Kalooban

216 12 3
                                    

Disappointments. Yan yung dahilan ko dati kaya ako gumawa ng blog. Naisip ko noon na yung disappointments at frustrations ko ay pwede kong isulat, tapos sa dulo e may advice akong ibibigay. Kaso walang nangyari, kasi una sa lahat wala pa akong experience noon para maging credible ang advice na ibibigay ko. Kaya ayun, tinigil ko na lang. Nakaka-disappoint.

Disappointment. Iyan din ang dahilan kung bakit ko sinusulat ito, pero hindi ako disappointed ha. Inspired nga e, ahehe. Anyway, may simple akong tip para mapaganda ang kalooban n'yo. At iyon ay ang pagngiti.

Smile. Sabi sa mga nababasa kong research at quotes, ang pagngiti ay may magandang maidudulot sa biological at psychological aspects ng tao.

Biologically, mas maayos na dumadaloy ang dugo sa mukha natin kapag nakangiti tayo; hence, mas maraming oxygen at nutrients ang dumadaloy doon. Resulta? Mas magmumukha tayong radiant. Hindi ko alam kung maganda yun pero para sa'kin, basta mas dumadaloy ng maayos ang dugo, mas maganda.

Psychologically, ang pagngiti ay makakatulong sa estado ng pag-iisip natin. Ang isang ngiti ay nakababawas sa mga negatibong isipin natin, tulad ng pagkaburyong, pagkabalisa, at kalungkutan. Kahit pa pilit na ngiti ay makakatulong. Just keep the form natural. FYI, iba ang natural smile sa smiling naturally, though mas mabuti yung former.

So, paano ka ba ngingiti, despite ng mga nakakasimangot na katotohanan sa buhay natin? Ito ang dalawang tips:

1. Una, mag-isip ka ng mga magagandang pangyayari sa buhay mo o basta masasayang events. Pwede ring ngitian mo yung reflection mo.

2. Tumingin ka sa pictures ng mga nakangiti. Pwede mong i-google ang salitang "smile" para marami kang makita, huwag lang smile.jpg kung ayaw mong mabangungot. Ang pagngiti kasi, gaya ng hikab, ay nakakahawa. <hikab>

So, ayan. Sinong makapagsasabing ang pagngiti ay malaki ang maitutulong sa atin? Alam n'yo bang may inimbentong salamin sa Japan kung saan e makikita mo yung reflection mo na nakangiti slightly kahit naka-neutral face ka? Ganoon kasi kalaki ang tulong ng ngiti. Tama ang kanta, smile though your heart is breaking.

Kapag nakakabasa ako ng comment na natuwa kayo sa sulat ko, napapangiti ako kasi nai-imagine ko na nakangiti kayo, kahit wala kayong mukha sa imagination ko.

So, smile, for whatever reason. :D

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon