Chapter One Hundred Five

113 2 0
                                        

#ElitesPainSuppression



Handa na ako.



Tapos ko ng mahawakan saglit ang pansamantalang bituin na naabot ko na sa gitna ng dilim. Kailangan kong bumulusok pabalik sapagkat doon ako sa baba nararapat. Dahil kahit kailan, alam kong walang karapatang yumakap ang dilim sa liwanag na dati n'ya lamang tinatanaw sa itaas.Kailangan kong muling bumaba dahil ito na ang takdang oras.



Wala na akong balak pumalag pa sa tadhana kung gustuhin n'yang hanggang dito na lang ang lahat. Ang mahalaga'y nagawa ko na ang alam kong nararapat. Pero bago yun ay may isang bagay pa akong kailangan na tuparin.



Hindi na ako natatakot. Wala ng puwang pa ang emosyong iyon ngayong naririto na ako at kusang bumaba sa kadiliman.




Walang ibang ingay kung hindi ang pagal at nanghihina kong paghinga. Sa gitna ng dilim ay may katiting na liwanag na sumisilip sa siwang ng sira sirang bintana. Ngunti unti unti na rin itong naglalaho sa twing mapapapikit ang aking mga mata.




Malakas na nilalamon ng katahimikan at kadiliman ang paligid, ngunit wala pa rin ni katiting na sensyales na may darating. O kung may darating pa ba para iahon ako sa dilim.


Isa...

Dalawa...

Tatlo..


Ilang ulit ko na ba nabilang sa aking isip ang bilang simula uno hanggang sampu? Nabibilang ko na rin ata ang pagitan ng aking bawat paghinga. Para bang sinusukat ko kung nabubuhay pa ba ang katawan ko o gumagana na lang dahil sanay na.



Hindi ko namamalayang habang pumapatak ang bawat minuto ay hindi na ako makagalaw. O mas maiging sabihing matagal na pala akong hindi gumagalaw. Nanghihina, nakaupo at naghihintay sa bagay na hindi ko kayang pangalanan. Wala namang bagay na pumipigil sa'kin, ngunit wala ring utos na naguudyok na kumilos.



Napagtatanto ko na may kakaiba palang kapayapaan sa pagkapagod. Isang estado na hindi ka lumalaban, ngunit hindi ka rin sumusuko. Nananatili ka lang sa lugar kung saan ka tumigil, pero hindi ibig sabihin ay nais mo na doong manatili—na nais mo doong magtagal.


Bahagyang napamulat ang pagod kong mata ng makarinig ako ng maingat na hakbang. Hindi ako sigurado pero malakas ang aking pakiramdam. Dahil hindi na kaparehas ng hangin kanina ang naamoy ko ngayon. May nagiba—sigurado ako don.




“T-Tulong..” mahina kong sambit kahit wala akong kasiguraduhan kung may tutugon.



Bahagya akong napapikit pero tanaw ko ang pigura ng taong papalapit. Sa wakas.. Sa wakas ay may dumating na rin.



Umayos ako ng kakaunti sa pagkakaupo. Nalilis ang aking suot na paldang uniporme. Bahagya pa rin akong nanghihina pero mas malakas ang pagasa ko ngayong sa wakas ay may makakatulong na.





“Fuck. What happened?” A man's voice murmered urgently.


“Tulong..” mahinang nasambit ng natitira kong lakas ng daluhan ako nito.



Pinipilit kong linawan pa ang paningin kahit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Nakahawak ang lalaki sa braso at siko ko habang inaaninag nito ang aking kabuuan at mukha.



“Sssssh.... Stay still, tutulungan kita, okay?” he muttered under his breath. “I'll take care of everything.” assurance nito sa akin sa pabulong ngunit malagong na boses. Lalaking lalaki.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon