One Hundred Four

301 8 10
                                        

#ElitesPain

••••


MABUTI na lang dumaan pa ang Sabado at Linggo bago ako muling bumalik at magpatuloy na parang walang nangyari. May dalawang araw para kahit papaano ay tumahimik ang utak ko. Maliban na lamang sa nangyari noong Sabado ng gabi.

Taray, pinandigan ang kalandian.”

Sabay sabay na tawanan ang narinig ko. Hindi sila nagbubulungan. Lantaran nila iyong pinaparinig. Tuloy tuloy akong pinapaulanan ng mga salitang masakit man sa pandinig ay wala akong dapat ireklamo dahil totoo naman.

Nagpaligaw at lumalandi kay Dwayne, habang secretly mag-on sila ni Flent. Gondooo.”


Tuloy tuloy ako sa paglalakad at hindi sila binalingan ng tingin. Yun nga lang ay mabilis din akong napatigil dahil sa lumapat sa magkabila kong tainga.


“Sakit at ngalay na kasi ang tainga ko. Balik mo nalang mamaya.”


Sinundan ko lamang s'ya ng tingin dahil tumuloy na muli ito sa paglalakad habang nakapamulsa. Ewan ko ba at narinig ko ang sinabi n'ya kahit na malakas ang music ng headphone na inilagay nito sa ulo o magkabila kong tainga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napansin na dahan dahan rin nitong binabagalan ang paglalakad. Diretso lang sa daan ang tingin n'ya habang maangas na naglalakad. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang paraan ng paglalakad n'ya. Nagsusumigaw ang matingkad n'yang asul na buhok na masakit man sa mata ay sentro naman lagi ng atensyon ng mga nakakakita.


Wala na akong ibang narinig. Pakiramdam ko ay tumahimik ang lahat. O baka dahil lang sa mas malakas ang music sa headphone?


Natigil ako sa paghakbang dahil bigla ring tumigil sa Flent sa paghakbang. Muntik pa akong mabunggo sa likod n'ya.



Kunot noo ko s'yang tinignan ng ngumisi s'ya. Bahagya s'yang lumapit sa mukha ko. Bumuka ang bibig n'ya at may sinabi pero biglang hindi ko na ito maintindihan masyado. Muli s'yang ngumisi.


“Paano kaya kung totohanin natin?”

“Ano?” Parang “natin” lang ang narinig ko ng malinaw.


Namilog na lang ang mga mata ko ng kunin nito ang isa kong kamay. Mabilis ko rin itong hinila pabalik pero mahigpit n'ya itong kinapitan na wala talagang planong bitawan.


Hindi ko alam kung bakit tinignan ko ang reaksyon ng mga taong nasa paligid namin.


“Flent! Ano ba?” Mahina aking pumalag pero pinanindigan n'ya talaga ang pagkapit sa kamay ko. Hindi pa s'ya nakuntento dahil saglit n'yang sinilip ang kamay ko at inayos pa ang pagkapit doon. Pinagsiklop n'ya ang mga daliri naming dalawa.




Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya sa pinaggagagawa n'ya. Sinilip n'ya ang reaksyon ko kaya muli na naman itong nangisi. Hindi ko alam kung inaasar ba ako nito o natutuwa lang s'ya kalokohang ginawa.



Hindi na ako nagaksaya ng oras at lakas na pumalag. Masyado syang makulit. Hindi ko na sana pagaaksayahan ang sariling tumingin sa mga reaksyon na nakikita sa paligid pero mas pinagsisisihan ko atang sa harap pa ako tumingin.




Pakiramdam ko'y biglang bumigat ang mga paa ko na humakbang. Kung gaano ko gustong hatakin ang bawat segundong punapatak ay mas lalo pa ata itong binabagalan bigla.


Akala ko noon isang malaking exaggeration lang yung tinatawag na "slow motion" sa isang partikular na scenario. Pero ganoon siguro talaga kapag gustong gusto mong bumilis ang oras. O kapag gusto mong makaalis agad sa isang sitwasyon. Mas bumabaliktad pa pala ito at lalong mas bumabagal dahil sa paghihintay.



ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon