Mga Bagay sa Paligid

278 16 2
                                    

Hinihiling mo ba minsan na sana magkaroon ka ng super powers? Yung sana makalipad o makapag-teleport ka papuntang school kasi dyahe bumiyahe sa MRT/LRT? O sana mapatigil mo ang oras para mapagmasdan ng matagal ang crush mo o ano kaya maka-tsansing ka (huehuehue, :3)? O sana makapagbasa ka ng isip ng tao tapos mababadtrip ka lang kasi wala namang kwenta yung mga yun? Well, unfortunately, hindi maaring mangyari yun (not strictly impossible, though).

Contrary sa conspiracies, hindi tayo magkakaroon ng super powers pag nagamit na natin ang 100% ng utak natin, kasi seldomly nangyayari na yun (at walang super powers na lumalabas).

Pero, alam nyo bang may kakaibang kakayahan ang utak natin na magpapabago sa pagtingin natin sa mundo? At yun ay...<DRUM ROLL>...ang baguhin ang pagtingin sa mundo.

May sapat na neurons at brain activities sa utak natin para makapagdesisyon kung paano natin matitignan ang mga bagay sa paligid. Pangit ba ang tae ng kalabaw, o geometrically at agriculturally maganda yun? Ang pagpatay ba sa hayop ay pangit, o instinctively maganda yun?

Hindi ko alam kung tama bang maganda ang mga nasa paligid natin o pangit, at hindi naman natin talaga malalaman kung anong pangit at maganda. Pero, may isang katotohanang umaalingasaw sa gitna ng magulong usapan na ito: tayo ang pumipili kung paano natin tinitignan ang mga bagay. Pangit ba o maganda? Tayo ang makapagsabi sa sarili natin.

Ingat nga lang mga kaibigan. Kung pipiliin nating tignan ang LAHAT ng bagay bilang maganda, mapapahamak lang tayo. Dapat may mga bagay pa ring pangit para sa'yo. To choose our perspective on things is a great power, and it comes with great responsibilities, especially to ourselves. Balanse lang dapat. Mas maayos kung alam mo ang pangit at maganda sa mga bagay na nasa paligid, though hindi yun ganoon kadali.

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon