Chapter 04

41 5 0
                                    

Reto

I woke up the next day with a pounding headache at pagtingin ko pa sa salamin ay namamaga ang mga mata. Agad akong naghilamos ng mukha saka lumabas na ng kwarto at nag brunch. Ala una y kinse na pala. Kaya siguro sobrang tahimik ng bahay. Matapos kumain ay hinugasan ko muna ang pinag-kainan saka pumasok muli sa kwarto at ini-open ang laptop.


Nag-inat muna ako saka sinuot na ang reading glasses at nagsimula na sa pagrereview. Minarapat kong unahin sa pagrereview ang Hematology na subject dahil medyo hirap ako rito noong college. I facepalmed myself as I looked at how thick the book is. St. Rodak's of Hematology, please pray for me. Dapat ko pa namang matapos ito sa loob ng two weeks. Lord, help?!



Hindi ko na namalayan ang oras at nang mapatingin sa cellphone ay alas-kuwatro y media na. Laking pagtataka ko lang dahil medyo maingay sa labas kaya napagdesisyunan kong mag study break muna at lumabas para magpahangin kahit sandali. Isa pa'y ang sakit na ng mga mata ko, at ang lintek na hangover ay hindi pa mawala-wala.



"Nay— papahangin muna ak—," nabitin ang sasabihin ko nang makita ang mga kaibigan sa loob ng bahay. Ang malala pa ay kompleto sila. Pati si Josh ay narito, matamang nakatitig sa akin. Napangiwi ako. Anong ginagawa niya dito?!


"Ay anak, itong mga kaibigan mo bumisita at may mga dala pang merienda." Masayang balita ni Mama saka ipinakita pa ang supot na may lamang mga tinapay. Nginitian ko si Mama saka ito nilapitan. "Tulungan ko na kayo sa paghahanda niyan, Ma." Sabi ko rito pero agaran ang pag-iling niya.



"Huwag na at maupo ka na riyan. Mag catch up kayo ba!" I smiled awkwardly saka naupo sa tabi ni Leila. "Napadalaw kayo?" I queried.



"Eh siyempre, di ka nag-rereply sa mga texts namin. Tapos lasing ka pa kagabi!" Litanya ni Mama Rita. I laughed at her. "Oh? Kalma lang po, Nay. Okay lang ako. Pasensya na, naka-silent kasi ang phone ko at ako'y nagrereview kasi." I reasoned out.




"Hmp. Di ka naman inaway ni Josiah kagabi paghatid sayo no?" I mentally cursed at Rita's sudden question. Mabilis akong umiling saka tinignan si Josh. His jaw was clenching saka nag-iwas ng tingin. "Thank you nga pala, Josh." I said nang maalala na hindi ako nakapag-thank you rito. Tumango naman ito pero di nagsalita.



Ilang sandali ay bumalik na si Mama na may dalang isang pitsel ng juice saka isang platong may laman na mga tinapay. Agaran siyang tinulungan ni Austin dahil ito ang malapit. "Salamat, Austin. Kay bait mo talagang bata. May girlfriend ka na ba? Kung wala pa, ito nalang unica hija ko." Sabay pang nanlaki ang mga mata namin ni Aus at binalingan si Josh pero nag-iwas lang ito ng tingin.



"Pffft,"— bigla kaming napabaling sa nasamid na si Claude. I glared at him. Halos matawa naman si Rita at Leila rito habang hinahampas ang likod nito. "Iyan kasi, di makapaghintay!" Si Leila. Habang si Josh ay halatang masama na ang templa. Anong problema ba nito? Kung ayaw niya naman dito at ayaw niya akong makita, ba't pa siya pumunta diba? Saka I also said di na ako magpapakita, pero look at him, visiting my place.




Napakamot sa batok si Austin. "Mayroon po, Tita," sagot nito sa tanong ni Mama. Hala, weh? May gf na si Austin? "Sayang naman." Komento ni Mama na mahihimigan mo talaga ang pagkadismaya. Humalakhak si Claude. "Huwag kang mag-alala Tita at hahanapan ko si Ash ng Engineer." Pagbibiro nito pero si Mama ay g na g pa. "Iyan ang gusto ko sayo, Claude! Galingan mo sa pagpili ah!" Sinimangutan ko si Mama pero tumawa lang ito at saka nagpaalam na.



"Ikaw talaga!" Hinampas ko sa balikat si Claude. "O eh bakit ba? Single ka naman. Ayaw mo ba sa Engineer?" Malokong tanong nito sa akin. "Kung gaya mo lang din na future Engineer, aba'y huwag nalang!"



"Hoy, foul ka dyan Asha Miami," parang offended pa si Claude. Sus, if I know, true kaya. "Tama behavior ka, sis Ash." Komento ni Rita kaya nagdambahan na naman ang dalawa na parang aso't-pusa.



"Pero, Aus may gf ka na talaga?" Kuryoso kong tanong. Nagtitext naman kami nung college pero wala naman siyang nabanggit or siguro hindi ko lang din natanong. Tumango siya kaya napangiti ako. "Sayang naman, mag-aapply sana akong gf mo eh." I kidded. He chuckled.



"Hindi ka pwede kay Austin, Ash. Para kang duwende pag magkatabi kayo." Si Claude na naman. "Alam mo, manahimik ka. Joke nga lang 'yon tas may pag-atake ka." Litanya ko rito.


I poured some juice sa mga baso na inihanda ni Mama saka ibinigay sa mga kaibigan. Di ko na sinali si Claude dahil nauna na itong uminom. Nang iabot ko kay Josh ang kanya ay halos magsalubong na ang kilay nito kaya imbeds na ilahad sa kanya ay ibinaba ko nalang.



I heard him tsked kaya kinunotan ko ito ng noo. Kung umalis nalang kaya ito? Kasi kung di ko lang 'to bahay, baka nagpaalam na akong umuwi. Parang di naman siya masayang nandito at hindi pa sumasali sa usapan.


On my periphery ay nakita kong kinuha niya ang baso saka uminom. I smiled a little and turned my attention to our friends na masayang nagkikuwento sa mga ganap nila nang wala ako.



Ilang minuto pa kaming nagkuwentahan nang tumikhim si Josh at tumayo. "Nag-text si Anna, magpapasundo. Una na ako." Paalam niya habang pinapakita ang cellphone. I nodded and our friends just answered him "sige, ingat ka." I did not mind the slight pang I felt in my chest nang bigkasin niya ang pangalan ni Anna. I really need to move on now. Kanina gusto kong umalis ito dahil parang napilitan lang itong sumama pero ngayong aalis na ay nakakalungkot pala. Kasi, may iba na siyang pupuntahan at sigurado akong sasaya siya.



Nang lumabas si Josh ay nakita ko pa itong nilapitan si Mama saka nginitian ito. Sana all nginingitian ano? Pero buti naman at nagpaalam muna ito kay Mama. Same old Josh, marespeto.


Hindi naglaon ay isa-isa na rin silang nagpaalam at may mga lakad or magrereview pa raw. Hinatid ko sila sa labas at kumaway nang makaalis na ang mga ito. I sighed as I went in and cleaned our sala. Ang hirap pala talagang magkaroon ng ex na nasa same circle of friends, 'no? Wrong move ata na maging kami noon. Hay.

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now