Chapter 06

30 4 0
                                    

Bestfriend



They say there's a thin line between being alone and lonely because the former is a choice, a reality in our existence while the latter is a feeling, the one that we can't control.




I smiled bitterly habang umiiyak. Ang ganda tingnan ng ilog, pati'y ang kulay kahel na langit dahil papalubog na ang araw. Namiss ko ang panoorin ang sunset sa tabing-ilog pero mas namimiss ko ang mga kasama kong manood.





"N-nangarap lang naman a-ako, Lord. Ba't ang sakit naman ata? G-graduate na ako pero, ---" I sob in between. Pinahiran kong muli ang mga luha saka napatungo at niyakap ang mga tuhod.




Napaangat nga lang ako ng tingin nang may tumikhim sa aking likuran. "Matcha flavored milktea?" Nakangiting lahad ni Claude sa akin. Tumulo muli ang mga luha ko pero nginitian ko ito. "Thank you, bff." I said as I received the drink. "And... tissue din." Dagdag nito kaya napatawa ako.



Naupo ito sa tabi ko saka tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Pumalumbaba ako habang ang mga mga siko ay nakapatong pa rin sa mga tuhod.




"Nagsi-uwian na ba, sila?" I asked to break the momentary silence. Umiling ang katabi ko saka pumalumbaba rin. "I ditched them after paying for their order." He casually said like it's not much of a deal.



Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. "C-claude n-naman." Bulalas ko. Naiiyak na naman.



"It's fine. I paid for it already. Desisyon na nila kung uuwi or eenjoy 'yong libre ko."




"Sorry." I muttered saka tinignan ang matalik na kaibigan. Nakangiti ito sa akin pero kitang-kita ang awa sa mga mata nito.





"Hindi totoong hindi ka namin inaya."





"Ha?"





"Huwag kang maniwala kay Josiah. Iyong sinabi niya kanina? Scam iyon. Inaya ka namin."





"Okay lang, totoo naman." Sagot ko.








"Anong totoo? Na hindi ka namin inaya? Sus, nagsend kaya kami ng texts sa iyo." Ani nito na nagpakunot sa noo ko.




"Weh? Wala akong nareceive."




"Luh. Patingin nga ng cellphone mo. Dalawang beses kaya kitang tinext tapos sina Lei at Rita rin." Takhang sabi nito kaya ibinigay ko ang cellphone sa kanya. Wala naman talaga akong nareceive na text eh. Pinapalubag lang ata ni Claude loob ko eh.




"Tsk. Kaya pala, full storage naman na kasi message mo." 




I stared at my phone's screen and mentally facepalmed myself. Halos nasa 100 na ang unread messages kaya hindi na nakakareceive ng text messages.




"Hala, sorry," sambit ko. "Delete ko na ba 'to?" He asked and I nodded. "Di ka pa rin nagbabago, Ash. Tamad ka pa ring magbasa ng messages." He tsked and I chuckled. Parang noong high school lang, siya rin nag-dedelete ng mga messages ko sa phone. Di pa nga smartphone gamit namin nun.



Matapos madelete ang mga unread messages ay ibinalik na nito ang phone ko. Saka naman inulan ng mga panibagong message ito. Patuloy lang ang pagtunog ng notification hanggang sa nakapasok na lahat ng texts.




"See?" Turan nito nang mabasa ko na ang sunud-sunod na texts ng mga kaibigan.






From: Claude
Milktea tayo, libre ko.




From: Leila gaga
Manlilibre daw si Claude! Tara g?



From: Rita ganda
Hoy! May masamang hangin na pumasok sa ulo ni Claude. Manlilibre daw. Arat!



I laughed at Rita's text saka binasa ang ikalawang text ni Claude.




From: Claude
Sama ka ba? Pag hindi, hatiran nalang kita sa bahay niyo baka busy ka sa kakareview mo dyan.





I pouted at his last text. Nakita kong nagkamot ito sa ulo. "Thank you talaga, Claude." Ani ko saka inilingkis ang braso sa kanya at sinandal ang ulo sa balikat nito. I really appreciate this guy. Best friend, indeed.




"Naman." Tipid nitong sagot. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago niya putulin nang may itanong. "Mahal mo pa 'no?"




I sighed. "Hindi naman nawala, bff." Pag-amin ko.



Malungkot niya akong ginawaran ng tingin. "I figured. Pero paano 'yon? May Annaliese na."




"Didistansya. Saka mag-momove on. Alam mo namang halos mawalan ako ng oras para sa sarili dahil sa pag-aaral diba? Kaya siguro hindi ko nagawang umusad dahil pansamantala kong nakalimutan na may dinadamdam pala ako rito." Turo ko sa puso ko. "Siguro after ng boards, may time na akong humilom ba?" Dagdag ko pa.






He agreed and patted my head. "Tama ka. Galingan mo sa board exam ha? Proud ako lagi sayo. Tsaka pag moved-on ka na, magsabi ka lang at hahanapan kita ng matinong engineer." Natawa ako ng halos idiin niya ang salitang matino.




"Okay. Pag-sang ayon ko.




"Gusto mo samahan kita sa araw ng board exam?" Pag-iiba niya ng usapan. Umiling ako sa tanong niya. "Huwag na. Mahal ang pamasahe. Libre mo nalang ako after boards pag pumasa ako."




"Okay. I'm sure papasa ka kaya maghahanda na ako ng panlibre." May kumpyansa niyang saad. Kailan kaya ito aamin? Ang swerte ng magiging girlfriend ni Claude.






"Ayaw mo pa bang mag-confess kay---" Hindi ko na natuloy ang tanong ng magsenyas itong wag akong maingay. Natawa ako sa kaibigan. Ilang taon na pero torpe pa rin. Hay naku.





Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan hanggang sa umuwi na dahil magdidilim na.





Three more days and I traveled to the city for the d-day. But before anything else, nagsimba muna ako sa cathedral saka inihanda ang gamit at ang sarili.




I slept early and woke up early saka binagtas na ang kalsada patungo sa testing center. I was wearing my school uniform dahil iyon ang required suotin.




I almost cried after finishing the exam. Grabe iyong microbiology section! Sinipa ko pa ang upuan dahil sa pamahiin and left the room with hope that in three days time, I'd finally get that RMT after my name.

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now