Chapter 07

41 4 0
                                    

Result


Pang-limang araw na magmula nang matapos ang board exam. Hindi na matigil ang ingay ng messenger ko dahil sa chat ng mga kaibigan sa kolehiyo lalo pa't inanunsyo na ng PRC na 'standby for the MTLE results today, Future RMTs.' Hindi na rin matigil ang kaba ko sa araw na 'to. Kung susundin ang schedule ay ngayong araw nga ang labas ng resulta dahil 3 working days lang naman ang aantayin bago inanunsyo kung sino ang mga pumasa.



Halos manginig na ang kamay at kalamnan ko. Naka-dalawang baso ng kape na rin ako kahit umaga palang. Parang hihimatayin na ata ako kahit wala pa naman.



"Lord.... Sana po pumasa ako. Bigyan mo rin po sana ako ng lakas at tibay ng loob para matanggap ko ng bukal sa puso kung ano man ang resulta. Ginawa ko naman po ang lahat. Nawa'y sapat na po iyon para maging registered Medtech na po ako. Maraming salamat, Panginoon. Amen." Mahinang usal ko habang nasa Parokya ng San Agustin. Napagdesisyunan kong magdasal na mismo rito sa simbahan dahil sa kaba at mga masasamang iniisip. Kung anu-ano nalang kasi ang sumasagi sa isip ko.



Nang makalabas ng simbahan ay nag-alay muna ako ng kandila kay Mama Mary bago umuwi. Malapit lang naman ang simbahan sa bahay kaya naglakad na ako pauwi. I fished for my phone na nasa bulsa ng jeans ko saka nag-deactivate ng Facebook at messenger.


I then texted my friend for a favor. Baka mahina ang signal mamaya sa dami ng mag-aabang sa resulta kaya mag-aantay nalang siguro ako sa balita ng kaibigan. Tiyak ay magsisend naman ito ng screenshot.



To: MT-Dajana
Daj, favor please? You have my two emails, right? Pa-email naman ako please mamaya sa result. If I passed, send it ashamiamivicente@gmail.com. Pag di naman, send me 'bawi ka next time' sa ashamvicente@gmail.com. :( Maraming salamat!




I waited for a minute before I received her reply.




From: MT-Dajana
Okay, Mia mahal. I missed you! Don't worry, magiging RMT tayong parehas today. 😗🙏🏻



I smiled at her response. The ever optimistic Dajana. Daj was my college classmate since first year. She's really nice and friendly...though she's loud most of the time. I remember I would sometimes run for the hills after class kasi nag-aaya itong kumain sa labas or mag-bar daw. Nakakaloka. Buti nalang ay nandyan palagi bestfriend at roommate niya kaya marked safe ako palagi sa kabaliwan niya. Pero may mga araw talaga na kailangang sumama rito dahil minsan ay nagtatampo. Eh nakakakonsensya kaya pag nagtatampo ito lalo pa at nagbibigay ng review notes tapos nagpapahiram pa ng laptop nung hindi pa ako nakakabili.




Matapos kong makapag-reply kay Daj ay nag-taas na ako ng tingin sa nilalakaran. Pero laking gulat ko nang makitang makakasalubong ko si Josiah sa daan. Naka-ripped jeans ito habang white polo naman ang suot na pan-itaas. Buti nalang ay sa kabilang side ito ng kalsada kaya hindi naman siguro ako nito mapapansin... Lalo pa't parang may kausap dahil ang cellphone nito'y nakalapat sa tainga.



I lowered my head habang nagpapatuloy sa paglalakad. Tanging ang sapatos lang ang nakaklaro ko habang naglalakad.




"Ay hala!" Ani ko nang may mabangga. Lintek. Nakatungo kasing naglalakad Asha eh. Tingnan mo nakabangga ka pa!



I looked up para sana makita kung sino ang nabangga ko pero halos lumundag ang puso ko dahil sa taong nasa harap. "J-Josh." Nauutal kong saad. "Sorry. Uh di kita nakita." Hinging paumanhin ko. Hala, pano siya napunta dito sa side na nilalakaran ko?




