Chapter 00

58 4 0
                                    

Dreams outweigh the broken heart



I heaved a sigh as I waited for my beau inside a milk-tea shop in our municipality. I was sweating bullets while constantly checking my wristwatch. I texted Josh to meet me at 3 pm, and now it's already 55 minutes past two. I know now that a minute later he'll be opening the door because he's never late. He's always on time.



True to that, I saw him outside. He even waved at me. And as soon as he got near me, he placed a kiss on my forehead. Napangiwi ako. Hindi dahil sa ayaw ko sa halik nito, kundi dahil sa nararamdamang kaba.



"Ano 'yan?" Kuryoso niyang tanong habang nakaturo sa envelope na nasa ibabaw ng mesa. Bumuga muna ako ng hangin. "Order muna tayo?" I said, trying to evade his question. Because I know, he'll never like what's inside.



"Okay. Anong gusto mo?" Tanong niya saka pinasadahan ng tingin ang menu. "Isang matcha milk-tea lang," I answered him saka siya ngumiti at tumango saka tumayo. Inilahad ko ang perang dala pero mabilis itong umiling. "Ako muna manlilibre, okay? Next date, ikaw naman." Tumango lang ako pero ang nagbabadyang luha ay halos di ko na mapigil. Buti nalang ay pumunta na ito sa cashier. Mabilis kong pinalis ang luha ko saka ngumiti.



This is it, Asha. I hope this goes well.



"So, ano nga iyan?" Pag-uulit niya. Sa nanginginig na kamay ay inilahad ko rito ang envelope saka siya sinensyasan na buksan ito.



He grabbed it and opened the envelope where a letter was placed. I saw how his forehead creased and then few seconds later, madness or maybe disappointment was written on his handsome face.



"Natanggap ka as a scholar?" He probed and I nodded in agreement.



"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to, Ash?" I nodded again. "I know, pero I sent my requirements pa rin hoping for the best." I said.



"Oh tapos? You got the best na nga. Now, what's your plan?" He sounded sarcastic. I blew a harsh breathe before I answered him.



"I'll enroll there and try to sustain the scholarship till I graduate," I said with convection. I made up my mind.



"This is clearly a betrayal, Asha Miami. I thought we've cleared the clouds over this matter, pero you secretly sent your papers pala?"



"Because you weren't supportive of my dreams, Josiah Aurelius!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.



"Wow. Sorry ah? Ayaw ko lang namang mawalay tayo eh! The future scares me!"



"Ako ba? Akala mo ba hindi ako natatakot? Takot ako Josh pero, this is my dream. Gusto ko 'tong abutin." I said, at ang traydor kong mga luha ay nagsituluan na.



My sight is blurred now pero kitang-kita ko ang pamumula ng sulok ng mga mata ng kasintahan. Why does this hurts so much?



"Bakit pa kasi kailangan mo pang sa kabilang ibayo mag-aral?" He queried. Paulit-ulit na tanong. Punyeta. Ilang beses ko na ring sinagot pero parang ayaw pa rin tanggapin ng utak ni Josh na may sense naman kung bakit ko gagawin 'to.



"Bakit hindi roon?" I fired back. Napasinghap ito at ginawaran ako ng seryosong tingin. I equaled his stares.



"Magkakalayo tayo!" He reasoned out na ikinailing ko. Ang babaw. Pwede namang mag-LDR. Mag text or tawag.



"A-akala ko ba mahal mo ako Josh?"



"I do, mahal kita Ash kaya nga ayaw kong magkalayo tayo." He said as tears streamed down his eyes. Inabot ko ang kanyang pisngi saka pinunasan ang luha. Hinawakan niya ang kamay ko.



"Please Ash?"



"Wala ka bang tiwala sa 'kin?"



"Meron." Mahina niyang sagot. Tila pabulong na. Parang wala naman. Kasi kung meron, papayagan at susuportahan niya ako. At kung kami man talaga sa huli, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan. So I need to do this now. This is inevitable.



"Kung mahal mo 'ko, ba't ayaw mo 'kong suportahan?"



"Kung mahal mo ako Ash, ba't hindi ka nalang din dito mag-aral?" He asked back.



"Goodness Josh! Wala nga rito ang pangarap ko!" Agap ko. "Pero mahal mo naman ako. Hindi ba 'yon sapat para mag stay ka?" Tanong niya.



"Mahal kita at mahal ko ang pamilya ko kaya ko 'to ginagawa. Can't you see? Mapapakain ba tayo ng pagmamahal natin ngayon Josh? Ilang sandali lang naman tayong magkakahiwalay. Hindi ba pwedeng magtiis muna?"



"Hindi. Ayaw ko pa rin, Ash. I can suck up all of the hurdles in life with you pero pag wala ka? Ewan ko. Hindi ko kaya." He said crying.



Tangina. I bit my lower lip. "Then, let's break up," I finally said. Napanganga ito sa turan ko. Gusto ko siyang lapitan at aluin pero I have to do this. This is my dream. I've always longed to achieve it no matter what.



"Tangina" — he cursed. "Josh, let's break up." Pagputol ko sa kung anuman ang sasabihin niya. Ni hindi ko na maklaro ang mukha niya. Ang sakit sakit lang. Hindi na sana kailangan ito, kung sana lang suportado niya 'ko.



"Fine then. Let's break up. Pero please lang, huwag ka ng magpapakita sa 'kin Ash. Magkalimutan na tayo." Pagpayag niya. Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na ito at lumabas. Ni hindi na nito nagawang inumin ang order na milk-tea. Not that it matters.



Nagpunas muna ako sa aking mukha bago tumayo. Muntik na akong maduwal dahil sa panghihina pero pinilit ko ang sarili na lumabas na. Kinailangan ko pang hawakan ang di bdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman. I then looked at the cashier and smiled. She gave me a sad smile. She probably heard our conversation, huh.



Well, this is really goodbye. I said in my mind as I close the door to leave.

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now