Walang pasok bukas at tuwang tuwa ako kasi wala kami masyadong gagawing plates ni Luna kaya chill chill lang. Nagkita kami ni Luna at nag desisyon bumili ng street food kasi nagugutom na kami.
"Kuya, pabili nga po ng...kwek kwek, kikiam, cheese sticks, at fish ball! Maraming salamat po!" sigaw ni Luna.
"Hindi ka ba pinapakain at ang rami mong pinagbibili?!" reklamo ko.
Patago ko siyang siniko sa baywang habang kinukuha ni kuya ang mga pagkain.Humarap sa'kin si Luna "Oh ano naman. Ikaw ba magbabayad ha? Hindi ba pwedeng gutom lang?" giit niya pabalik sa'kin. Sasagot na sana ako sa kanya ng pabalik pero may nakita kaming dalawang naka-holding hands. "MGA LASON KAYO! RESPETO NAMAN SA MGA SINGLE?!" sigaw ni Luna. "Porket walang jowa angal agad?" sabi ko ng pabalik kay Luna. "Nandito naman talaga kami para kitain kayo eh." patawang sabi ni Via. Nakuha na ng pambayad si Luna pero...
"Uy kikiam! Favorite ko yan." Nanlaki ang mata ni Luna noong kumuha si Arkin ng kikiam sa binili niya at kinain.
"ARKINNN!!" Nag aaway na ang dalawa at may sumigaw mula sa likod ko."Hi channel! Welcome to my guys." Pasigaw na sabi ni Sevi na galing siguro sa training dahil pawisan pa. "Sevi umayos ka nga pinagtitinginan ka ng mga tao oh." pagalit na sabi ni Luna. Palagi naman nag aaway yang dalawa. Napakaingay! Parang mga bata.
Tumunog ang cellphone ko. Nag text na pala si Sam. "Tara punta na tayong Pop up. Nandun na daw si Sam at Yanna." sabi ko sa kanila. Dala ni Luna kotse niya kaya dun kami sumakay. Sumunod nalang sina Via at Arkin dahil dala ni Arkin yung van niya.
Bumaba na kami at nakita agad namin sina Sam. Naka order agad sila ng beer at limang buckets?!! Umupo agad si Sevi at nagbukas ng beer.
Nakakailang inom na sila ng beer. Ako naman uminom lang ng tubig at kumuha ng pulutan kasi siguradong walang mag dridrive pauwi sa condo. Itong si Luna namumula na kakainom. Lumabas muna ako saglit dahil ang ingay sa loob.
May lumapit sa aking bata.
"Hello po, tanong lang po kung saan yung malapit na park dito?"
"Ahh, turn right lang sa kabilang kanto. Gusto mo samahan na kita?" Gusto ko din kasi maglakad lakad muna.
"Sige po maraming salamat!"Habang naglalakad..
"Ate, ako nga po pala si Eanne. Ikaw po?"
"Ate Kierra, bakit ka nga pala mag isa wala ka ba mga kasama?"
"Tinext po kasi ako ng mga kaibigan ko pumunta daw po ako sa park. Hindi ko naman po alam kung saan."Nang makarating kami tumakbo agad siya sa kanyang mga kaibigan. May dala-dala silang cake na nakasabi Happy Birthday Eanne!
"Hala, birthday mo pala ngayon.. Happy Birthday!" bati ko. Tuwang-tuwa sila at dahil sa kanila, naaalala ko yung panahong high school pa kami nina Luna. Nakakamiss sobra..
YOU ARE READING
University Series aus !
Genç Kurgu- pure fiction only - do not repost and/or claim as your own - not affiliated with 4reuminct and University series (au only) - errors ahead - ctto of the pics