"It's fine." Maikling sagot niya saka ibinaba ang cellphone. Sino kaya kausap niya? Si Anna? Sa isip-isip ko.



"Uh sige. Una na ako." Nahihiya kong paalam.


Hahakbang na sana ako nang matigilan dahil sa paghawak niya sa siko ko. Kinunotan ko siya ng noo saka tiningnan ang kamay nitong may hawak sa akin. "Uh, sorry." Parang napapaso niyang bawi sa kamay.


"Uh okay lang. Bakit?" Tanong ko rito. Baka may gustong sabihin eh.



"Uh— san ka galing?"



"Ha?" Sambit ko. Nakita ko itong nag-iwas ng tingin. "Uh— sa simbahan lang. Nagdasal ako." Sagot ko rito. Nakita ko siyang tumango saka namulsa. "About our last encounter," — panimula niya. I gave him a questioning look. "Sorry sa nasabi ko nung nasa Ambien-tea tayo."



"Ah, 'yon ba? Okay lang iyon. Totoo naman ang sinabi mo." I said cooly. Isang week na ang nakalipas magmula nun. Saka 'yong sama ng loob ko nun ay nawala na. Pero ayaw ko ng sabihin pa iyon.



"No. I'm sorry. Anna said I should apologize to you. Ang rude ko raw nun." Eksplenasyon niya. I nodded feeling hurt again. Kung hindi kaya sinabi ni Anna na mag sorry sa akin, magsosorry kaya siya? 'Yong free will naman niya?



Napangiti ako ng pagak. Of course, what do you expect Ash? Galit siya sayo. Kung di lang mabait ang girlfriend niya, ay baka magunaw nalang ang mundo ay hindi pa rin ito mag-a apologize.



"Iyon lang ba?" Dismayado kong usal. I tried not to sound bitter pero kusang lumalabas ang pait sa lalamunan ko. Nagsalubong ang makapal na kilay nito. Probably pissed at the sarcasm he just heard from what I've said.



"I mean, k-kung iyon lang ay huwag ka ng mag-alala. You're forgiven. Pu-puwede na ba akong umuwi?"




He sighed. "Okay. Salamat."



"Salamat din, Josh." I said saka ito tinalikuran at nagpatuloy na sa paglalakad.



Parang nakalimutan ko ata ang pag-uusap namin kanina ni Josh nang may mareceive na email from Dajana around 9:30 pm.




From: dajanaeurekauytingco@gmail.com
To: ashamiamivicente@gmail.com
Subject: MTLE 2018 Result

Congratulations to us, Mia my love! RMT na tayo! 😭❤️🔬💉
See attachment



I gasped as I read her email saka sa nanginginig na kamay ay tiningnan ang attachment. "Oh my God. Oh my God." Isang minuto ata ang inantay ko bago mag-load ang pdf hanggang sa hinanap ko ang pangalan ko para makumpirma kung totoo nga ang sinasabi ni Daj.


02897 Vicente, Asha Miami Capillanes


My eyes started to water. Totoo nga. RMT na ako. Ilang sandali ay sumigaw na ako dahil unti-unti  nang nagsisink-in sa akin ang magandang balita. "Ma! Ma! Pa!"


Dali-dali namang pumasok sa silid ko sila Mama at Papa pati na rin si Kiko.



Pinakita ko sa kanila ang pdf habang umiiyak pa rin. Nakita ko namang naiyak na  din si Mama habang si Papa ay bakas ang tuwa sa mukha.Masayang-masaya naman si Kiko na nagtatatalon pa.



"Diyos Ko! Maraming salamat, po. RMT na ang anak namin." Mangiyak-ngiyak si Mama habang nakatanaw sa itaas. I said my thanks to God as well in my mind. Niyakap nila ako at wala ng mapagsidlan ang kasiyahan namin sa gabing ito.



Tonight, I jut passed the 2018 Medtech Licensure Examination. Finally. After four dreadful years. "RMT na ako!" I shouted na siguro'y umabot sa mga kapit-bahay namin.

Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now