sincerity

163 9 0
                                    

Wala akong pakialam kung masama o mabuti kang tao. Hindi ko papansinin kung tama ba o mali ang ginawa mo. At mas lalong hindi kita huhusgahan kapag nagsinungaling ka ba o nagsabi ng totoo. Pero, kung nagsalita o gumawa ka nang bagay nang walang sincerity, ay, ibang usapan na iyon.

Sincerity is the quality of being free from hypocrisy. Sa ibang term, ang hindi pagiging plastic. Mahirap gawin, 'di ba? At huwag mo nang kumbinsihin ang sarili mo na nagagawa mo 'yan, dahil ilusyon mo lang iyon for self-gratitude. Pero, hindi ko naman sinasabing hindi ka pa naging sincere sa buhay mo. Kasi, lahat tayo, at least once, naging sincere, and it might be the most beautiful thing we did.

Raw feelings. Mga damdaming hindi mo alam kung saan nanggaling, o hindi mo mapigilan. Galit. Saya. Lungkot. Kapayapaan. Ang mga ito ay ang pinakamagagandang bagay dito sa lupa dahil iyan ang pamantayan ng sinseridad. Kaya nga sinasabing ang pag-ibig ang pinakamaganda at higit sa lahat. Kapag umibig ka kasi, lahat ng damdaming mararamdaman mo e bubukal sa puso mo; lahat, raw feelings. Kung nagmahal ka and you acted upon it, naging sincere ka na.

Kaya kung masama ka man o mabuti, be sincere about it. Hindi yung naging masama ka kasi takbo ng sanlibutan. Nagkamali ka? Okay lang 'yan, basta alam mong mali ka at nagawa/ginawa mo ang maling iyon nang tapat. Paano naman kung sinungaling ka? Okay lang din 'yan. May mga taong nagsasabi nang totoo pero yung purpose e iba sa sinasabi nilang dahilan. Mga plastic. Tss. At least kapag nagsinungaling ka, hindi ka bumibitaw sa purpose mo.

Kaya para sa akin, dalawa lang ang uri ng tao: ang mga sincere, at ang mga pangit. At bawal ang pangit dito.

Bawal ang Pangit DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon