Chapter 05

29 4 0
                                    

Invisible Gap



I literally crammed the remaining topics I need to review before the Medtech Licensure Examination. I guess, our seniors did not lie about opting to 'alay' some topics or subjects because you will never be able to finish reviewing all of the stuff you need to know. So basically, I prayed to God and to all of the Saints out there to guide me and let me pass. Gusto ko lang naman maging RMT. Please...



Kaya rin siguro sa sobrang busy ay hindi ko na nasasagot ang mga text and chat ng mga kaibigan. Their board exams were done already and they're all waiting for the results kaya marami ng time, unlike me unfortunately. Though the MTLE is one week away pa naman. Kaya lang ay sobrang anxious ko na. Tsaka kina-cram ko ring basahin ang review notes na galing sa mga kaibigan ko na nag-review center. Halos maiyak ako nung makita kong andami palang information na hindi nadidiscuss sa skewelahan pero sa review center ay nabibigyang-pansin.



"Anak? Okay ka lang?" I stiffened when I heard Mama's voice. I wiped the tears saka lumingon sa kanya. "Opo, Ma. Bakit?" Pagsisinunangaling ko kahit halatang namumula ang mata.



Mama sighed and went to my bed saka naupo rito. "Eh bakit natulo pa rin ang luha mo?" Agaran kong hinawakan ang pisngi ko saka pinalis ang luha. "Sorry po. Stressed lang Ma." Pag-amin ko. "Halika nga rito." Sabi niya saka umusog para magkatabi kami. Nang makalapit ay niyakap agad ako nito saka hinaplos ang likod at buhok. "Okay lang umiyak, anak. Ilabas mo lang lahat ha? Pag ganito, kausapin mo kami ni Papa mo ha? Hindi namin alam kung anong nararamdaman mo. Ang alam lang namin mahirap ang board exam kaya wag mong tinatago ang nararamdaman mo, okay?" Mahinahon nitong bulalas na lalong nagpaiyak sa akin.



I tightened my embrace to her. "Saka, andito kami anak eh. May makakausap ka na hindi gaya noong nasa kolehiyo ka na mag-isa ka lang."



"Si Mama n-naman. Hindi po ako nag-iisa nun kasi parati kayong tumatawag at nagbibigay suporta sa akin mapa-pinansyal o moral support man 'yan."



"Alam ko naman 'yon, nak. Pero iba pa rin 'yong kasama mo kami ng pisikal. Alam mo naman sigurong proud na proud kami sa iyo hindi ba?" I nodded. "Proud kami sayo anak. Kinulang man tayo sa pinansyal na aspeto pero nagpursigi ka pa ring makatapos kahit malayo ka. Tinikis mo ang pagkawalay sa amin nang apat na taon, at nakipagsapalaran sa lugar na hindi mo naman kinagisnan pero tingnan mo? Si Asha Miami Vicente ay naging cum laude. Kaya iyak lang pero magpatuloy uli kasi dadagdagan mo pa ng RMT ang pangalan mo. Tama ba?" She said and winked. I nodded and smiled at her as I bit my lower lip to stop myself from crying harder.



Later that day ay nagluto si Mama ng mga paborito kong pagkain kaya busog na busog ako. Problema nga lang ay sa sobrang ka-busogan ay antok na antok na 'ko. Kaya imbes na mag-aral ay napagdesisyunan kong matulog nalang muna ngayong gabi. Isa pa'y gusto ko talagang magpahinga kahit ngayon lang.



I woke up the next day feeling better. 4 am pa lang ay gising na ako kaya nag-timpla muna ako ng kape bago nagsimulang mag-aral hanggang sa magsimula nang magpakita si haring araw. I closed my review notes and stoop up saka nag-ehersisyo nang ilang minuto bago napagdesisyunang maligo na para presko ang pakiramdam bago mag-basa ulit.



Saktong paglabas ko sa banyo ay tinawag na ako ni Kiko dahil mag-aagahan na kaya imbes na mag-aral na ay kumain na muna ako.




Pambihirang buhay 'to.



"Aral kahapon, aral ngayon, aral bukas. Palagi nalang aral!" I mumbled to myself. "Oo nga. Labas kaya tayo, Ate?" Biglang sabi ni Kiko sa tabi. Nagulat naman ako rito kaya nahampas ko tuloy. "Aray, ate!"



Chase Series #1: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now