Chapter 09

34 3 0
                                    

Betrayed




When tomorrow came, I swear the whole house has been so busy. Akala ko may pa-catering lang sila Ma pero may pa lechon pa pala. Naiiyak pa akong dinamba ng yakap ang magulang. "Ang bongga naman!" Hindi ko makapaniwalang saad.




"Ikaw pa. Lakas mo sa amin!" Natatawang sagot ni Mama. Papa then kissed my forehead. I giggled. "I love you Ma at Pa." Hindi ko napigilang sabihin.




"Mahal ka rin namin, anak." Ani Mama. "Ang unica hija ko..." Naiiyak na untag ni Papa. Asus. Ang aga-aga pa pero heto kami at nagdadrama. "Oh siya. Gisingin mo na si Kiko." Utos nila kaya sinunod ko na. "Hoy! Gising na. Magtatanghali na!" Panggigising ko sa kapatid. Pupungas-pungas pa itong bumangon kaya hinagisan ko ng unan ang mukha.



"Ate!" Sigaw niya pero tinawanan ko lang saka umalis na sa kanyang kuwarto. Matapos ay naligo na ako at nagbihis. I wore a high waisted jeans and a neutral color shirt that perfectly hugged my body. Nang masigurong presentable na akong tignan ay lumabas na ako saka tumulong sa mga gagawin.




My smile grew bigger when I saw my friends at our gate. "Pasok lang kayo!" Sigaw ko sa kanila.  Para naman itong mga others nang na-estatwa lang sa labas kaya nilapitan ko na. "Grabe, sabi ko pasok na kayo eh." Sabi ko nang makalapit. "Halina nga ka"— Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng ilahad nila ang mga dala. "Congratulations!" They all cheered as they handed me flowers and chocolates. "Hala, thank you so much!"




Rita and Leila hugged me while Claude kissed my forehead and embraced me too. Austin, on one hand, nodded and hugged me while Josh stared at me, flashing a small smile that made me smile in return. "Congratulations, Asha." He muttered. I—stood still, shocked at what he's said and then blinked for a few times when Lei tapped my shoulder, "pasok na kami ah?" I nodded as I felt my cheeks flushing.



Pumasok na silang lahat pero sadyang nagpahuli talaga ang isa. "Napaghahalataan ka sis." Claude, the ever bida-bidang friend that he is, commented. I just rolled my eyes and guided them to a round table where they could sit comfortably as we await my Mom's relative from other municipality.





Kalaunan, nang dumating na ang mga relatives ay nagsimula na ang kainan. I sat with my friends and made sure they eat their fill while making sure to check up on others kaya putol-putol ang kain ko.




"You should've brought Annaliese with you, Josh." I said as we're done eating. Nadinig kong tumikhim si Claude while Rita almost choke. My forehead creased at their reactions.




Nagpunas muna ng baba ang lalaki bago sumagot. "She's not feeling well." Tipid nitong sagot saka narinig ko namang magbuntong-hininga si Lei. Nilingon ko si Austin pero busy ito sa kanyang cellphone. He's probably texting his girlfriend or something because he's smiling...



"Oh okay. Gusto niya ba ng desserts?" I asked. Rita nodded kaya nagpaalam muna akong kukuha saka tumayo.




Austin offered to accompany me but I declined. Ang sabi ko'y mga bisita sila kaya ako nalang. Though, he insisted but I declined again.



I got two plates in a tray filled with desserts like cassava cake, maja blanca, fruit salad and macaroons. Palapit na sana ako sa mga kaibigan nang marinig ang pinag-uusapan nila.




"Why did you lie to Ash, Josh?" Leila queried. Kumabog ang puso ko.




"What?" Josh strictly asked back. "We know di naman masama ang pakiramdam ni Anna." Rita boringly stated. "So? Ano bang dapat sabihin ko?" Iritado na nitong balik sa mga kaibigan. I slowly took a step back. "Dapat ba sinagot ko siya na nag-away kami?" Nanlaki ang mata ko sa narinig.




"Ha? Ba't naman kayo nag-away? Kasi umattend ka sa celebration ng ex mo?" Si Claude, probably unaware of what's happening. Nakita kong isinilid na ni Austin ang cellphone sa bulsa saka nagsalita... "Ang babaw naman ng tingin mo kay Anna, Claude."




"Sorry naman. Eh ba't kasi kayo nag-away nga?" He probed, a little interested now. Napalunok ako, saka tumigil sa pag-atras.




