Chapter 15

23 2 0
                                    

Happy December 1st! 🫶🏻



Falling


It's been days nung hinatid ako ni Josh galing sa trabaho. At simula din nun, palagi na itong nagtitext. Heto nga't paggising ko pa lang ay may mensahe na ito.


From: Josiah Aurelius
Good morning! Have a nice day.


I smiled upon reading his morning greetings. Bumangon muna ako saka naghilamos bago magreply rito.


To: Josiah Aurelius
Good morning, Sir Josh! Be a good teacher. Hahaha


Mabilis naman itong nakapag-reply.


From: Josiah Aurelius
Yes, Ma'am. :)


To: Josiah Aurelius
Maya ka na mag-text ulit baka ma-late ka sa klase. Ingat Josh!


From: Josiah Aurelius
Okay po. Miss you.


Natawa ako sa response niya. Like I said, I'm only allowing the texts. Although it has been a few weeks since they've broken up, I still feel guilty even when I know I did not do nothing wrong. Nag-open na rin ako sa naiisip kong ito kay Claude, and he'd given me his opinion about it. I somehow felt at ease but still...it really bothers me. Especially when I know someone is hurting. Pupwede namang ako nalang ang masaktan eh. Sanay na ako. Lalo pa't alam kong mabuting babae at kaibigan si Annaliese. Kaya siguro may halong panghihinayang ang nararamdaman ko... para sa dalawa.


Hindi na ako nag-reply sa huling text ni Josh. I went on my day hanggang sa oras na naman para mag-duty. I hailed a tricycle going to the hospital. I then texted Josh.


To: Josiah Aurelius
Otw na 'ko sa ospital.


Ilang minuto pa ang inantay ko bago ipinasok sa bagpack ang cellphone. Hindi ito nagreply. He's probably teaching children right now. Nito lang siya pumasok sa Central as a volunteer teacher, habang nag-aantay sa resulta ng LET.


Pagpasok ko naman sa laboratory ay naging busy na. Sa hematology section ako ngayon, at marami-rami ang nag-papa CBC kaya wala halos pahinga. Feed ng sample. May dadating ulit. Titingnan kung okay lang result ng pasyente, kung okay, ipprint ko na agad at pipirmahan. Pag may unusual sa result, lalo na sa segmenters, I'd run the test twice. Nung mag 7 pm na naging benign ang duty kaya kinuha ko na muna ang cellphone sa bag.


I opened it and saw texts from Josh.

From: Josiah Aurelius
Ingat ka.

I'm home.

Nag-dinner ka na ba?

Toxic duty?

I chuckled at his last message. "Opo, ang toxic. Huhuhu." I typed and sent it.


Mabilis itong nakapag-reply.


From: Josiah Aurelius
Kawawa naman. Nag dinner ka na ba?


To: Josiah Aurelius
Di pa. :( Later nalang pag-uwi. Malapit naman na out ko.


From: Josiah Aurelius
What? What time pa out mo?


To: Josiah Aurelius
11.


From: Josiah Aurelius
Anlayo pa, Asha. Malilipasan ka niyan.


I pouted behind my mask. Kahit sa text, medyo strict pa rin.


To: Josiah Aurelius
I ate sandwich naman kanina, Josh. Maya nalang ako sa bahay kakain.


From: Josiah Aurelius
Tss. I'm going there.


Nangunot ang noo ko sa reply nito.


To: Josiah Aurelius
Ha? Why?
Susunduin mo si Ate Jersh?


From: Josiah Aurelius
Nope. I'll bring you food.


To: Josiah Aurelius
Ha?! Wag na. I'm not hungry pa naman.
Saka ang hassle na for you.


From: Josiah Aurelius
On the way, love.


Napanganga ako. I look at my workmates na kumakain na. Nakita nila akong nakatingin. "Dinner na, Ash!" One of them said it. I smiled saka umiling. "Busog pa po ako, Ma'am. Una nalang po kayo."


"Sige. Pagkatapos namin, kain ka na rin ah!" I only nodded as a response.


To: Josiah Aurelius
Gagi, sure ka ba? Seriously, wag na Josiah.


From: Josiah Aurelius
Nasa labas na ako ng ospital.


What?! Ambilis naman?! Mabilis kong minanipula ang cellphone saka tinawagan ang lalaki.


"Hi," pambungad niya sa malumanay na boses. "True ba? Nasa labas ka?" I probed. I heard his chuckle. "Yup. Gusto mo bang pumasok na ako at ihatid dyan sa laboratory itong dala ko?"


"H-ha? True ba talaga Josh?" Nagpapanic ko ng utas. "Why don't you find it out yourself?" Hamon niya saka tumawa pa. This brute! Agaran akong nagpaalam sa mga katrabaho na lalabas muna at sa cafeteria na kakain bilang palusot, or baka totohanin ko na. Whatever...



Napailing na lang ako nang makita nga ang lalaki na may hawak na supot sa labas. Nakangiti ito habang humahakbang palapit sa akin. "See? I'm he— ouch!" Reklamo niya nang kurutin ko ang tagiliran niya.


"Loko ka talaga. Sabing huwag na eh. Nakakahiya." Bulalas ko.


"Aww. Huwag ka mahiya. Special delivery for you?" He said hiding a smile habang inilalahad ang dala niya. Tsh. Pinipigil ko pa ang ngiti ko pero kasi nakakahawa ang ngiti nito at ang sweet pa. Hay. He's sweet nung high school but this Josiah is more sweet. Nakakapanibago or hindi na ako sanay na ginagawa niya ito. Nevertheless, I'm grateful for this moment and having him. Kahit di pa naman kami ulit.


"T-thank you." Nauutal ko pang sabi. Tumawa siya. "Bakit ka nauutal? Nahihiya ka ano?" I glared at him. "Oops. Nahihiya si Ash." Tukso niya. I made a sad face. "Shut up. I'm not."


"Weh?" Di pa naniwala. "Kumain ka na ba?" I diverted the topic.


Tumango siya. "Kakain ka na?"


"Oo."


"Saan? Sa lab?" Kuryoso niya.


"Sa caf. Nahihiya ako sa loob ng lab. Tapos na kasi silang kumain."


"Okay. Puwede bang sumama sa caf?"


"Ha? Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko. "Aantayin pa kitang umuwi. Ihahatid kita, if it's fine with you."


I looked at my wristwatch. "Eh 8 pm pa lang Josh. Ilang oras ka pang mag-aantay?"


His lips rose for a smile. "Don't worry. I can wait naman," he responded. "Okay. Pero san ka mag-aantay?"


"You will allow me to really bring you home?" Hindi niya makapaniwalang saad. "Ha? Pwede naman." Wala sa isip kong turan. "Talaga?" he asked again.


"Oo nga. Pero san ka mag-aantay kung ganun? If ever, pwede naman sa OPD ng lab."


"Sige lang. Dun nalang ako kay Ate, sa office niya. Puntahan nalang kita sa lab around 10:50."


"Alright. Tara na sa caf?" Anyaya ko.


"Okay. Let me," wika niya sabay kuha sa supot na ibinigay niya.


"Thank you, Josh." I said as we were on the way to the cafeteria. Napahinto pa siya sa paglalakad nang marinig ako saka niya ako ginawaran ng mapupungay niyang tingin. "You're always welcome, Ash." He said it so gently. Damn. I'm falling even more.

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now