Para raw gumanda nang gumanda ang pagsusulat, dapat ay patuloy ka lang magsulat. Walang dahilan para hindi ka magsulat. Oo, kahit pa writer's block pa yan. Kasi kahit naman anong gawin natin, bilang manunulat e palagi tayong may gustong isulat. Kahit ano pa yan, kahit sobrang ikli o nakaririmarim pa yan.
Hindi naman masasayang ang tuloy-tuloy na pagsusulat ng kahit na ano, maski nang walang kabuluhan. Wag kang matakot mag-explore sa sarili kong istilo. Wag kang matatakot maligaw, kasi paano mo nga naman masasabing nasa tamang lugar ka na kung hindi ka naligaw?
Ang sabi sa nabasa kong manga, kapag hindi raw nagpraktis ang pianista ng isang araw, tatlong araw ng skill niya ang mawawala sa kanya. At, bilang kapwa artist ng mga iyon, masasabi kong ganoon din sa mga manunulat na tulad natin. Kaya sulat lang. Buksan mo na ang gripo dahil hindi tutulo ang tubig d'yan kung nakasara yan.
BINABASA MO ANG
Bawal ang Pangit Dito
Ngẫu nhiênEssays po sa kung paano mapapaganda ang buhay mo. Well, mostly.