"Because, I wasn't the one who replied yesterday at our group chat." He said sounding a bit pissed. I then stiffened. Hindi siya ang nag-reply kagabi? E sino pala? Si Annaliese? Sunud-sunod ang naging paglunok ko sa mga naiisip.




"So, nagalit ka dahil don?" Si Claude ulit. Our other friends were silent...




"No, we talked about it. Nag-sorry siya. Pero pinilit niya akong pumunta rito kahit ayaw ko." Sagot niya na parang nahihirapan pang bigkasin ang huling sinabi. I bit my lip.




"Gago, eh ba't ka pala andito?"






"Ba't ang dami mong tanong Claude Simeon?" Irritang baling ni Rita.





"Shut up, will ya?" Ani ni Leila.



But Claude was really unaware of the situation and even the surrounding. Sa pakikinig pa lang ay may namumuo ng konklusyon sa utak ko pero heto si Claude at takang-taka pa rin.




"Kaya nga nag-away kami! Aside from replying on my behalf even when I did not know and want it, she's also  really pushing me that I attend to this celebration but I said no countless of times. Kaya ayun, nagtampo. At eto naman ako, napilitan just to please my girlfriend. I don't know what's running in her mind tho.." He explained na parang nauubusan ng pasensya. And I swear it was enough for me to leave them so I continued stepping back while holding back my tears when I bumped into someone saka nahulog ang mga dala ko. Napasinghap ako ng maglikha ng tunog ang mga nahulog na plato.



I immediately picked up the broken pieces of the plates  and the food na nagkalat while my eyes started to roll tears. I looked up and turn my attention to my friends. They were all shocked... But I smiled at them. Claude...got near me and helped me pero tinabing ko ang mga kamay nito.




"Ako na!" Sigaw ko rito habang tumutulo pa rin ang mga luha. "Ash, d-did you hear what we're discussing?" Nauutal na tanong ni Leila.




I nodded. "What about it?" Napapantiskuhang tanong ko.




"You know what, based on what I heard, si Claude lang walang alam sa nangyayari. H-how can you come here acting so innocent and friendly pero alam niyo palang may napipilitan sa inyo?" I said, bitterness almost dripping at every word I say. "Kung ayaw niyo namang umattend at napipilitan kayo, bukas naman ang pintuan para umalis kayo ah?" I said while looking at Josh.



"Please, u-umalis na muna k-kayo."



"Ash, sorry," — si Rita habang umambang lalapit sana. "Don't go near me!" I hissed. Nakita kong lumapit na si Mama. "Anak, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"



"Umalis na kayo. Wala akong mga kaibigang traydor at mapagpanggap." I saw Austin's head fell down. Leila crying while Rita's eyes is red. "Wala silang kasalanan," dinig kong sabi ni Josh. Naiiling akong lumingon sa kanya.




"Alam mo Josh, anong nasa isip ko kagabi nang mabasa ang reply mo? Muntik na akong maiyak. Kasi iyong taong tumutol na abutin ko ang pangarap ko ay binati ako? Ang laking bagay sana nun pero malalaman kong girlfriend mo pala ang nag-sabi nun at hindi ikaw?! Tapos napilitan ka lang palang pumunta ngayon kasi nagtampo na si Annaliese sa iyo? Tangina. Kailangang ka pa naging under?! Hindi ka naman ganyan sa akin nun. Haha." Sarkastiko kong tawa. "Tangina talaga. Sabi ko gusto kita ulit maging kaibigan eh. Kaibigan nalang para maging paalala ko na hindi na ako pwedeng maging girlfriend mo kasi may mahal ka na. At oo, mahal pa rin kita! Pero salamat nalang. You're an ass. Kahit maging kaibigan mo, ayoko na. Sirit na ako." Dagdag ko saka naupo sa sahig. Nakita kong napasinghap ang dalawang babaeng kaibigan.




Dinaluhan ako ni Mama at Claude. "Anak, tama na." Kumapit ako sa tshirt ni Claude. "Kaya, pupwede bang umalis na kayo? Nasira niyo na kasi ang celebration ko. Pinaghandaan pa naman ito ni Mama at Papa sa akin." I pleaded. "Ma, sorry." I turned to Mama and hugged her.



"Sorry, Ash." Iyon lang ang narinig ko bago sila umalis. I did not even look when they left. So much for a celebration!

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now