Kahit ano pa yan, ang katotohanang may nakikita ka pa ay isang dahilan na para maging maganda ang umaga mo.

Pangalawa, ano ang una mong nararamdaman? Mabigat na katawan? Malambot na higaan? Masakit na ulo? Kahit ano pa yan, dahil may nararamdaman ka pa rin, sapat nang dahilan yun para maging maganda ang umaga.

Pangatlo, ang paggalaw ng abdomen mo dahil sa paghinga. Oo, ang paghinga ay isa rin sa dahilan ng magandang umaga. Buhay yan e, at ang buhay ay maganda.

Pero, hindi ang karanasan sa mga yan ang tunay na magpapaganda sa umaga mo. Alam nyo kung ano? Pagpapasalamat. Opo, kung matututunan nating ipagpasalamat ang lahat nang yan sa umaga, gaganda na ang umaga mo. Appreciation of those small things fills the smallest cracks in our hearts.

Gaganda na rin ang araw mo pagkadaka. Kaya good morning! :)

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon