Chapter 02

35 4 0
                                    

Alumni homecoming




"Maraming salamat!" sabi ko at lumapit sa kanila. Una kong nilapitan ang kapatid saka niyakap ito.



"Namimiss kita, naging mabait ka ba kanila Mama at Papa?" tanong ko rito at kinumos ang pisngi niya.



"Opo ate," magalang niyang sagot at lumayo sa pagkakayakap ko. Asus. Porke nagbibinata na.



"Hi," bati ko sa mga kaibigan. Nangingiti naman silang lumapit lahat sa akin at niyakap ako. Ipit na ipit naman ako pero walang reklamong namutawi dahil namiss ko talaga sila.



"Namiss ko rin kayo." sambit ko.



"Namimiss kita Ash. Lalo kang gumanda." bulalas ni Rita. "Mas maganda ka pa rin." balik ko rito. Tumaas-taas naman ang kilay nito. "I know right?" sagot niya na ikinatawa namin.



"Lei, kumusta?"



"Gaga, namimiss kita." sagot niya saka dinamba ulit ako ng yakap.



"O siya, tama na muna ang kumustahan at kainan muna." hayag ni Mama. Umusal naman ng dasal ito bago nagsimula ang kainan.



May mga lamesa sa labas ng bahay na pwedeng kainan kaya doon kami pumwesto ng mga kaibigan.



"In fairness ah, mas pumuti ka sa siyudad." komento ni Rita. I chuckled at that.



"Anong gamit mo sis?" dagdag niya.



"Kojic," biro ko.



Nagtawanan naman kaming magkaibigan habang kumakain.



"Congratulations nga pala sa'ting lahat. Sorry 'di ako nakadalo sa graduation ninyo." hinging tawad ko sa kanila. Nangako pa naman ako kaso internship days ko 'yon. Hindi pwedeng umabsent at baka may extension pa na sanction.



"Okay lang, patas naman tayo." sagot ni Claude. Siniko ko naman ito dahil siya ang katabi ko.



"Aray, mapanakit ka pa rin Ash." reklamo niya.



"Austin, ba't ang tahimik mo?" obserba ni Leila.



"Wala, naninibago lang na andito na ulit si Ash." nakangiti nitong usal saka sumubo na ng pagkain. Ngumiti ako rito.



"Sayang at kulang tayo ano?" sambit ni Claude na sinapak ko ulit sa pagiging matabil.



Sinimangutan ko kaagad ito.



"Biro lang," naka-peace sign niyang bawi.



Nagpatuloy ang kasiyahan sa bahay hanggang sa mag-gabi. Nilagyan pa nga kami ni Mama ng beer sa lamesa kaya medyo nakainom ang mga kaibigan nang umuwi.



"Ingat kayo ah? Austin, Claude, hinay-hinay sa pagpapatakbo." bilin ko sa kanila dahil sakay pa naman nila sila Leila at Rita.



"Sige. Salamat ulit Ash."



"Kita-kita nalang ulit." sabi ko saka naman nila pinaandar ang mga motor at umibis na.



Pumasok na kaagad ako sa bahay at tinulungan sila Mama sa paglilinis kaso sinaway ako at kaya na daw nila. Pagod pa raw ako sa byahe kaya magpahinga nalang kako ako.



Gaya nga ng sabi ni Mama ay nagpahinga na 'ko. Pagpasok ko palang sa kwarto ay napangiti na kaagad ako. Namimiss ko ang kwartong 'to sa apat na taon. Lagi akong nananaginip na nakahiga ako sa kama ko rito sa probinsya ngunit pagkagising ay namumulat ako sa katotohanan na nasa ibang lugar ako.



Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now