Chapter 16

3 0 0
                                    

Invite


"Sure ka bang okay lang sayo na maghintay?" I probed. May dalawa't kalahating oras pa na aantayin before ang out ko kaya nakakahiya kung sakaling hihintayin nga niya ako.

"Oo nga. Sa clinic na lang muna ako ni Ate tapos pag quarter to 11, sa labas na ako ng lab." Sagot ni Josh. "Ha? Ako nalang pupunta sa clinic ni Ate Jersh." Pagpipilit ko.

"Aww." I muttered as he softly flicked my forehead. Sinamaan ko siya ng tingin. Nangingiti lang ang damuho. "Bilis na kasi. May nanliligaw bang ang babae ang papupuntahin sa kanya?"

"Fine, then." Pagsuko ko saka tumayo na. Tumayo na rin ang lalaki saka kami lumabas at tinungo na ang laboratory. Hinatid pa nga ako nito kahit sinabihan ko na huwag na nga. "Antayin kita rito later, okay?" Masuyo niyang saad. "Okay." I answered saka niya binuksan ang pinto ng lab (staff entrance) saka ako pumasok na.

Saktong pagpasok ko naman ay may for crossmatching na dalawang unit ng blood bag sa iisang patient lang. Naghanda na ako ng mga gagamitin saka nagsimula na sa procedure. Chineck ko muna ang serial number, segment number, expiry date and kung anong blood type ni patient and donor at kung anong component ito.

Crossmatching takes time dahil need pa na i-incubate for 15 minutes at i-centrifuge. By the time I finished the procedure, malapit na mag 11 pm. Buti nalang compatible ang dalawang unit kaya niprint ko na ito at nilagay sa hanay ng mga lab results for in-patient department.  I then proceeded to dusting. As a medtech, hindi pwedeng madumi ang work area. And knowing all the microorganisms lurking around everywhere? Ewan ko nalang if di ka maging clean-freak and conscious sa paligid mo.

Saktong nakarating na rin ang night shift duty na medtechs ay nag-endorse na rin ako. Afterwards, kinuha ko na ang mga gamit sa locker saka nagpaalam na at lumabas.

When I got out, I saw Josh leaning at the side with his hands placed in the pockets of his jeans. "Hi," he greeted. "H-hi." I greeted back. "How are you?" He asked. I smiled. "Pagod. I wanna rest na." I said and yawned.  "Kawawa naman." Sabi nito at lumapit sa akin. "May I?" Saka kinuha ang bag na dala ko. "Thank you."

Naglakad na kami palabas ng hospital pero bago iyon ay nag-time out muna ako. Matapos niyon ay nagtungo na kami sa sasakyan. Pinagbuksan pa ako nito ng pinto.

I closed my eyes after I was seated. Nang pumasok na siya ay ibinuka ko na ang mga mata. He started the engine and off we go.

"Nabasa mo ba text ni Claude, Ash?"

"Hmm?" Then, I took my phone out of my bag and opened my message app. I saw Josh' forehead creased. "120 unopened messages?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh sorry, nahagip lang ng mata ko." Hinging paumanhin nito na natatawa pa.

"Yeah. What of it?" Mataray kong saad dito. He let out a chuckle. "Nothing. Its just that, di ka pa rin nagbabago. Di ka pa rin palabasa ng texts."

"Iyan din sinabi ni Claude. Eh sa ang daming texts na galing sa scammers eh." Reklamo ko saka binuksan na ang text ni Claude.

From: Claude
Hoy, kain tayo sa tabing-ilog. Free ka ba sa Saturday?!

Nangunot ang noo ko. Ba't parang galit ang isang 'to? May exclamation point pa nga.

To: Claude
Ba't ka galit?! Oo, free ako. 😡😡

Nang matapos ay sinend ko na ito. Ilang minuto lang ay nag vibrate ang phone ko. Tumawag pa nga!

"Hello?"

"O?!" Singhal ko rito. Natawa naman si Josh sa tabi.

"Hala, bat ka galit? Saka sino iyong tumawa?!"

"Anong sinong tumawa? Baka minumulto ka na?" Biro ko.

"Sus. Parang tawa iyon ni Josiah, ano? Kasama mo 'no? Yieeee." Tudyo pa nito. "Parang bakla." Balik ko rito.


"Heh! Basta sumama ka ah. 4 pm na sa Sabado para di mainit. Magdala ka ng pagkain na nags-start sa first name mo."


"K. Daming pauso."


"K, din. Bye! Mag ingat iyang sundo mo sa iyo."


"Che. Bye!" Then, I hung up.


"Sasama tayo?" Tanong ng katabi ko.

"Ako sasama. Ewan ko saiyo." Pagkikibit-balikat ko pa. "Kung san ka, siyempre sasama ako."

"K."


"Sungit." Natatawa niyang turan saka nagpokus na sa pagdadrive. "Susunduin kita bukas ah?"


Tumango ako. "Pagod yarn?" Tukso pa nito. Sinimangutan ko nga. Bigla na lang niyang kinuha ang isang kamay ko saka dinala sa kanyang labi. "Kawawa naman ng baby ko."


"Heh!" Tanging nasabi ko nalang dahil sa kilig. Gaging Josiah 'to. Kakagulat.

"Anyways," patuloy niya sa pagdada habang hawak pa rin ang isang kamay ko. "Okay lang na mag motor tayo tomorrow?"

"Hmm, siyempre naman."

"Hmmm okay." Sagot niya. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay at nagpaalam na ako rito. "I'll call after I get home. Will you sleep na agad?"

Umiling ako. "Antayin ko tawag mo." Napangiti ito sa sagot ko saka tumango. "Okay, baby. Pasok ka na saka ako aalis."


"Thank you, Josh. Ingat sa pagdadrive." I gave him a smile. "You're always welcome." Afterwards, I closed the car's door and went inside.

Naligo muna ako saka nag-blow dry ng buhok nung tumunog ang cellphone ko. Inayos ko ito at ni-loud speaker.

"Hi," bati nito.

"Hi, you home na?"


"Yes po. What are you doing? Pwede tayong mag videocall?"

"Skincare routine lang. Omki."

Binaba nito ang tawag saka tumawag gamit ang messenger.

"Better." He said as soon as I answered. "Ganda-ganda naman."

"Weh? Pagod na nga galing duty eh." Reklamo ko. Saka ako nagsimulang mag reklamo sa naging ganap sa araw ko. Kesyo may toxic na patient saka daming for STAT na lab tests.

"Awww. Tulog ka na kaya? Kawawa naman. Di bale, off mo naman."

"Kaya nga, eh. So, bye na?"

"Huwag mo nalang ibaba? I'll watch you sleep."

"Okay. Good night, Josh."

"Good night, Asha. I love you."



—————————————————————-
Will try to update this more often. My internship is about to end so I guess more time in writing and planning how the story goes on. Thank you for reading till here!

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now