Fear and Anger

129 8 0
                                    

Pag-usapan natin ang dalawa sa mga bagay na maselang katangian ng tao: takot at galit. Bakit maselan? Isipin mo na lang na ang emosyon ng tao ay isang vertical spectrum, kung saan ang galit ang nasa pinakababa at ang takot ang nasa pinakataas. Ibig kong sabihin, galit ang pinakamababang uri ng emosyon, at takot naman ang pinakamataas, kung gagamitin nating measurement ang respetong binibigay natin sa mga bagay. Maselan, dahil kung alam mo ang kinagagalit at kinatatakutan ng isang tao, kilala mo na kung sino siya.

Kaya galit ang pinakamababa ay dahil sa (kunwari nagpapaliwanag ako, at kunwari sumasang-ayon ka), at kaya naman takot ang pinakamataas ay dahil (ang galing kong magpaliwanag, at nakukumbinsi kita).

In short:
1. Mga bagay na kinagagalit natin = pinakamababang respeto ang binibigay natin
2. Mga bagay na kinatatakutan natin = pinakamataas na respeto ang binibigay natin

So, next time na magalit ka sa boss mo, kaibigan, kakilala o magulang, isipin mong ang respetong binibigay mo sa kanila ay pinakamababa na. Hindi dapat ganoon. Kung magagalit ka, 'wag sa tao, dapat e sa ginawa niya.

Kung matatakot ka man sa lumilipad na ipis, exams, at pressure ng lipunan, isipin mong yung bagay na yun ang pinakanirerespeto mo. Hindi dapat ganoon. Sa Diyos ka lang dapat matakot.

Gets niyo ba? Sorry, hindi ako makapag-isip ng maayos.

Dagdag:

A. Pinakamaliit man o pinakamalaki, ang respeto ay respeto pa rin. Yung emosyon na walang respeto, panghayop na. Wag tatanggalin ang respeto.

B. Paano naman ang pag-ibig? Hindi ba iyon ang pinakamataas na uri ng emosyon, at hindi takot? Maling akala 'yan. Ang pag-ibig ay hindi emosyon. Isa itong uri ng mindset, parang optimism o pessimism. At ito ang pinakamataas na uri ng mindset. At, katulad ng lahat ng mindset, nakakaapekto ito sa emosyon ng tao. Kung ang optimism ay nagpapagana sa upper-half ng vertical spectrum na nabanggit ko kanina, at ang pessimism naman ay sa lower-half, ang pag-ibig naman ay nagpapagana sa buong spectrum na iyon. Ang ibig-sabihin, hindi natin nararamdaman ang pag-ibig. Bagkus, dahil sa pag-ibig, nakararamdam tayo, at nararanasan natin ang kasaganaan ng mga damdaming iyon.

Yun lang.

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon